CHAPTER 20: The Handkerchief

Start from the beginning
                                    

"Pero lagi ko siyang iniintindi. Pangarap niya 'yon eh. Pangako ko sa sarili ko noon na hindi ako hahadlang sa mga pangarap niya," sambit niya ulit.

Napabilib niya ko. Kanina lang nawawalan na ko ng pag asa sa lahat ng bagay pero dahil sa kanya lumakas muli ang loob ko. Hindi ako susuko. Mag papatuloy pa rin ako. Siguro maniniwala na lang ako sa kasabihang... Kung kayo, kayo talaga.

"Thank you, sis. Ginanahan ako sa sinabi mo," sagot ko. Grabe gusto ko talaga siya maging friend. "Ano nga palang pangalan mo?"

Tumawa na naman siya nang napakahinhin, "That's not how barking at a tree works, sissy. Maybe someday if we meet again. I have to go na, you can keep my handkerchief. It's really fun talking to you. Sana nakatulong ako."

Umalis siya nang hindi lumilingon sa akin. Habang papaalis siya, nagpasalamat ako sa kanya, "Salamat sa'yo! Okay na ko! Sana mag kita tayo ulit!"

Nakakagaan ng pakiramdam. Sana talaga makita ko siya ulit. Gusto ko siyang maging kaibigan.


***

(Back to Kier's Point of View in Present time)

Natapos ang kwento ni Valerie tungkol sa nakaraan niya, habang nandito pa rin kami sa food park at umiinom ng coffee frappe.

"Tapos 'yon! Ayon na nga lahat ng nangyari," sambit ni Valerie.

"So... After 'non wala na talaga kayong communication ni Shane? Hindi pa rin niya na paliwanag sa'yo kung bakit bigla na lang siya nag ka gano'n?" Napapakunot noo ako sa nangyari kay Valerie. Ang labo naman pala kasi ng Shane na 'yon.

Hindi siya sumagot at uminom na lang ng frappe. Hindi ko alam pero na-curious tuloy ako dito kay Valerie kaya magtatanong pa ako, "Oo nga pala, bakit sa kabila ng ginawa ni Shane sa'yo eh gusto mo pa rin siya?"

"Naniniwala pa din kasi ako na may mabigat siyang dahilan. Tsaka, wala eh. Sabihin mo nang tanga ako, pero hangang ngayon mahal ko pa rin siya," giit niya. 

E 'di ang tanga niya nga. "Ang tanga mo," Pag kasabi ko nu'n inapakan niya na naman ang paa ko. Malakas ang biglang pag apak niya kaya't nangaray ako, "Aray! Sabi mo sabihin kong ang tanga mo e!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay at uminom siya ulit.

Ito talagang Dragon na 'to ang pikon. Teka, nakaka-curious din 'yong babae sa park na nakausap niya, "Pero nakita mo ba siya ulit? 'Yong babae sa park?"

Hindi siya agad sumagot dahil sumisipsip pa siya sa coffee frappe niya pero matapos 'yon, "Hindi na nga eh. Gusto ko pa naman siya maging kaibigan."

Naalala ko si Jana sa kinuwento niyang babae sa park. Parang siya 'yon na parang hindi e. Ewan pero na-miss ko tuloy si my loves.

"Dahil sa sinabi niya sa akin ng araw na 'yon, mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob at hindi mawalan ng pag asa. Someday makakapag usap din kami ni Shane at makikita ko din ang mama ko. Maitatanong ko ang mga tanong na dapat na may sagot," sambit pa ni Valerie na kita ko sa mukha niyang determinado talaga siya sa gusto niyang mangyari, kahit pwedeng masasaktan lang siya pag nalaman niya ang katotohanan.

"Kaya..." tumabi sa akin si Valerie at inakbayan ako, "Dahil friend na kita at may kasalanan ka sa akin kagabi, dapat tutulungan mo ko makausap si Shane at sasama ka sa akin tumambay sa airport minsan."

Nagulat naman ako sa sinabi niya, "Huh? Akala ko quits na tayo kasi nilibre kita ngayon?"

"Hindi pa. Malaki kaya kasalanan mo sa akin," sagot niya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now