“I-im sorry, anak…” Naiiyak na sambit ni Diane..

 ”Konting paikot lang sa kanya, bumigay agad...” Hindi makaimik si Lia, at hindi makapaniwala sa naririnig niya.

”Daniella, come here..” Tawag ni Sophia sa anak ni Lia. Biglang nagpanic ang mukha ni Lia ng lumapit ito kay Sophia..

 “Tita Sophia, why does mommy holding a gun? Are you two fighting?” Inosenteng tanong nito. Umupo siya Sophia para maging ka-level niya ang bata.

 “No, we’re not. We’re just playing.” Mahinahong sabi ni Sophia sa bata.

“Really? Can I join?” Tanong ulit nito.

 “Of course. But first hold my hand and never leave my side. You might get hurt if you move..” Hinawakan ng mahigpit ni Daniella ang kamay ni Sophia at saka humarap kay Lia.

 ”Ella, come here. Don’t go near her!” Utos ni Lia sa anak. Pero umiling ito.

 “No, Tita Sophia told me to never leave her side. And we’re playing!” Nakangiti si Sophia kay Lia.

 “Yeah. We’re playing and if she leaves my side.. She might get hurt, you don’t want that Lia.” Hindi alam ni Lia an gagawin. Everything turns up side down. Dapat si Sophia ang magmamakaawa sa kanya pero ano? Siya pa ang talo sa huli, hawak niya ang anak nito.

 ”I’ll be  giving you a chance Lia. Sumuko ka na, at hindi sila madadamay dito. Para din ito sa kabutihan ng mga anak mo.” Pinagmamasdan lang niya ang kanyang anak na ngayon ay hawak ni Sophia..

 “Gusto ko lang makabawi sa lahat ng ginawa niyo sa amin. Hindi maganda ang laging isinasantabi lang. Masakit yun! Dahil naramdaman ko yun, nung lokohin ako ni Daniel. Ayokong gawin sayo to Sophia, lalung-lalo na kay Nics. Pero ng maramdaman ko ang naramdaman ni Mama, dun ko lang narealize ang sakit. At namatay si Papa ng dahil sa inyo.” Umiiyak si Lia. 

”Anak..” Napatingin si Sophia kay Diane. Alam niyang gustung-gusto na nitong lapitan ang anak para yakapin. Tinignan niya ang may hawak kay Diane at sinenyasan na pakawalan ito. Agad namang ito lumapit kay Lia.

“Anak, im sorry. Kasalanan ko lahat ito. Sana nakuntento na lang ako, hindi ka sana nadamay pa. Sana hindi ka naghihirap ng kagaya sa akin, masaya ka dapat kasama sila. I’m sorry.” Tumingin ito kay Sophia, lumapit siya at lumuhod sa harap nito.

 “Young Mistress Sophia, aakuin ko lahat ng responsibilidad sa nangyari. Alam ko hindi na sapat ang salitang sorry.. Pero tatanggapin ko lahat ng gawin niyo sa akin, basta hayaan niyo lang si Lia. Ayokong magaya siya sa akin.. Nagmamakaawa ako sayo..” Umiiyak si Diane habang nakayakap sa mga binti ni Sophia..

”Tama ka, hindi sapat ang salitang sorry sa ginawa niyo sa akin.. Nawalan ako ng pamilya ng dahil sa inyo, nawala din ang kaligayahan ko..  Pero kung yan ang gusto mo, sapat na ang buhay mo kapalit ang buhay nila. Tutal ikaw naman ang dahilan ng lahat.” May inilabas si Sophiang baril. At agad itinutok kay Diane. Pumikit si Diane.

*BANG*

(JUSTINE)

”Relax, Justine...” Mahinahong sabi ni Ate.

 ”Relax?! Hindi ako makakapag-relax kung hindi ko alam kung ayos lang ba si Sophia. Ate ano ba kasi ang nangyayari? Para akong t*nga dito, walang kaalam-alam.” Napabuntong-hininga si Ate. Damn! Ayaw pa kasi niyang sabihin kung bakit ganito? Naiinis ako! At lalo lang akong naiinis kasi alam ko wala akong magawa para hindi na ulit masaktan si Sophia. I feel useless!

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now