”Alam mo?” Tanong ni Lia. Tumawa ulit si Sophia.

 ”Alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo. Maski ang pinakatago-tago niyong sikreto. Kaya ka nawala noon, dahil buntis ka sa unang anak niyo ni Daniel. At ngayon sa pangalawa. Ngayon Lia, mamili ka. Susuko ka o pare-pareho kaming mamamatay? Choose. Hindi ako takot mamatay Lia, dahil matagal na akong patay matapos niyong patayin ang mga magulang ko at si Nics. At magiging patas na tayong dalawa. Mawawala sayo ang anak at ang nanay mo pati na rin si Daniel ng sabay-sabay. It will be scene to watch at mag-eenjoy ako kahit na sa impiyerno pa ako mapunta.” Pang-iinis na sabi ni Sophia. Matalim na tumingin si Lia sa kanya.

 “Sinungaling! Hindi ako maniniwala sayo! Wala kang patunay na hawak mo sila!”Galit na sigaw ni Lia.

 ”You want proof? Sige ibibigay ko sayo.” As if on cue, bumukas ang pinto at pumasok si Timothy na hawak ang isang batang babae. At dalawang Black Crown Guards na hawak si Daniel at si Diane.

 “There you have it, Lia. You’re proof. Ngayon Lia, kill me and they die.” Ang sama na ng tingin ni Lia kay Sophia. Punung-puno na ng galit.

 ”You’re a monster. Laro lang sayo ang lahat na ito. Pinaglaruan mo lang ako!” Lia said with so much hatred. And Sophia enjoys it very much. 

“Ikaw ang gumawa sa akin nito, Lia. Kaya wag ka ng magtaka pa. By the way you love to play chess right. And that’s what we are playing. Human chess. Exciting isn’t it?” Tahimik si Lia.

“Lia! Tama na! Nakikiusap ako sumuko ka na..”Pagsusumamong sinabi ni Daniel. Tinignan siya ni Lia.

 “Hindi! Hindi mo ako naiintindihan Daniel! Nasimulan ko na ito at kailangan ko itong tapusin.” Sigaw ni Lia. At saka tumingin ulit kay Sophia, hinawakan ng mahigpit ang baril.

”Kailangan kong patayin si Sophia para makuha ko na ang lahat ng dapat ay akin!” Nagkatitigan si Sophia at Lia. Hanggang sa marinig niya ang iyak..

 ”Mommy..” Agad napalingon si Lia sa kinaroroonan ng anak niya..

”Inampon ng pamilya ko ang mama mo dahil ulila na siya. Naging isang matapat na tauhan namin ang magulang ni Diane. Itinuring na nila Lolo at Lola si Diane parang anak nila. Pinag-aral, binigyan ng magandang buhay kagaya ng naranasan ni Papa. Pero hindi nila alam na mag-aasam siya ng mas higit pa. Matapos iwan nila Lolo at Lola ang lahat kay Papa, dun na nagsimula ang galit ng mama mo. Pinlano niyang patayin ang mga magulang ko pati na rin ako. Lingid sa kaalaman niyong lahat na kambal ang anak nila. Maliban sa mga malalapit na pamilya at kaibigan. Namatay ang mga magulang ko pero buhay ako. Itinago ako ni Sebastian pati na rin ni Nics at ng iba pa. Si Nics ang sumalo ng responsibilidad na dapat ay sa akin. Matapos ang ilang taon bumalik ako dito, handa ng humarap sa lahat at para kunin ang responsibilidad ko. Pero pinatay mo si Nics. Ginamit niyong mag-ina si Alexa para agawin sa akin si Justine. Dahil akala mo madali mo na akong mapapabagsak. At dun ka nagkamali Lia.”  Nakikinig si Lia sa mga sinasabi ni Sophia. 

“Sa pag-alis ko, kayo ang kumontrol sa buong Royal Academy. Nawala ako dito sa loob ng apat na taon hindi dahil nagluluksa ako. Sinimulan ko na ang imbestigasyon ko, at nalaman ko na ang dapat kong malaman. Pero naguguluhan pa ako kung sino ang tunay na anak ni Diane kung Lia o si Julia. Kaya agad akong bumalik. Nung una akala ko si Julia talaga, pero i figure na ikaw yun Lia dahil sa magaling mong nanay.”Takang napatingin si Lia kay Diane.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon