"Alam niyo po ba yung private plane rito na papuntang Ilocos? Um ano, yung Boeing?" natataranta kong tanong. Fifteen minutes past seven na, ang sabi niya kahapon alas-siete raw ang lipad niya.

Kinamot ng lalaki ang likod ng kanyang ulo, "Huh? Eh miss, ang daming chartered plane rito eh. Tapos hindi ko alam kung saan sila papuntang lahat. Mas mabuti pa roon ko magtanong, kay Sir Axel."

May tinuro siyang lalaking nakatayo sa malayo. Katabi ang isa pang private plane. I'll assume that he's also a pilot. Tinunguan ko lang yung lalaki at tumakbo ako papunta sa tinuro niya.

Napakalayo ng distansya ng bawat private plane rito, kung ituturo pa ako sa ibang direksyon, ewan ko lang kung makayanan ko pang tumakbo. I'm running out of breath already!

Napansin ako noong lalaki, napahinto siya nang mapagtantong siya ang pupuntahan ko. Naglakad siya palayo sa eroplano para lumapit sa akin.

Nang nasa harap na niya ako, hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa. He's really tall! Lahat ba ng piloto ganto katangkad? He's probably in his mid-forties, but that's the least of my concern right now.

"Excuse me. Pwedeng magtanong?" Pinilit kong magsalita kahit sobrang hingal na hingal ako. He pursued his lips, "Sure tutal nagtatanong ka na naman."

Hinayaan ko na lang ang pilosopo niyang sagot. "Do you happen to know Sander? Sander Atilano?" Gaya ng sabi sa akin ni San, madalas daw siya rito kaya malamang ay may nakakakilala sa kanya kahit papano.

"Ah, si Sander! Anong kailangan mo sa kanya, miss?" Lumiwanag ang aking mukha dahil sa kanyang sagot. Okay, calm the crap down now, Eve. "Nandito po ba siya ngayon?"

"Nakita ko siya kanina, papunta raw siyang Ilocos. Teka nga muna miss, anong meron?" Nagtataka ata siya kung bakit ko hinahanap si Sander sa isang private runway. At kung bakit ako nandito in the first place.

"Kaibigan niya po ako, kasama niya ako papuntang Ilocos kaso lang late na ata ako. Nasaan po ba siya?"

Nagmadali na ako sa pagtatanong. Baka kasi hindi ko na siya maabutan. Hinawakan niya ang kanyang batok at tila nag-isip. "Nakaalis na ata siya. Kanina pa siya cleared eh, pero hindi ko sigurado. Tignan mo roon, nandun yung mga papaalis na chartered planes."

Tinanaw ko yung tinuro niya. As expected, it's atleast fifty meters from here. "Sige po. Salamat." I heaved out a sigh, kaya ko 'to. Nagmadali akong tumakbo papunta roon.

Nanlalabo ang mata ko sa tirik ng araw pero naaninag ko ang isang pamilyar na private plane. Iyon yung sinakyan namin noon. I remember him telling me that he rents that out often.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Ngayon lang ata ako tumakbo ng ganito kabilis. I don't know why I'm acting like he's leaving the country or something. Masyado akong paranoid na baka hindi na siya magpakita ulit sa akin.

I'm only a few meters away when the plane started moving towards the runway. Shit! Don't tell me it's too late. Lumiko ako patungong runway para sundan yun. Mukha na siguro akong tanga kakatakbo rito.

"Saglit lang!" sigaw ko habang naka-buntot sa eroplano. Tinaas ko pa ang aking kamay para makuha ang atensyon nito. I can't clearly see the pilot since the plane is too tall. Too bad planes don't have side mirrors.

"Sander!" sigaw kong muli. I know he won't hear me but I'm still hoping for some miracle. Pagod na pagod na ako kakatakbo, and worse, under this scorching heat.

"Everee!" Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang aking pangalan. It's not from an actual voice, more like a megaphone. Nanatili lang akong nakatayo roon habang pinapanood ang tuluyang pagtakbo ng eroplano sa runway.

Retrograde (Completed)Where stories live. Discover now