Chapter 36.3

4.8K 101 4
                                    

Elea’s POV:

Maganda ba ang araw ngayon?

TT_____TT Para sa akin, HINDI. Sino naman ang magiging maganda ang araw kung wala dito ang best friends mo?????

Sinong kajamming ko mamaya? Sinong kasama ko pauwi? Sinong magpapakopya ng assignments?? Sinong manlilibre ngayon?

Dami kong iniisip ngayon. At hindi pa rin maalis sa panaginip ko yung andun ako sa GUBAT..

============FLASHBACK==========

Nakasakay ako ngayon ng taxi, papunta na ako sa school..

 

Pero malayo pa yun, medyo traffic ang nadaanan ni manong kaya baka matatagalan pa ito. Habang naghihintay, hindi ko na namalayang nakatulog na ako dahil sa puyat.

 

BOGSH!

 

I suddenly woke up! Anong ingay na iyon? “Manong------“

wala si Manong driver sa taxi niya. Nasa kalagitnaan pa rin kami ng daan na maraming kotse. Sumilip ako sa labas, tanghaling tapat na at kailangan ko ng makarating sa school.

 

Lumabas ako para maglakad na papunta sa school. Ang daming kotse pero walang tao. Ano kaya ang nangyari dito?

 

“Ahm.. tao po?” tanong ko kahit pakiramdam ko walang tao.

Kinabahan ako. Ano kaya ang nangyari dito? Walang tao?

I looked around, SILENCE is what I hear. Nakakabingi nga eh. Pero may isang tao ang nakakuha sa akin ng atensyon. Isang batang babae ang nagpakita sa akin…

Nakatingin lang ito sa akin ng diretso. Nakasuot siya ng dress at may hawak na teddy bear. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sa akin pero ang ngiti nito ay sobrang CREEPY!

 

“Bata.” tawag ko ng mahina. “Asan ang lahat ng tao dito?”tanong ko sa kanya.

 

Imbes na sagutin ako, sinabi niyang “Hanapin mo muna ako..” at bigla siyang nagtatatakbo sa gubat.

 

“Bata, bata” tawag ko ng malakas.

 

Naririnig ko ang tawa niya sa gubat. “Hanapin mo ako! Isa, dalawa, tatlo!” pagkanta niya.

 

Hinanap ko siya sa loob ng gubat… “Hanapin mo ako…” kahit saan man ang lugar na tatahakin ko, naririnig ko pa rin ang boses ng bata. Nageecho siya sa gubat. Hanggang sa marinig ko ang malakas na hampas ng hangin sa likuran ko.

 

Tumingin ako sa likod nang---

 

 

“BOOO!”

 

The Vampire's WIFE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon