Chapter 3

16.2K 346 2
  • Dedicated kay Mary Jeresse Bauzon
                                    

Sorry to keep you waiting guyss... Sorry kung hindi man magiging 10 pages ito... pasensya na..

===============================================\

^Tomorrow, tomorrow, I love yah, tomorrow there’s always a DAAAYY AAAWWAAYY^

(Alarm Clock ko) napagising tuloy ako dahil sa kanta ng alarm clock ko.

Time Check: 8:00 am.. maaga pa.. Pero dapat kong sanayin ang sarili ko kasi wala na akong magagamit na bike. Phew..

Bumangon na ako at inayos ang hinigaan ko.. Bumaba na rin ako since ako naman ang nagluluto.. Alam naman ni Mama magluto kaya lang nataasan akong magluto kasi sabi ni Mama masarap ang mga luto ko, hindi daw kagaya ng mga luto niya----psh..nevermind. Namana ko lang DAW kay Papa ang pagiging Master sa Kusina…

Time: 8:30am

Andito na ako sa kusina at nagluluto na ako ng Adobong Kangkong.. Namitas na si Mama ng Kangkong sa labas pagkababa ko. Kahit walang sahog, pasasarapin ko pa itong adobong kangkong ko.

“Ma, kain na po tayo..” pagkasabi ko nun, pumwesto na si Mama..

Tahimik kaming kumakain. Walang umiimik sa amin.. Kapag tahimik si Mama, alam kong iniisip niya nanaman si Papa lalo na kapag luto ko na ang natitikman..

Pagminsan tinatanong ko sa sarili ko kung buhay pa si Papa, sasaya na ba kami?...Hayy..nilalakas ko na lang ang loob ko para kay Mama..

“Ma, alis na po ako!” tapos naman akong kumain, busog naman na ako eh..

Tatawid pa pala ako ng tulay para makaabot sa bayan...at makahanap ng masasakyan..

30 minutes… andito na ako sa bayan.. ang daming tao ah..karamihan kasi sa palengke..

Teka, bat ang tagal naman ata…saan na kaya yun?

“pssst!!! Babes!! DITO!!!” tinignan ko kung sino yun.. leche, andito na hated-sundo ko.

“Leche, wag mo akong matawag-tawag na babes!! Putchie!! Sobrang tanda mo na para magkagirlfriend!!haha” sagot ko..

“Oo na, matanda na, sakay ka na..ihahatid na kita..” at ayun, hindi na ako nagreklamo baka basagin ko mukha nito eh…hehe

Tunog sa tricycle..

Now playing..(Pangarap lang)

Pangarap kong makarating sa buwan at lumipad

Hanggang doon sa kalawakan nais kung humabol

Sa pag ikot ng mundo sumabay sa awit ko...

 

CHORUS:

Sasakay ako sa aking pangarap basta't

Ang kasama ko'y ikaw may liwanag

Sasakay ako sa aking panagarap hangga't

Ang laman ng puso ko'y ikaw may liwanag

The Vampire's WIFE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon