Chapter 41.2

1.9K 73 1
                                    

BLAAAGG!

Ay butiki! Ano ba yun?

"Nothing serious." Sabi nung lalake habang chinecheck niya pulse nung babae.

OMO! I remembered..........Biglang nahimatay ang babae sa harapan namin. Hindi siguro nakayanan yung scene namin.

"Ahm.. Anong gagawin naten sa kanya?" tanong ko sa lalake.

Nagisip siya saka na lang siya nagsmirk. "Itapon na lang natin sa ilog."

I chuckled. "Sige ba!" nakisakay na rin ako sa kalokohan niya.

"Seryoso ka?" gulat pa niyang tanong.

"Bakit? Mukha ba akong nagbibiro? Atsaka hindi ko nagustuhan ang inasal sa akin ng babaeng yan. Tawagin ba naman akong SLUT at BITCH???????" nilakihan ko lang ng mata yung lalake habang sinasabi ko yun.

Hindi niya napigilan ang tawa niya kaya tumawa siya. Pero infairness, ang guwapo niyang tumawa.

"Tsk... I'm Zach by the way!" inabot niya kamay niya para makipagshake hands.

Inaccept ko naman... "I'm Vanessa.. Nessa for short.." I simply told him but he only ceased his brows. Nakakunot siya nuung marinig niya pangalan ko.

"Hmm... may problema ba?" tanong ko sa kanya.

Mukhang naman siyang natauhan sa sinabi ko "Ah! Wala to.."

"Hindi mo ba ako kilala?" tanong niya sa akin.

"Ahm.. nakapagpakilala ka na sa akin so kilala na kita." I smiled.

"Nope! That's not what I meant. Kilala mo ba ako dati pa?" tanong niya sa akin.

Wait lang.. Aalalahanin ko ah. "Sorry, I can't remember you eh." I looked apologetic to him.

Bigla siyang nalungkot? I don't know. "Ahm.. sige, maiiwan na kita hah. Pupunta pa ako sa school ng mga anak ko." He excused.

May mga anak na pala siya?! Sayang naman....

"Sige bye" nagpaalam na ako, pumasok na siya sa kotse niya. Hindi na ako nagtanong, nakakahiya naman kasi eh.

"ASAN NA SIYA???" narinig kong sigaw ng mga bodyguards ko.

Oh my G! Anong gagawin ko?

Buti na lang nakashades ako at nakamake-up at iba na ang mga damit ko.

I was silently walking towards Zach's car but may lumapit sa akin na isang bodyguard ko.

"Hay! Ma'am, may nakita po ba kayong babaeng nakahood po, sa ibaba niya po nakajeans, tapos nakalugay buhok niya, nakasuot din siya ng rubber shoes." Juskopo!

Tinaasan ko lang siya ng kilay, ang hirap ng pagkakadescribe niya. Hindi ko maimagine. "Ah. Hindi ko po yan nakita. Baka nasa tabi tabi lang yan." Ginamit ko ang seductive voice ko para naman maiba. First time ko lang gawin yun. Breathing Exercise???? Nah...

Napagulp yung bodyguard ko. "A-ah.. g-ganun p-po ba? Kasi...kasi...kasingkatawan niyo po siya.. mas sexy ka lang kaysa.. sa k-kanya.." Ako ang kaharap mo, GAGO!

I chuckled. "Thank you for the compliment. Sorry! But my husband is waiting for me eh. So todels?!" I waved at him.

Napanganga yung bodyguard ko! YASH! Ang galing kong umakting.

Binuksan ko yung pintuan ng kotse ni Zach. Ayos lang ano? Parang ako may-ari ng kotse hah. Tsk.

"Hay! Pasakay ah.." I smiled to him. He returned the smile then answered. "Sure."

The Vampire's WIFE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon