CHAPTER 19: Valerie's Past part 4

Start from the beginning
                                    

Tumango naman si Shane habang nakangiti, "Good idea."

Umalis si Karlo at kumuha ng inumin. Pagbalik niya ay nag celebrate kami sa pamamagitan ng pag inom ng alak.

"Cheers guys!"

"Cheers!"

"Oo nga pala Shane. Kausap ni Ms. CJ 'yong manager na nag hahanap ng talent. Baka kukunin ka na," sambit ni Karlo sabay inom ulit ng kaonting alak.

Biglang namang na-excite si Shane sa sinabi ni Karlo. Nanlaki ang mga mata niya at lumapit siya kay Karlo, "Talaga?!"

Tumango naman si Karlo. Agad na lumabas si Shane ng backstage at nag madaling pumunta kay Ms. CJ. Sana nga ito na ang big break niya. "Go Shane!" Pahabol ko.

Sumunod ako pero hindi ko sinamahan si Shane. Tinanaw ko lang siya mula sa malayo. Nakatayo sila sa sulok at mukhang sobrang siryoso ang pinag uusapan nila. Ilang saglit pa habang sila'y nag uusap, napansin kong lumayo si Shane at si Ms. CJ sa lalaking tila manager at para silang nag tatalo. Nakaakbay si Shane kay Ms. CJ at tila may ipinapaliwanag siya.

Tumingin sa akin 'yong lalaking manager at ngumisi. Ang creepy niya. Para siyang nangunguha ng bata. Para makaiwas ibinaling ko ang atensyon ko kay Karlo na iniisa isang puntahan ang mga mag kakasintahan na nag de-date sa bar.

"Hi Guys, happy valentine's day sa inyo. Sana mag tagal pa tayong tatlo." Dinig kong sambit ni Karlo sa dalawang mag jowa na nag de-date.

Nagtinginan ang dalawang magkasintahan at takang taka sa ginawa ni Karlo. Agad lumipat si Karlo sa kabilang table at inulit ang sinabi niya. Paulit ulit niya itong ginawa sa mga table na may nag dedate na mag jowa.

"Siraulo talaga 'tong si Karlo," Tawa nang tawa si Rex na pinapanood si Karlo. Nasa likod ko pala siya 'di ko napansin.

"Ano ginagawa ni Karlo?" Tanong ko kay Rex.

"Third wheeling," sagot niya.

Napakunot noo ako, "Huh? Anong third wheeling?" 

"Sabi niya kasi mas masarap maging single pero nakakamiss din ang may binabati. Kaya 'yon, universal third wheel na lang daw siya." Paliwanag ni Rex habang nakangiti't pinapanood si Karlo.

Hinayaan ko nalang si Rex at Karlo sa trip nila at ibinalik ko ang atensyon kay Shane. Naguusap pa rin si Ms. Cj at si Shane. Maya-maya pa ay biglang umalis si Ms. Cj at bumalik si Shane sa manager. Inakbayan niya ito at nag usap ulit sila. Inaya ni Shane ang manager sa isang table at umupo sila sa upuan. Naguusap pa din sila, tila may ipinapaliwanag si Shane sa kanya. Kung ano man 'yon sana sa ikabubuti naman niya. Parang nakakaramdam kasi ako ng kaba.

Pero sana kontrata na ang pinag uusapan nila. Sana ito na ang pinaka hihintay ni Shane.

Pagkatapos ng mahabang pag uusap ni Shane at ng lalaking manager, nagkamayan sila ng na parang may napag kasundoan na.

Yes! Mukhang success na!

Tumayo sila at magkasama silang lumabas ng bar. Saan kaya sila pupunta?

Gusto ko sanang sundan sila, pero ayaw kong makigulo baka maging dahilan pa kung bakit hindi makuha si Shane as talent. Nag send nalang ako ng text message sa kanya.

Me:  Shane saan kayo pupunta? Ingat ka ah. Good luck. Sana 'yan na ang pinakahihintay mo. Wait na lang kita dito.

Nag hintay ako pero hindi nag reply si Shane. Siguro marami talagang mga terms na dapat pag usapan. I guess we can celebrate valentines tomorrow. Ngayon kasi hindi ko ma-e-enjoy ang valentines event na ito. Hangang tingin at inggit nalang ako sa mga nag de-date dito.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now