“Rae, pamasahe ng kamay.” Inabot niya yung kamay niya sa akin at tinignan niya ako sa mata at nagpacute pa siya. Now I’m totally screwed. Sino bang hindi papayag na mahawakan yung kamay niya? Aba chance ko na rin ‘to para manyakin, I mean mahawakan yung kamay niya.

“Okay. Kinakarir mo masyado pagiging gitarista ah. Haha.” Sinimulan ko nang magmasahe at halos gusto ko nang tumili sa sobrang kilig! Grabe torture ‘to! Ang lambot lambot pa ng kamay niya.

“Ang galing mo palang magmasahe eh.” Napatingin ako sa kanya at halos malaglag ako sa upuan ko nung nakita kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Idagdag mo pa na nakangiti siya habang nakatingin sa mga mata ko. Ayoko na, yung puso ko ang bilis na ng tibok.

“Oh ayan, tama na yan,” tapos binitawan ko na yung kamay niya kahit ayoko. Andyan na kasi yung teacher namin eh.

“Ay, epal naman si Ma’am oh. Ang sarap-sarap magpamasahe eh. Tsk.” Narinig kong sabi niya. Hindi ko alam pero di ko mapigilan yung ngiti ko kaya humarap muna ako sa kabilang side para lang mailabas ‘tong pesteng kilig na ‘to. Hahaha! Ang saya-saya ko ngayon! Nahawakan ko yung kamay niya. Natitigan ko siya ng matagal.

Pero magkaibigan lang kami.

Friendzoned.

Nung breaktime naman namin nung hapon, biglang may napadaan sa akin na slumbook. Uso kasi yun dito eh. Stuff like that. Tumingin naman ako kay Yuji na natutulog ngayon sa armchair niya. Ang cute niya ngang tignan eh. Sinagutan ko naman agad yung slumbook pero napatigil ako dun sa page na about sa love.

What is love?

Napangiti naman ako agad at nagsulat.

Love is when you’re smiling when he’s with you.

Describe your first love?

Kinabahan naman ako dito. Kasi siya ang first love ko. Yung secret love ko. Siya.

Kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Friendzoned.

Yun nalang yung nasulat ko. Ayokong magdescribe kasi magaling manghula yung mga classmates ko. Dati nga muntik na nilang mahulaan eh, tumanggi lang ako at naniwala naman sila. So close right?

“Rae! Tapos ka na?” sabi ni Alexa, yung may-ari nung slumbook. Tumango naman ako.

“Yujiiiiiiiiii!!” nagulat naman ako nung sinigawan niya sa tenga si Yuji. Ang adik talaga nun.

“Hmmm?” inangat niya yung ulo niya at saka kinusot yung mata niya.

“Pasagot naman ng slumbook! Salamat!” tapos tumakbo na siya.

“Ano naman ‘to? Tsk.” Mukhang nairita siya dahil sa paggising ni Alexa sa kanya. Well ako rin naman maiinis kapag ginigising ako.

Binuklat niya yun at nagtitingin-tingin. Ako naman eh bigla ring inantok. Nalipat ata sa akin yung antok niya eh. Sabagay mahaba pa naman yung breaktime kaya umub-ob na rin ako sa desk ko. Pero napatayo rin agad ako at kinalabit siya.

Short Stories (Oneshots)Where stories live. Discover now