Chapter 3

19.7K 477 88
                                    

"Kurt... Let's break up."

I could see the pain in his eyes. Gusto kong pumikit para hindi ko makita. Ayaw ko siyang saktan... I loved Kurt. I really cared about him... But if we didn't stop this, mas lalo lang kaming masasaktan. Kaya naman kahit mahirap para sa akin, alam ko na kailangan ko itong gawin.

"A-ano?"

"Let's break up, Kurt," sabi ko at pinilit na ngumiti. "It's not working anymore."

Pilit niyang hinuli iyong kamay ko, pero hindi ko ginawa. I knew that it would only take one touch para bumigay ako. Pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kong tatagan ang loob ko. 

"Pat naman..."

"Kurt... Let's just break up habang maayos pa tayo."

"Maayos ba 'to sa 'yo, ha, Pat? Maayos ba na sinasaktan mo ako?"

Hindi ako nakasagot. Maybe I was guilty. Yes, nasasaktan ko siya... Pero alam ko na in the long run, papasalamatan niya rin ako. Because I saved the both of us. Before this relationship ruins what is left of us. 

"Goodbye, Kurt..."

Bigla akong nagising. Hinihingal ako. 

"Hanggang ngayon, Pat?" sabi ko sa sarili ko habang nakahawak ang kamay sa dibdib. "Malapit ng mag three months. Dapat medyo maayos ka na ngayon..."

Nagmumuni-muni ako tungkol sa nararamdaman ko nung may mapansin ako na mali. Napatingin ako sa bintana. Naka-sikat na ang araw. Tumitilaok na rin ang mga tandang ng kapitbahay. At saka ako napa-tingin sa alarm clock ko.

"Shucks!" 

Nanlaki ang mga mata ko nung mapansin ko na 7:30 na! At 8:00 ang simula ng class ko! Hindi ako pwedeng ma-late! Hindi na nga ako naka-pasok sa first class kahapon, pati ba naman ngayon?! Baka naman ma-jinx na nito ang buong college life ko! 

Mabilis akong naligo at saka nag-ayos. Ni hindi na naman ako nakapagbreakfast! Naku! Baka bigla naman akong magka-sakit dahil palagi akong hindi kumakain ng breakfast. Sanay pa naman ako sa heavy meal. Sabay kasi kami ni—

Ano ba 'yan, Pat! Tigil na nga muna! Aral muna!

"Bye, Ma!" sigaw ko bago ako tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Habang naka-sakay, nakapikit ako at nagbibilang hanggang sa makarating kami sa school. At talaga nga naman na kapag minalas ka, tuluy-tuloy yata. Ang dami naman kasing ginagawang daan! Parang biglang gusto ko na lang magwalling dahil nawawalan na talaga ako ng pag-asa na aabot ako sa first class ko!

"Hay, salamat!" malakas na sabi ko nung makita ko na iyong main gate ng school. Nagtinginan sa akin iyong mga tao, pero masyado na akong nagmamadali para isipin pa iyon. I sprinted hanggang sa makarating ako sa 3rd floor. Pakiramdam ko ay mapuputulan ako ng hininga sa sobrang pagod! 

At pagdating ko roon...

Nasaan sila?! 

"Girl!" sagot ni Trixie nung sagutin niya iyong tawag ko.

"Nasaan kayo?" I asked Trixie. Pumasok ako sa loob ng classroom, pero wala talagang tao! Ni walang note sa board, or what! Wala bang pasok ngayon, at hindi ako informed? 

"Nasa auditorium kami."

"Ulit?"

"Yes. May welcoming ceremony daw, e. I don't know. Punta ka na lang dito! Hindi pa naman nagsisimula."

"Okay. Saang banda kayo?" I asked. She gave me the instructions at saka ako pumunta sa may auditorium. Ang dami nga pala talagang estudyante ang school na 'to. Siguro naman dahil sa dami ng population, liliit na ang probability na makakasalubong ko si Kurt... Statistically accurate naman iyon. Tama, Pat. Hingang malalim lang. Hindi mo siya ulit makikita kagaya ng kahapon.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon