Chapter 8

9.9K 260 11
                                    

Everything will be fine. Everything will be fine. Everything will be fine.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang sinabi itong mga salitang 'to sa sarili ko simula nang umalis ako sa bahay kanina. Sobra-sobra kasi ang kaba na nararamdaman ko ngayon habang bumabyahe ako papunta sa venue kung saan magaganap ang homecoming namin ngayong gabi.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako kung kabahan. E, papunta lang naman ako ngayon sa homecoming. Hindi rin naman dahil first time ko pumunta sa ganitong event kaya ganito ang pakiramdam ko. Palagi akong pumupunta sa ganitong mga party noon.

Isinama pa nga ako ni Mama dati sa homecoming nila pero hindi ako kinabahan. In fact, I was excited that time. Pero ngayong gabi, ibang-iba talaga 'tong nararamdaman ko.

Parang may mangyayaring kakaiba.

Kinakabahan siguro ako ngayon dahil muli kong bibisatahin ang school na humahawak sa sobrang dami naming memories ni Pat. Ang school na iyon kasi ang naging saksi sa namuong pag-iibigan naming dalawa dati. Mga pinagsaluhang ngiti at lungkot. Mga pagtawa at pag-iyak. Ang school na iyon ang naging saksi sa lahat. Doon sa school na iyon nagsimula ang lahat.

Sa totoo lang, nagdalawang isip pa ako kanina kung pupunta pa ba ako ngayon. A part of me was saying na huwag nang pumunta. Alam ko kasing malulungkot lang ako. Maaalala ko lang iyung dating kami ni Pat. Sa bawat sulok ng school na iyon, si Pat lang ang maiisip ko. Mas lalo pang mahirap dahil alam kong pupunta si Pat at makikita ko siya. Makikita ko siya pero 'di ko naman siya pwedeng lapitan dahil nga ayaw na niya akong makausap. Heck. Ayaw niya nga rin ata akong makita.

Pero kahit ayokong pumunta, still, pumunta pa rin ako. Nangako kasi ako sa favorite kong adviser na sisipot ako tulad nang ipinangako ko sa kanya. Hindi pa naman ako iyung tipo ng tao na bumabali sa pangako niya. Kapag sinabi ko, ginagawa ko talaga. Parang mga pangako ko sa kanya.

Pagdating ko sa venue, ang dami nang tao agad. Sa school's gym gaganapin ang homecoming. Ang ganda ng pagkakaayos ng gym. Naging maganda ang kinalabasan. Kudos to Vince dahil alam kong malaki ang effort niya para sa event na 'to. I need to congratulate him for this later.

Habang naglalakad at nililibot ko ang mga mata ko sa paligid, biglang may isang babae ang humarang sa akin. She was smiling at me. Hindi ko siya kilala pero familiar ang mukha niya.

"Hi, Kurt!" Masayang bati niya sa akin. "How are you? Saan ka nag-aaral ngayong college?"

"Oh, hi!" I gave her a genuine smile "I'm fine," sagot ko saka ko sinabi kung saan ako nag-aaral.

We talked a bit more hanggang sa umalis na siya sa harapan ko kaya nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Muli na naman akong napatigil nang may mga humarang na naman sa akin.

Hindi ko kilala 'yung ibang humarang sa akin pero mostly mga previous classmates ko siguro. They said hi to me and they asked kung saan din ako nag-aaral. Kung kumusta ang college life ko.

Sinagot ko naman ito nang maayos. Nang tanungin nila ako kung nasaan si Pat, hindi ko alam ang isasagot ko. Instead, ngumiti nalang ako. Tanging isang ngiti na may halong kalungkutan nalang ang naibigay kong sagot sa tanong nila sa akin kung nasaan si Pat.

Nagpatuloy 'yung mga taong bumabati sa akin. Masaya raw sila na naka-attend ako at muling nakita pagkatapos ng ilang buwan. Nagiging awkward lang ang usapan namin sa tuwing nababanggit nila sa akin si Pat. Palagi nilang tinatanong kung kumusta na kaming dalawa ni Pat at kung pupunta din ba siya o kung bakit hindi ko siya kasama ngayon.

Wala akong ibang maibigay na sagot sa kanila sa totoo lang. Puro tango at ngiti nalang ang ginagawa ko sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Pat. Kumikirot kasi ang puso ko nang dahil sa mga tanong nila. Hindi ko kayang sagutin o harapin iyung katotohanang kung bakit hindi kami sabay ni Pat na dumating o kung bakit hindi ko siya kasama ngayon.

Pero kahit masakit, masaya pa rin sa feeling. Kasi pakiramdam ko, connected pa rin ako kay Pat. Na sa tuwing maiisip ako ng ibang tao, maiisip din nila si Pat. 'Yung parang tight kami ni Pat sa isa't isa. Kumbaga, parang buy 1 take 1. Hindi pwedeng mawala ang isa sa aming dalawa.

Masaya sa pakiramdam na pagdating sa ibang tao, hindi pa rin kami nagbabago ni Pat. Na akala nila, kami pa rin 'yung Kurt and Pat na magkasama noong senior high school palang kami. Hindi lang nila alam na ibang-iba na ang Kurt and Pat ngayong college. Wala na iyung dating kami.

It's kinda pathetic, really. Naaawa ako sa sarili ko dahil naka-cling pa rin ako sa babaeng matagal nang tinapos ang namamagitan sa aming dalawa. Patuloy pa rin akong umaasa na baka pwede pa naming maisalba ni Pat 'yung dating kami. Na baka pwede pang magkaroon ng another chance kahit na halata naman kay Pat na ayaw na niya talaga.

Naiinggit ako kay Pat sa totoo lang. Nae-enjoy niya kasi ang college life namin. Nakikita ko siya na busy'ng-busy sa mga ginagawa niya. Naka-focus sa pag-aaral. Unlike me na. . .kahit nag-aaral, hindi pa rin siya maialis sa isip ko. Bawat araw na lumilipas, siya pa rin ang laman ng isip at puso ko.

Gusto ko na rin talagang mag move-on e.  Pero alam ko namang imposible iyun. Mahirap mag move-on lalo na kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit ka hiniwalayan ng babaeng mahal mo. Siguro kailangan ko ng closure. Kailangan ko iyun para magaya ko na si Pat. At makapag-move forward.

Habang nakatayo sa gilid at kausap ko ang isa sa mga classmates ko before, bigla kong nakita si Pat na pumasok ng school's gym. Parang for a moment, biglang huminto sa pag galaw ang buong paligid. Biglang nag slow motion ang buong school's gym. Parang nag-blur ang lahat ng tao at wala akong ibang makita kundi si Pat. Siya nalang ang nakikita ko ngayon.

Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko nang makita ko siya. Ang ganda-ganda niya ngayong gabi. Don't get me wrong. Palaging maganda si Pat sa paningin ko. Pero ngayon, mas lalo siyang gumanda. May light make-up na naka-apply sa makinis niyang mukha.

Mukha siyang anghel. Isang anghel na gusto kong lapitan at yakapin. Isang anghel na gusto kong haplusin 'yung makikinis niyang mga pisngi. Pero hindi ko naman iyun pwedeng gawin. Ni paglapit at pakikipag-usap nga hindi ko alam kung paano sisimulan e.

Napahugot nalang ako nang malalim na buntong hininga at pinigilan ang sarili ko. Ayokong sirain ang gabi ni Pat kaya hindi ko dapat siya lapitan. Kung maaari nga, hindi niya ako dapat makita para hindi mawala ang maganda niyang ngiti ngayon. Ako nalang ang iiwas at mag a-adjust.

Ginawa ko nalang busy ang sarili ko. Tumulong nalang ako sa pagbubuhat at pag-aayos ng mga upuan dahil kulang ang naihandang upuan sa mga darating na bisita.

Nang wala na akong gagawin, nilapitan ko si Vince na nasa stage para tanungin kung may maitutulong pa ba ako sa kanya.

"Okay na, Kurt. Magpahinga ka nalang," sagot niya at ngumiti.

"No. I insist." Pagpilit ko "Gusto kong tumulong."

"Uhm." Napaisip siya "Since mapilit ka. May mga boxes na kailangan ilabas mula sa stock room. Kulay blue boxes iyun. Pakikuha nalang."

I smiled. "Sure."

Tumalikod na ako at naglakad. Muli kong nakita si Pat na nakikipag-usap sa mga classmates niya dati. She was laughing. Gusto ko sana siyang panoorin sa pagtawa niya pero ang creepy naman kung gagawin ko iyun. So, pinilit kong maglakad patungong stock room.

Pagpasok ko sa stock room, mabilis kong nakita 'yung blue boxes na sinasabi ni Vince. Nang kukunin ko na ang mga ito, bigla akong napahinto nang may marinig akong boses na nagmumula sa labas ng stock room.

"Grabe naman si Vince. Talagang ako pa ang pinakuha niya?" Pagrereklamo ng boses na narinig ko.

Bigla akong napako sa kinatatayuan ko nang ma-realize ko kung kaninong boses iyun.

Everything happened so fast dahil pagtingin ko sa likuran ko, nakita ko si Pat.

She was standing in front of me.

And she was shocked.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon