Chapter 7

10.9K 232 11
                                    

Akala ko talaga, sobrang stressful na ng high school. Pakiramdam ko nga dati, inaabuso na kami ng teachers namin kapag sabay-sabay ang project. Tapos kulang na lang ay mag-alay ako ng itlog tuwing periodic exams dahil apat na subjects ang exam kada araw... Little did I know that all those things were incomparable to what I'd be going through in college. As in wala! Walang panama! Nagmukhang joke iyong mga problema ko dati sa dami ng ginagawa ko ngayon.

"Ano 'yung sasabihin niyo?" I asked Trixie and Kylie. Naka-video conference kasi kami ngayon since sabi nila ay may mahalaga daw silang sasabihin. But dahil tambak talaga ang mga kailangan kong gawin, I was also trying to read a journal that was required habang kausap ko sila. 

Both of them frowned.

"Grabe, girl. Can't you spare of few minutes to talk to your friends?" Kylie said. 

"Oo nga. Nakaka-selos naman 'yang mga handouts mo," sabi naman ni Trixie.

"Hala. Sorry, ang dami kasing required na basahin."

"Blockmates kaya tayo! At saka next week pa required iyan."

"Alam ko... pero masama bang mag-advanced reading?"

They shook their heads.

"See—"

They cut me off.

"Nothing's wrong with studying in advance, pero sobra na kasi iyong ginagawa mo, Pat. It's not healthy na kaya," Kylie said. Trixie nodded in agreement. "Weekdays, nag-aaral ka. Weekends, nag-aaral ka pa rin? Hindi ka ba napapagod?"

Umiling ako. I liked keeping myself busy. It prevented me from thinking about things that I shouldn't be thinking about.

"Ang grade conscious mo!"

"Masama ba?" I asked. "Goal ko kaya grumaduate ng Summa."

Kaya focus lang sa goal, Pat! Isipin mo na lang na sacrifices ang mga weekends na ginugol mo para sa pag-aaral. It's all for the brighter future! Freebie na lang siguro na hindi mo naiisip si Kurt... Kasi masyado ka ng busy para magka-oras pa sa pagmumukmok. Sa pag-iisip sa mga what ifs na 'yan.

Napa-buntong-hininga na lang silang dalawa. Wala rin naman silang magagawa dahil desindido talaga ako na mag-aral lang. Sabi nga ni Mama, education is a treasure. Mas pag-iigihan ko na lang dito! Productive pa kaysa sa summer ko na wala akong ginawa kung hindi ang umiyak at makinig sa senti love songs. 

When Monday came, nagfocus lang ulit ako sa pag-aaral. I submitted projects and papers early dahil maaga ko rin naman silang natapos. Tinutukso na nga ako ng ibang blockmates ko na professor's pet daw ako. Hindi kaya. I was just really focused on studying and getting things done early. Was that so bad?

Ang bilis lang lumipas ng buong linggo. Ganito yata talaga kapag focused ka sa ginagawa mo—nawawala iyong atensyon mo sa mga bagay na wala namang halaga. Pero kahit ganoon, napansin ko pa rin na may kakaiba kina Trixie. I could tell by the sly smiles on their faces. Something was up.

"May binabalak ba kayo?" I said, eyeing them.

Agad silang umiling dalawa.

"Wala, ah!" Kylie said.

"Grabe! Mapaghinala ka talaga!" Trixie seconded. 

"Talaga?" I asked.

They nodded, still grinning. May plano talaga sila! Pero bahala sila. I had plans for myself this weekend... I planned to study. Ano bang bago?

Nung Saturday na, naubos ang umaga ko dahil may sinusulat ako na research proposal para sa minor subject. It due in another two weeks, but I wanted to get a head start. Ayoko na magcram. Sa high school, madalas kong ginagawa iyon pero hindi na ngayong college. Gaya nga ng sabi ko, goal kong maging Summa kaya naman dapat polished to perfection lahat ng sina-submit ko.

"Ma," I said as I went down to get myself another cup of coffee. Napa-kunot ang noo ko nung mapansin ko na kausap ni Mama sila— "Trixie? Kylie? Ano ang ginagawa niyo dito?"

My two friends gave me a sly smile.

"Hi, bff!" sabi nila at saka nilapitan ako at niyakap. "We were just telling Tita na kikidnapin ka namin for today."

Kumunot ang noo ko. 

"Ha?"

"Alumni homecoming na later!"

Ngayon na ba 'yun? Parang ang bilis naman lumipas ng panahon... 

"Nalimutan mo, no? Kasi naman, masyado kang subsob sa pag-aaral!" Kylie whined. "Ni hindi na kaya tayo nakakapagbonding! Mas bff mo na 'yung books mo!"

Natawa ako. Ang arte talaga ni Kylie. 

"Hindi nga ako pupunta. Nasabi ko na dati, 'di ba? At saka, wala rin naman akong isusuot if ever..."

I was really resolved on not going. Unfair kasi talaga kay Kurt kahit ano ang gawin ko. Alam ko naman na umiwas siya dahil sa akin. He declined the invitation dahil naramdaman niya na uncomfortable ako na makasama siya... It has been months since we broke up, but still, the wounds still feel fresh. They have not healed yet. 

"Bibigyan ka ni Tita ng money at saka bibili tayo sa mall!" Trixie suggested. "Di ba, Tita?"

And to my surprise, Mama nodded.

"Mama?" naguguluhan na sabi ko. "Akala ko ba nagtitipid tayo?"

Mama smiled at me. 

"Magrelax ka naman, Patricia. Natutuwa kami ng Papa mo na seryoso ka sa pag-aaral, pero minsan e kinakabahan na kami sa 'yo. Halos idikit mo na kasi iyang mukha mo sa libro."

"Ma naman... 'Di ba nga Summa?"

She nodded and smiled fondly at me.

"Alam ko naman, anak, at proud kami ni Papa dahil sa 'yo. Pero tama naman sila Trixie. Kailangan mong magrelax."

"Relaxed naman ako!" tutol ko.

"Simula nung nagbreak kayo ni Kurt, nakapagbakasyon ka na ba?"

I pursed my lips.

"May napuntahan ka man lang ba bukod sa bahay at school?"

"Naka-punta ako sa mall... once..." mahinang sagot ko.

"Para bumili ng school supplies, tapos umuwi ka rin," Mama continued. "Kaya sumama ka na sa kanila, maliwanag? 'Wag mo nang alalahanin ang pera at may naitabi naman kaming extra ng Papa mo."

Natigilan ako. Napatingin kay Mama.

"Gusto ko lang na sumaya ka ulit, Pat. Magrelax ka. Bata ka pa. 'Wag kang masyadong seryoso sa buhay. Masama iyan. Magkaka-wrinkles ka agad at baka mas mukha ka pang mas matanda sa akin."

Napailing na lang ako. Si Mama talaga. 

A few minutes later, I found myself at the mall with Trixie and Kylie. We linked arms dahil ang clingy nilang dalawa. 

"Ano ba ang dapat isuot?" I asked, worried. 

Pumasok kami sa lahat ng boutique na mukhang girly dahil girly ang dalawa kong kasama. Dapat din daw ay color-coordinated kaming tatlo. Dapat malaman ng lahat ng batchmates namin na bff pa rin kaming tatlo hanggang college. See? Clingy. Halos sumakit tuloy ang tiyan ko katatawa dahil sa mga pinapa-subok nila sa akin na damit. Kahit nakakatawa, basta kapareho ng kulay ng damit sa kanila, pinipilit nila na isuot ko. Pakiramdam ko ay kakabagin na ang tiyan ko dahil sa pagtawa.

"See? Ang fun, 'di ba?" Kylie said, beaming.

"Oo na, tama na kayo. At saka hindi ba talaga unfair na pupunta ako tapos wala si Kurt?"

Doon kasi talaga ako nag-aalala... Ayokong maging unfair sa kanya. Ang unfair na nga ng break-up sa kanya tapos ganito pa ang mangyayari post breakup? That's too much. 

Kylie and Trixie smiled at each other. 

"No, no, no."

But I felt like yes, yes, yes, may binabalak silang kakaiba. 

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon