Chapter 8

4.6K 92 1
                                    

I got home from work with heavy feelings. Ang sama ng pakiramdam ko. Almost 2 weeks ko na ring napapansin 'to. As I was about to go upstairs when I noticed the dining area were dim. Hindi naman iniiwan nina manang na ganito ang ilaw uh? O kahit ni Kuya. I shrugged. Imbes na pumanhik sa taas ng kwarto ko, dumiretso ako sa dining area to checked.

And I was surprised on what my eyes see. Muntik na akong mapatili. Oh my god!

"Mommy, Daddy!" I hurried myself to give them both a hug. Naiiyak ako. They laughed at my reaction.

"I missed you Mom, Dad!" Humihikbing sabi ko. They've gone for almost 2 months for a conference meeting on Singapore. Dinala lang ni Daddy si Mommy para makapag bonding man lang daw sila don. Tinapik tapik ni Mommy ang balikat ko at hinahaplos naman ni Daddy ang buhok ko.

"My baby, missed us so much eh?" Tila pabirong wika ni Daddy. Hinampas ko ang braso niya habang kumakalas ako sa yakap nila.

"Of course!" They just hugged me again while laughing lightly. Naputol ang pag iyak ko ng tumikhim si Kuya sa gilid. Hindi ko man lang siya napansin.

"How about me princess? Hindi mo ba ako namiss?" Kunwaring nagtatampong sabi ni Kuya. Umirap ako. "You're always here, Kuya." Tanging sabi ko lang at nagtawanan na naman sila.

"Tama na yan mga anak. Let's have our dinner first." Tumango ako kay Mommy. Pagdating namin sa Dining area I was surprised sa dami ng luto. More on Filipino foods. And my favorite Adobo! Halos tumulo ang laway ko. Si Mommy ang palaging nagluluto sa bahay. Nilagyan ko agad ng maraming kanin ang Plato ko at ulam. Nagsimula na akong kumain. Napapikit ako sa sarap ng lasa. No doubt, Mommy is still the best chef for me. Naubos ko ang unang kanin na nilagay ko sa aking Plato Kaya nag sandok ulit ako. Ng naubos ulit ang pangalawang lagay ko ng kanin, sumandok ulit ako pero huminto ng ma realized na halos ako lang pala ang kumakain. Lahat sila nakatingin sa akin. Nanlalaki ang Mata. Bigla naman akong nahiya. Oh my god! Ang takaw ko naman yata. Nag init ang pisngi ko at binaba ang kutsara sa aking kamay.

Uminom si Daddy ng tubig. Tila, guilty dahil sa naging reaction ko. Tumikhim siya.

"Uh- uhm, Go ahead baby. I don't mind." Tila nag iingat na sabi ni Daddy. Tumango naman sina Mommy at Kuya at pilit na ngumiti. Narinig ko pa ang mahinang pagbulong ni Mommy kay Kuya. "Hindi mo ba pinapakain ng maayos ang kapatid mo?" At mahinang pag sagot ni Kuya ng "What? No!"

"S-sorry. Gutom lang at namiss ko ang luto mo Mommy."

Tumango naman silang tatlo at nagsimulang kumain. Nahihiya naman akong dagdagan ulit ng Kanin ang Plato ko. Parang nagugutom pa kasi ako. God, kelan pa ako naging ganito katakaw?

"So, uhm. How's your coffee shop, baby?" Uminom ako ng tubig bago sumagot.
"Okay lang naman po Dad." Tumango siya at sumubo ulit.
"Nag resign kana ba sa dating trabaho mo?" Tanong ulit ni Daddy. Tumango ako. "Yes, Dad."

Our dinner was interrupted by the sound of the doorbell. Tumayo si Daddy. Is he expecting some visitor? From work? Eh kaka balik pa lang nila uh? He excused himself at lumabas ng dining area para mag tungo sa pintuan.

"Are we expecting someone Mom?" Tumango si Mommy.
"Yes, baby."

"Is that from work?" Tanong naman ni Kuya. Nagkibit balikat si Mommy.

We heard a baritone laugh near us. Nanigas ang katawan ko. That voice sounds familiar! Ni Hindi ko na kailangan lumingon to confirmed it.

"Maupo ka, Storm." Pormal na sabi ni Daddy pero halatang tuwang tuwa siya sa presence ng bisita niya. "This is my Daughter Beatrice Francesca, I hope you know my princess already." Tumingin naman si Storm sa direksyon ko at ngumiti ng malisosyo. "Yes, Tito. We've met already, and.. . Yes, I know her. Who wouldn't right?" Tila may ibang ibig sabihin si Storm sa Kanyang sinabi. Ngumiti ulit siya ng nakaka loko. Umirap ako. So much for this dinner.

One Night Can Change EverythingWhere stories live. Discover now