Chapter 4

5.7K 94 1
                                    

I woke up the next day feeling hell. Ugh! Ang sama ng pakiramdam ko. Pinilit ko paring tumayo kahit nahihilo. Maganda naman ako kaya Keri lang yan. Anong konek? Wala lang. Wag kana magtanong.

"Bea, baby are you still asleep? Papasok na si Kuya sa office. Eat your breakfast before leaving the house okay?" Sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko. Tanghali na naman gising ko.

"Tulog pa 'ko Kuya!" Ganting sigaw ko saka tumayo at pumunta ng banyo. Narinig kong tumawa si Kuya bago umalis. Engot. I did my morning rituals saka lumabas. Nag ring naman ang cellphone ko. Gia calling. What does she needs this time? Ang aga ah! Sinagot ko parin ang tawag habang pababa ako ng hagdan.

"Oh?" Diba ganda ng bati ko? "Anong oh ka dyan! Nasan ka?" Tanong niya. "Nasa brief ni Kuya gusto mo din dito?" Tanong ko habang umiinom ng tubig. Narinig ko pa sa kabilang linya na nagmura siya. Aba ang gaga, nagmura! Kurutin ko 'to sa singit eh. Makikita mo. "A-ano ba! Umayos ka nga! Leche tong bruha na to." Umirap ako. "Manang, paabot nga nung slice bread at mayonnaise." Inabot naman sakin ni manang ang pinakuha ko. "Nasa bahay pa. Bakit ba? Aga aga nambi-bwiset ka Gia." Inis kong sabi sakanya. Nagsimula na 'ko sa paglagay ng palaman sa slice bread at kumain. "Hoy Beatrice Francesca! May balak kapa bang pumasok ng trabaho ha? Aba, kumo-quota kana friend sa absent!" Tss. Yun lang naman pala. Ipasok ko Kaya to sa brief ni Kuya para matahimik?

"Gia, I'm not even feeling well. And diba nga napag usapan na namin ni Daddy na after ko lang sa pagma-manager sa trabaho ko eh sa coffee shop ko muna ako mag focus at mag manage? Besides, nakakapagod na rin naman talaga. Iha-handle ko na lang ang coffee shop ko. 30 mins. Lang naman ang byahe nun galing dito sa mansyon. Less hassle pa." Sagot ko habang ngumunguya.

"Oh, buti naman at naisipan mo na yan noh? I thought you'd just make yourself look like 50 year old menopausal age sa sobrang stress mo sa boss mo. Ewan ko ba sayo, akala mo siguro si wonder woman ka na pwede ipagsabay ang pag handle sa coffee shop mo at ng trabaho mo." Umirap ako sa sermon na naman ni Gia. "Oo na, Gia. Sus! Ilalakad na lang Kita kay Kuya." Pang aasar ko sakanya. I bet namumula na naman yun.

"Leche. Sige na, I'll hang up na. Call you later. Asikasuhin mo na ang resignation letter mo para Kay boss. Okay?" Paalala niya. Umirap ulit ako. Ugh! Ilang irap ko na ba yon? Sakit sa ulo at Mata ha? Pero enjoy naman ang pag irap eh. Try mo. "Okay. Bye." Then I ended the call. Busy ako sa paglamon.

"Ma'am Beatrice, May bisita po kayo." Tumayo ako mula sa pagkaka upo. Mahirap naman pag tumayo ako mula sa pagtayo diba? Edi naglolokohan na lang tayo non. Irap ulit. "Sino naman daw yan manang?" Tanong ko. "Ma'am naman. Inday po. Lahat na lang kame dito manang tawag mo eh di pa naman ako matanda." Reklamo niya. Eh sa Hindi ko matandaan mga pangalan nila eh. Kaya manang na lang tawag ko sakanilang lahat. "Arte mo manang ha. Paki tanong don sa bisita ko kung sino siya. Hindi tayo pwede basta basta na lang magpa pasok ng Hindi kilala okay? Kaya go." Dismissed ko sakanya. Walang pang isang minuto bumalik na si manang.

"Oh? Sino daw siya?" Tanong ko. Nakaupo ako sa sofa. "Bagyo daw po! Ay, ano ba yon? Teka ma'am, tanungin ko ulit." Saka siya lumabas ulit ng bahay. Pagbalik niya. "Storm pala ma'am! Hindi bagyo!" Tuwang tuwa sabi ni manang. Halos mabilaukan naman ako sa sarili kong laway sa sinabi niya. Teka? Ano daw? Storm? What the hell is he doing here? "Itanong mo sakanya manang, kung anong kelangan niya." Utos ko ulit sakanya. Sumunod naman siya. Nasa pintuan pa lang ng mansyon nagsalita na siya. "Gusto daw kayo makausap ma'am. Nako! Ang foge ni Sir! Papasukin niyo na ma'am." Kilig na kilig pa siya. Eww lang. "Sabihin mo sakanya, busy ako." Tapos nun lumabas na siya ng bahay. "Eh ma'am, sandali lang daw po." Sabi niya ng pagbalik niya. Pawisan na rin sa manang. Inirapan ko siya. "Ayoko. Sabihin mong ayaw ko siyang kausapin." Lumabas ulit ng bahay si manang. Hingal na hingal siya pagbalik. Nasa likod niya na si Storm. "M-ma'am! Pagod na po ako kakatakbo!" Pawis na pawis na si manang. "Eh sino ba may sabi sayong lumabas ka? Pwede mo naman tawagan sa telepono si kuyang guard?" Asar kong tanong. Siya itong shunga eh. Labas ng labas. "Ay, di ko alam ma'am eh. Hindi na Informed. Teka, tawagan ko na lang si Joel. Tanungin ko kung sino ang bisita mo ma'am." Sagot ni manang. Napa sampal na lang ako sa mukha ni Storm sa katangahan ni manang. "Aray! Why did you slapped me?" Galit na tanong ni Storm. "Ikaw malapit eh." Tanging sagot ko. "Manang, okay na. Ipaghanda mo na lang ng makakain tong bwiset na to." Utos ko kay manang. Sumunod naman siya. Pag inutos ko kaya na mag bigti siya gagawin niya din? Aba napaka loyal niya kung ganon. Lol.

"Anong kelangan mo ha?" Bagot kong tanong. Tinignan niya ako ng maigi mula ulo hanggang paa. Na conscious naman ako kaya napa upo ako ng maayos. Lagkit ah! Parang gusto ng round two mga Beh. Ngumisi naman siya.

"Hmm. Ilang buwan na lang. Hahaha." At tumawa siya ng tumawa. "Excited na talaga ako." Dagdag niya habang tumatawa. Ano daw? Hindi ko siya naintindihan. Leche.

One Night Can Change EverythingWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu