Chapter 3

7.7K 92 0
                                    

I really didn't expect everything to turn out like this. Okay, I get it. One night stand lang yon. Don't assume too much, Beatrice. Nakakamatay yon.

"Naka ilang buntong hininga kana ba friend?" Tanong ng magaling kong kaibigan. Si Gia. Napa irap ako. "Shut up, Gia. Baka nakalimutan mong dahil sayo, napasama ako Kay Storm. Iniwan mo 'ko sa bar." Inis kong tugon. "Sorry naman na kase friend! Nalasing din ako at, at.. Aish! Basta! Sorry na nga!"

Naniningkit ang Mata Kong tinignan siya. Namula naman siya at nag-iwas ng tingin.

"Hoy Gia ha? Sinasabi ko sayo umayos ayos ka." Banta ko sakanya. Napa iling naman siya ng mga sampung beses. Oo, bilang na bilang ko wag kang ano dyan. "Maayos naman ako ah!" Namumulang sabi niya. Bakit pakiramdam ko may kinalaman tong babae na 'to sa nangyari last week saamin ni Storm? Never mind na nga.

"Baby, dito lang ba kayo ni Gia? Wala kayong lakad?" Tanong ni Kuya pababa ng hagdan. Alangan nama pababa ng eroplano.

"Yea. Wala. Ewan ko dito kay Gia." Bagot Kong sagot. As usual, parang natatae na naman tong kaibigan ko. Crush niya kase si Kuya. Ayaw pang aminin sa'kin. Obvious naman. "H-ha? W-wala rin akong lakad." Utal utal niyang sagot. Napa irap ako. Akala mo bata tong si Gia eh! Sus. Sarap kurutin sa singit. Tumayo nako bago pa dumanak ang dugo-este bago pa ako masuka sa mukha ng kaibigan ko. "T-teka, Bea? Iiwan moko?" Tarantang tanong ni Gia.

"Gia, Aakyat lang ako sa taas. Anong iiwan ka dyan? Andyan naman si Kuya eh." Napangisi ako ng lalo siyang namula.
"Oo nga. Wala rin naman akong lakad eh. Just stay Gia." Inosenteng sagot ni Kuya. Gusto Kong matawa sa itsura ng kaibigan ko. Pabebe talaga masiado. Umakyat na'ko sa taas. Sa kwarto ko. Sa Second floor ang room namin nina Kuya at Dad. Kay daddy ang nasa gitna. Left side nun is yung mini office ni dad. Actually, silang dalawa ni Kuya ang may mini office sa side mismo ng mga kwarto nila. Ako lang ang wala kase ayokong ma-stress masiado pag nasa bahay ako. Hindi rin naman ako palagi dito sa bahay dahil may sariling condo naman ako na malapit sa company na pinagta-trabahuan ko.

Si daddy, kasalukuyang nasa isang conference meeting sa Singapore. Si Kuya naman, ayun inosenteng kinakausap ang kaibigan kong may pagnanasa-este pagtingin sakanya. Nag take daw siya ng One week leave sa trabaho niya. Edi bahala siya.

Pagkarating ng kwarto nahiga agad ako. Ewan ko ba. Pakiramdam ko lagi akong pagod. Absent na nga ako sa trabaho ngayon eh. I don't feel like doing anything. Kanta ni Bruno mars yun ah! Nahagip ng Mata ko ang brief-este ang damit na naiwan ni Storm nung last week. After namin mag-chukchukan. Hindi niya nakalimutan yan o ano. Talagang sinadya niyang iwan sa'kin. Para daw di ko siya mamiss. Kapal lang.

I still hate him to death. Hindi magbabago yun kahit pa may nangyari na saamin. Like who cares diba? Who cares if he divirginized me? One night stand lang yon for him. Yon pa? Eh halos oras oras yun kung magpalit ng babae eh. Hindi parin nagbabago.

Hindi ko naman siya kinamumuhian noon eh. Actually, I fell for him years ago. During high school and college days. Minahal ko siya for like almost 10 years? Hindi ko na maalala. The typical playboy jerk. Sex starve and Asshole. That's Storm Yvo Henderson himself.

Nag mukha akong kaawa awa at tanga non for believing him and his words. Well, tanga din naman talaga ako. Nagpa-uto naman kase.

High school pa lang hinahangaan ko na si Storm. Magaling halos sa lahat plus the fact that he got the looks. I met him nung one time may program sa school at may intermission number ako. Pagkatapos kong kumanta, pagbaba ko ng stage binati niya ako. Ang ganda raw ng boses ko. Ako naman si tanga, kinilig sa simpleng pambobola niya. Halos mahimatay pa ako ng kindatan niya ako bago umalis.

Tatlo kaming magkakaibigan noon. Ako, si Gia Almonrado at si Zaheera Montalba. Kami lang ni Gia ang may Kaya sa buhay. Si Zaheera, Scholar ng university. Nagpatuloy ang paghanga ko kay Storm hanggang sa mag college kami.

One Night Can Change EverythingWhere stories live. Discover now