Chapter 5

5.2K 99 1
                                    

Wala naman ibang ginawa si Storm sa mansyon namin kundi pakainin ako ng mga gulay na Hindi ko alam kung para saan. Ewan ko sakanya. At talagang ban nga ang pangalan ko sa mga bar. Lecheng Storm na 'to. Excited daw siya para sa susunod pang mga buwan. Hindi ko alam kung bakit. Tss.

Kasalukuyan akong nasa maliit na Gym dito sa mansyon. Parang nananaba yata ako. Hindi pwede. Masisira ang figure ko. Si Storm naman ayun busy sa pagluluto sa kusina. Kabilin bilinan pa naman niya is wag daw akong aalis dun sa sofa hanggang sa matapos siya sa pagluluto. Aba neknek niya noh! Ang boring Kaya.

Balak ko sanang mag treadmill lang muna. Ilang weeks din kase akong walang ehersisyo. Baka mabigla ang katawan ko.

"I already told you to wait for me until I'm done preparing our food, diba?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita. Leche tong hayop na to. I rolled my eyes. "I'm bored there, anong gusto mong gawin ko? Mag dasal?" Asar kong tanong sakanya. Kumunot naman ang noo niya. "What are you planning to do here, Beatrice?" Kalmadong tanong niya. Umikot ulit ng 360 degree ang Mata ko. "Baka maliligo ako dito sa Gym, Storm. Utak please." Bumuntong hininga siya, tila nagpipigil ng galit. Pikon. "Hindi ka pwede sa heavy exercises. You get it?" Napipikong tanong niya. Baka masuntok ako neto lagot ako. Tumango na lang ako at lumabas ng Gym. Kj nitong si Storm. Tss. "I'm hungry. Anong niluto mo?" Ngumisi naman siya at naunang maglakad. Bastos. "You'll see. Come here." Anyaya niya. Naupo ako pagdating ko sa kitchen. Shit na malagkit! Ang bango! "God, Ang bango at ang sarap ng amoy, Storm." Tuwang tuwa na sabi ko. Tumawa siya at kinindatan ako. Nilagyan niya ng kanin ang Plato ko. Adobong manok pala ang niluto niya. My favorite! Lalo lang akong natakam sa itsura ng ulam.

"Hey, Enough. Ang dami na ng kanin. Baka di ko na maubos." Ang dami ba naman kase ng nilagay. Hindi naman ako PG sa pagkain. Medyo lang. "Eat." Tanging sagot niya. Sinimulan ko ng sumubo at Jesus Christ! Hindi uso ang diet sa ganitong kasarap na ulam. Hindi ko na pinansin si Storm. Busy ako sa pagkain.

"Oh? Sabi mo Hindi mo mauubos ang kanin mo?" Natatawang tanong ni Storm nung makitang ubos ang kanin na nasa Plato ko. Jusko. I'm still hungry. Wala akong pakialam kay Storm. Kakain pa ako. Naglagay ulit si Storm ng kanin sa Plato ko. Puno ulit yun. Hindi na 'ko nag reklamo. Nagsimula ulit akong kumain. Hmmm. 'Ang sarap' Hindi ko namalayang naubos ko pala ulit ang kanin ko.

"Hala Storm! Naubos ko!" Naiiyak na sabi ko. "Ang PG ko na! Kasalan mo 'to!" At tumulo na ang mga luha ko na parang gripo. Bahagyang nanlaki ang Mata niya sa pag iyak ko.

"S-sorry. It's okay. You're not PG, baby. Stop crying." Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ang dalawa kong Mata. Kumalma naman ako. "Chansing ka, Storm ha!" Tumawa naman siya. "Fuckin' mood swings." Bulong ni Storm na Hindi ko narinig. "Ha? What did ya say?" Maarte kong tanong. Umiling siya saka hinalikan ako sa pisngi. "Nothing, baby."

One Night Can Change EverythingWhere stories live. Discover now