Chapter 10 : Lord bakit?

204 28 13
                                    

*Verse for this Night.*
Proverbs 3:6 in all your ways acknowledge him, and he will make your paths straight.

~~~~

I'm tired...

I'm hurt..

I'm lonely..

Lord, I'm lost.

I'm running in this dark room. San ako tutungo? Walang hangganan ang lugar na ito.

Nasan na ko? Bakit ba ko nandito? Atsaka, bakit walang tao? Bakit ako lang ang nandito?

Wala kong ibang ginawa kundi ang maglakad sa kawalan.

Sa pag lalakad ko, unti unti akong nakakita ng maliit na liwanag...

Teka? San naman ako dadalhin ng liwanag?

Pero dahil wala na din akong choice, naglakad na ko papunta sa liwanag...

Nasilaw ako sa sobrang liwanag.

And there I saw him. Lying on the hospital bed...

May sakit ba siya? Pero... kung sakit nga ang meron siya?

Bakit madaming aparatus ang nakakabit sa kaniya?

Lumapit ako para makita siya.

"Dad. Hey. Wake up, I'm here." But then, hindi pa rin siya nagising.

Napaluha ako sa dami ng sugat niya sa katawan. What happen? Bakit ganto si dad?

*tot-tot-toooooooooo*

Umalingaw ngaw ang tunog ng isa sa mga makena. Natataranta akong hinawakan ang kamay ni Dad.

"Help! Doc! Heeelp! Tulong! Dad." I called for help.

Yelled at the top of my lungs. Pero walang Doctor na pumunta.

Sa screen ng makena ay may guhit na
[^-^-------^----]

Sa pag kaka alam ko, ang guhit na yun...ay ang buhay niya.

My daddy. He left me.

Hindi! Ayoko! I haven't yet say How much I loved him, That I'm sorry for everything.

Nagsisisi ako. Gusto ko pang mabuo yung family ko.

Ilang minuto lang, para akong hinihigop...para akong tinatangay sa ibang dimension..

Mag mulat ko, Nasa tapat ako ng bahay namin.

How? I don't understand...

Papaano akong napunta dito?

Pumasok ako sa loob... same place.

Sobrang kalat ng bahay. Then I saw my Mom.

Holding a bottle of liquor.

"Mom? Anong nangyayare?" I tried to touch her.

Nagulat ako dahil hindi ko siya mahawakan. Tumatagos lang ang kamay ko.

Shemms! Ano bang nangyayare? Hindi ko na naiintindihan! Naguguluhan na ko.

"Celes. Anak ko!" Sigaw ni Mom. Then tears fell from her eyes.

Why? I'm here Mom. Ano bang nagyayare?

Am I dead? Patay na ba ko kaya ganto?

Shemss! Wala na kong ibang alam ngayon. Umiiyak si Mom.

"Celes!" Mahinang sabi niya.

Nahihirapan akong makita siyang ganto.

Oo alam kong masama ako. Alam kong hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanila.

His purpose.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon