Chapter 7 : act of mine

204 28 3
                                    

Maaga akong nagising. Masyadong tahimik dito sa bahay.

Maraming kalat ang nasa sala dahil sa nangyaring away nila dad at mom kagabi.

Maya-maya lang dumating na sila nanay lusing at ate melds. Agad silang nag punta sakin.

Naka upo kasi ako sa sofa. Nag aalala silang umupo sa tabi ko.

Sila ang laging nag co-comfort sakin kapag natapos sa pag aaway sila mom.

"Ayos ka lang ba?" Tumango ako kay nanay.

Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti.

"B-bakit? May nangyari ba sayo?" Nauutal na tanong ni ate melds.

"Wala po."

Nag umpisa na si nanay mag linis ng sala. Binabantayan ko naman si ate melds na naglu-luto.

"Parang may nag iba sayo ngayon? Mukhang, may nangyari talaga sayo eh." Tanong niya sakin.

"Ha? Wala po." Pag ma-maangan ko.

Hindi muna ko sumabay kina mom. Hindi ko lang feel.

Gusto ko munang pumasok. Ayoko munang ma-bad mode.

Nag commute ako papunta sa school.

Sa pag lalakad ko dito sa quadrangle, may babaing derederetsyo papunta sakin.

"Excuse me? Are you Celes?" Mayabang na tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Nakaka iriti ang pagka tao niya. Kahit ngayon ko lang siya nakita.

Meron siyang, parang dark na aura. Di ko siya feel.

"Yes." Sagot ko.

"Do you know me?" Maarteng tanong niya.

"No. Hindi ko sasayangin ang oras ko para alamin kung sino ka. Yun lang ba? " nakakunot na ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Ako si Princess. Itatanong ko sana kung bakit mo laging kasama si Timothy? Di mo ba alam? Isa siyang Kristiyano, at hindi ka dapat lumapit sa kaniya. Baka kasi mahawa mo siya ng masamang uga-"

Nahinto siya dahil sa pag higit ko sa buhok niya.

"Oachhh! See? Magiging bad influence ka lang. Pinahihirapan mo lang siya. Pabigat ka." Napabitaw ako sa sinabi niya.

Tinalukuran ko na siya at nag lakad na. Pero nang lingunin ko yung babae.

Wala na siya. Pero imposible namang makalayo siya agad?

Hindi ko nalang pinansin ang mabilis na pagkawala nung babae.

▪▫▪▫▪

Mabilis na natapos ang araw na to. At kagaya ng mga nakaraang araw, tuturuan niya ko.

Nakakapagtaka nga e, sa dami kong reklamo walang imik si Timothy.

Ngingiti lang siya sakin tapos mag tuturo ulit.

Kada araw mas lalo kong nakikita kung gano siya kabuting tao.

Nandito kami ulit sa coffee shop. Two days nalang kasi at exam na.

Kaya pagkatapos ng klase dito na kami sa shop de-deretsyo para sa pag aaral ko.

"Na intindihan mo na?" Mahinahon niyang tanong.

"Mukha ba? Ang hirap nga kasi niyan!" Pagdadabog ko.

"Madali lang naman yan."

"Sayo madali, kase magka iba tayo."asik o sa kaniya.

His purpose.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon