Chapter 4 : 1st session.

279 33 17
                                    

Sabi sakin ni mom ngayong monday pa daw ako uumpisahang itutor ni timothy.

Pumasok lang ako ulit at tumunganga. Hindi ko na kailangan mag aral pa, may tutor naman na ko eh.

▪▫▪▫▪

Pinuntahan ako ni aeris sa room nung uwian na. Bar daw kami. Hindi ako tumanggi.

Tinext ko nalang si nanay lusing na nasa Gbar kami.

Madaming tao, at sobrang ingay. Maraming nag sasayawan. Sobrang wild.

Kung nag tataka kayo kung bakit kami naka pasok dito. Well nag mall muna kami para bumili ng damit at sa pamilya pala ni liza ang bar na to.

Umorder sila ng mga nakakalasing na inumin, obviously.

Hindi naman ako katulad ng mga to na kulang nalang ipang ligo na ang mga alak na nasa harap nila kakatungga.

Ilang oras na din pala kami dito. Pero compared sa dalawang kasama ko, mas matino ako.

Kung sila nakadami, ako tatlo lang.

May lumapit saking lalaking. "Care to dance with me honey?" Bago pa ko makasagot, may humigit agad sakin.

Mejo sumakit na din ang ulo ko at mejo blur ang paningin ko.

"Do you know what time is it now?" Galit ang tono ng lalaking humihila sakin.

"I think 6. Don't over act sir." Sagot ko ng may pag kahilo pa.

"11:30 na. Hindi yan gawain ng matinong babae. At ang malala nasa bar ka pa celes."

It hit me 50 times dahil sa sinabi niya. Kilala ko na kung sino siya. At tama siya.

Naramdaman kong pinatong niya yung jacket niya sakin. Naka dress kase ako.

Sumakay kami sa taxi. "Kuya sa mall po." Sabi niya sa driver.

Tahimik lang ako sa tabi niya. Bakit siya nandito?

"Magbihis ka na ng uniform mo. Ihahatid kita sa inyo."

Sumunod lang ako. Mejo nahimasmasan na din ako. Nahiya tuloy ako bigla kay timothy.

Pano niya alam na nasa bar ako? Pag katapos kong mag bihis, pinuntahan ko siya. Nakasandal siya sa pader at naka pamulsa.

"Here. Kaya kong umuwi mag isa." Malamig na sabi ko sa kaniya. Binalik ko na din yung jacket niya.

"Pagka tapos ng klase pinuntahan kita sa room niyo, kaso wala ka na. Ngayon ang 1st session ng pagtutor ko sayo eh." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Oo nga pala! Nakalimutan ko yun ah? "Hayaan mo babayaran pa din naman nila mom to." Nakangiti pa din pala siya sakin.

"Hindi naman yun eh, hindi tuloy kita naturuan. Sayang yun. Tara hahatid na kita." Inirapan ko lang siya.

Ano namang sayang dun? Hindi na nga siya napagod, may bayad pa din.

Lumabas kami ng mall, mukhang wala na kaming masasakyan.

"Wala ng sasakyan, gusto mo bang maglakad nalang? Hahatid kita."

"Whatever." Tanging sabi ko. Naglakad nalang kami. Hindi naman ganun kalayo ang bahay mula dito.

Eto kaya? San ang bahay niya? Sumusunod pa din kasi sakin sa pag lalakad.

"Masaya ka ba celes?" Tanong niya sakin. Tiningnan ko lang siya ng masama.

Tinanong niya na sakin yun, tapos itatanong niya ulit. Nakakainsulto siya.

"Masaya ako. Sobrang saya ko." Sarcastic na sabi ko sa kaniya.

Pero bakit ganto? Sunod sunod na tumulo ang luha ko. Pinupunasan ko agad ang mga eto.

Huminto si timothy at tiningnan ako.

"Masaya ka ba talaga?" Isang tanong na mas lalong nakakapag pahina sa mga tuhod ko.

Halata ba masyado sakin? Malungkot. Sobrang lungkot ko.

"Masaya? Hindi ko pa nga...naranasan yun. Pano ba ko sasaya! Wala namang dahilan para maging masaya ko!" Sigaw ko habang nag uunahan sa pagtulo ang luha ko.

"Bakit hindi ka masaya?" Tiningnan ko lang si timothy. Bakit niya ko ginaganto?

May ginawa ba kong sobrang sama para gantohin niya ko?

Nakatingin siya sakin, seryosong tingin.

"Sila. Hindi sila nagbibigay ng time sakin. Anak nila ko, pero bakit ganun sila? Hindi nila ko mahal! Walang nag mamahal sakin."

Para na kong bata dahil sa pag iyak ko. Naiinis ako sa magulang ko.

"John 14:21 Whoever has my commands and obeys them, he is the one who loves me. He who loves me will be loved by my Father, and I too will love him and show myself to him."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kapag sinunod mo ang Diyos, kahit lahat ng mga tao sa mundong ito ay itakwil ka, i-reject ka, hindi mo man maramdamang may nag mamahal sayo. Celes, God loves everyone who obey His command."

Totoo kaya? Ano namang utos ang sinasabi ni timothy?

"May Diyos ba? Did He exist? Asan siya?" I ask.

"Yes, meron. Yes He is. He is Everywhere celes. Parang siyang hangin, hindi mo nakikita pero mararamdaman mo." Tumigil sa pag tulo ang luha ko.

"Example celes. Nung eleven ka at muntik ka ng masagasaan. Still remember that day?" Para kong sinabuyan ng yelo.

Wala kong pinag sabihan nun, pwera kay nanay lusing. Hindi ko sinabi kina mom dahil alam kong wala din naman silang paki.

"How do you know that?" Tanong ko. Nakatayo pa din kami sa gilid ng kalsada.

"Gaya ng sinabi ko, sa tingin mo ba wala lang kaya ka nakaligtas? Di mo ba inisip na, pinakita na sayo ng Lord ang pag-ibig niya. In a way na hindi ka niya hinayaang mabunggo. Kagagaling mo pa ng sunday school nun diba?"

Sabi nung driver ng truck, nawalan siya ng preno kaya muntik na niya kong mabangga. Sinabi niya yun sa police station.

Hindi ko malilimutan yun, ang araw na nakaramdam ako ng sobra sobrang takot.

Sobrang lapit na sakin nung truck. Konting konti nalang na andar nun, sigurado kong nag kanda bali-bali na lahat ng boto ko. Pero huminto yung truck.

Teka? Bakit ngayon ko lang naisip? Kung walang preno? Pano napahinto yung truck?

Totoo ba? Maniniwala ba ko kay timothy? Nalilito pa ko, hindi ko alam kung maniniwala ako.

Pero may napatunayan si timothy ngayong gabi.

He proved that God does exist. I will be loved by Christ's Father and the same with Him. And last, timothy proved that he is a good man.

Why timothy? Why are you doing this? But still I appreciated everything that he had done for me this night.

His purpose.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon