Epilogue

464 6 4
                                    

Ang saya! Eto na ang epilogue part. Gusto kong magtatalon dahil natapos ko rin ang story na'to bago matapos ang taon. Whohooo!

Abangan niyo naman ang kwento ni Jannika at Kendrix na "Meant To Be".

Pero bago 'yon. Tapusin na muna natin 'tong... "Who's the Right One?"

****************************

Sinusundan ko sila mula sa malayo. Kahit na palagi siyang nakangiti, nakikita ko 'yung lungkot na dinulot sa kanya ng pagkamatay ng taong mahal niya. Hindi ko alam na ganito pala ang pwedeng mangyari sa kanya. Dahil sa nakikita ko, hindi ko alam kung ano na ang magiging desisyon ko.

"Yun oh! Tita salamat po at sinama niyo kami dito. Ang saya!" Haha! Hindi ko alam na kasama pala kami sa out of town nila Bea akala ko malalayo ako ng matagal kay Barbie ko eh. Haha!

Nandito nga pala kami ngayon sa isang park. Pangalawang araw na rin namin 'to simula ng dumating kami dito. Namasyal kami at dito na nag lunch. Ang sarap dito kasi mahangin.

"Hoy Viniel! Hindi man lang kayo bumisita kanina kay..." Bigla siyang napatingin kay Bea. "sa sementeryo." Haha! Hindi pa rin namin mabanggit ang pangalang Oliver dahil kay Bea. Iiyak 'yon pag naalala si bestfriend eh.

"Sementeryo? Hindi na kailangan."

"Ranz.. bestfriend mo 'yun diba? Death anniversary niya bukas tapos hindi ka man lang bumisita?" Nakikita ko ang lungkot sa mata ni Bea.

"Hindi naman 'yon magagalit kahit hindi kami bumisita eh." Nakita ko kay Bea yung *pagtataka* face.

"Bakit naman?"

"Kasi madalas naman kami bumibisita don kapag napagtripan kaya kotang kota na kami."

Biglang tumunog ang cellphone ko nakita ko kung sino ang tumatawag kaya naman sinagot ko kaagad.

"Teka lang ah. Sagutin ko lang 'tong tawag. Importante lang." Tumango naman silang lahat kaya lumayo na ako sa pwesto nila.

"Napatawag ka?"

"Nandito ako sa likod mo. Sa may tabi ng poste. Dalian mo at pumunta ka dito."

"Osige. Saglit lang."

Tumingin ako sa lugar na sinabi niya at agad ko naman siyang nakita. Nagpaalam ako kina Barbie na aalis lang ako saglit. Nagpupumilit pa nga siya na sumama, pero tumanggi ako.

"Oh! Ano 'yang itsura mo?" Nakita ko kasing parang nagiba mood ni Barbie.

"Si Ranz kasi.. hindi ako sinama."

"Yun lang? Nako naman! Baka may bibilhin lang 'yun. Hayaan mo siya."

"Paano kung nambabae na siya? At sikreto silang nagtatagpo?"

"Sira! Kung anu-ano 'yang iniisip mo. Tara kumain na lang dito."

Habang nagiikot ikot ang mata ko ay nahagip ko kung saan nagpunta si Ranz at nakita ko na may kausap siya na pamilyar sa'kin. At parang tumalbog sa tuwa 'yung puso ko ng hindi ko alam kung bakit.

"Barbie! Tara! Ayun pala si Ranz puntahan natin." Sumama naman agad siya sakin.

Pero nung papalapit na kami kay Ranz ay biglang tumakbo ang lalaki. Sumigaw agad ako para tawagin si Ranz.

"Ranz!" Nagulat naman ito sa sigaw ko.

"Oh! Bakit kayo nandito?"

"Nagaalala girlfriend mo baka may babae ka daw at tsaka sino 'yung kausap mo? Bakit tumakbo?"

"Ah! Ewan ko nga rin eh. Nagtatanong kasi siya kung saan daw 'yung malapit na hotel dito. At wala akong babae. Tara na."

Hindi ako mapakali pagkatapos non. Dahil parang may tumutulak sakin na pamilyar talaga sakin ang lalaking nakita ko na kausap ni Ranz nung araw na 'yon.

Sino ba siya? At bakit siya tumakbo ng makita niya ako na paparating?

Nung una wala rin akong alam. Pero dumating din sakin ang mga kasagutan. Pero hanggang kailan ko maitatago ito? Nakokonsensya na kaya ako!

Ako lang ang nakakaalam ng lahat. Pero nalaman na rin ni Barbie ng dahil sa kakulitan niya. Ang hirap ng ganito ah! Sakit sa ulo. Kailan kaya magiging maayos ang lahat?

Hanggang ngayon ba naman? Parang may mali pa din. Akala ko tapos na pero mukhang may mga susunod pa.

* THE END *

****************************

Yipeeeeee! Natapos na din. Kung ano man 'yang mga nasa isip niyo. Ilabas niyo lang. Hahaha!

Sana nagustuhan niyo ang story na'to. Hindi ito ang original plot nito eh, pero nagkaganito na eh. Haha! Kaya binago ko. Pero maganda naman siya, diba? :D

Vote and Comment kayo ah :)

Who's the Right One? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon