Chapter 30 - Is this the end?

280 5 0
                                    

BARBIE'S POV

"Ano? Sumasagot na ba?"

Hanggang ngayon tinatawagan pa rin nila si Oliver. Pero baka naman kasi may pinuntahan lang kaso natagalan. Sumaya ako ng malamang nandito din siya. Ang tagal kong nawalan ng komunikasyon sa kanila. Sobrang hirap. At mas magiging mahirap pa lalo kung malalaman nila ang lahat ng nangyari.

"Tayo na. Itext niyo na lang siya na sumunod sa bahay para sa party." , sabi ni mommy na mukhang nababagot na rin sa paghihintay kay Oliver.

"Bei, okay ka lang ba?"

Nagulat ako sa tanong ni Jake. Natulala na naman ako. Nandito na pala kami sa bahay, hindi ko namalayan ang mahabang byahe dahil sa mga iniisip ko.

"Oo naman. Pagod lang ako."

"Osige. Pumasok na tayo para makapagpahinga muna kayo ni Phia para mamaya."

Agad naman akong pumasok ng bahay at sinama si Phia sa kwarto para magpahinga.

BARBIE'S POV

Nagaayos kami ngayon ng bahay nila Bea para sa isang simpleng welcome party.

Nagulat ako sa mga nakita ko kanina sa airport. Una, magkasama sila Jake at Bea na umuwi. Iba din ang kinikilos nila. Pangalawa! May kasama silang bata na kamukhang kamukha ni Jake. At higit sa lahat! Nawawala si Oliver.

"Grabe! Hindi ko na siya macontact ngayon."

Nagulat ako ng marinig si Ranz na nagaalala para sa kaibigan. At hanggang ngayon ay tinatawagan niya pa rin si Oliver.

"Patay talaga sa'kin yan si Ver eh. Kanina super excited eh.. Tapos biglang mawawala? Tss.."

Hindi naman nag react si Ranz sa sinabi ko.

"Hoy babe! Ok ka lang ba? 'Wag mong gagawin sa'kin na bigla ka na lang mawawala huh!"

At wala pa rin siyang reaksyon!!!!

"VINIEL! Okay ka lang ba??"

"ANO BA NAMAN 'YAN! 'WAG MO NGA AKONG SIGAWAN."

Nagulat ako sa pagsigaw niya sa'kin. Hindi ko naman kasi talaga inaasahan na bigla siyang sisigaw sa akin. At sa sobrang gulat ko.. Bigla ko na lang nabitawan 'yung basong hawak ko.

"Bessy! Ayos ka lang? Magingat ka naman. Muntik ng bumagsak sa paa mo 'yung mga bubog."

Wala pa rin akong reaksyon kahit malinaw sa akin lahat yung sinabi ng bestfriend ko.

"May kausap ba ako dito? Ranz! Ano nangyari dito?"

Tinignan ko si Ranz at nakita kong umiling lang siya.

"Labas lang muna ako saglit."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ano meron kay Ranz? Bigla bigla na lang niya akong sisigawan.

"Bessy! May problema ba kayo ni Ranz? Sabihin mo sa'kin para makausap ko 'yun."

Nagulat ako kay Bea, sumunod pala siya sa'kin dito sa may playground nila.

"Ewan ko ba dun. Bigla na lang kasi siyang sumigaw."

"Ah. Baka naman kasi sinigawan mo din. Hahaha! Alam ko na! 'Di ka sanay na sinisigawan nun noh? First time ba?"

Siguro nga nagulat kasi siya sa'kin kaya ganun ang naging reaksyon niya ng tumaas ang boses ko.

"Teka nga! Tutal tayong dalawa na lang ang nandito... Magkwento ka nga sa'kin BEA!"

Who's the Right One? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon