Chapter 19 - Apology.

257 6 0
                                    

Maraming maraming salamat sa patuloy na suporta sa WTRO. :D

I love you all! :**

Chapter 19.

Dedicated sa yo!

<Oliver's POV>

Naghahanda na ako papunta sa bahay nila Bea. Pero syempre, dumaan muna ako ng mall para.bilhan siya ng apology gift. Hehe. Ang sweet ko lang noh?

Agad-agad akong pumunta sa Blue Magic at bumili ng cute na teddy bear para kay Bea. :))

Pagkatapos ay nagpunta ako agad sa red ribbon at bumili ng cake at pinalagyan ko yun ng "I'M SORRY" na message. Oh diba? Ang sweet ko lang.

Hindi naman ako ganito, pero anong magagawa ko? Mahal ko si Bea ee. Kaya ko ginagawa lahat ng ito ay dahil sa kanya.

Ang korni ba? Eh ganun ee. Sensya, nagmamahal lang.

Pagkatapos ay bumalik na ako kaagad sa kotse para makapunta na kaagad kina Bea.

<Someone's POV>

Sa ngayon, sikreto na lang muna kung sino ako. Malalaman niyo rin yun sa mga susunod na kabanata ng kwentong ito.

Nandito na ako ngayon sa Pinas. Grabe! Namiss ko ito. Excited na rin akong makita ang lahat ng naiwan ko dito lalo na siya.

"Bro! Naiisip mo nanaman ba?"

"Oo ee. Kinakabahan ako sa mga sasabihin ko sa kanya pag nagkita na kami."

"Pabayaan mo na lang muna. Oh! Ayan na si mommy, tara na!"

Siya ang kapatid kong mas matanda sa akin ng isang taon. Lagi ko yan karamay sa lahat ng bagay. Kay kuya ko nasasabi lahat.

"Tara na! Nagiintay na ang tita niyo."

Pupuntahan namin ang mommy.niya. Paano ako magpapakita nito? Nakakahiya talaga.

May sariling apartment si Tita. Magkababata sila ng mommy ko kaya naman ganun na lang sila ka close sa isa't isa. Dun daw kami pupunta sa apartment niya, 45 minutes lang ang byahe mula sa airport.

Nakatulog ako sa byahe.

"Bro!"

Nandito na pala kami. Nakikita ko na si Tita.

"Bestfriend!"

"Namiss kita! Buti naman at nandito na ulit kayo.

mga ijo! Ang laki ng pinagbago niyo aa."

"Hindi naman po.", sabi ko. Sumagot ako para naman mawala rin ang hiya ko.

"Haha. Osya! Pasok na tayo."

Nagkuwentuhan lang sila ni mommy ng nagkuwentuhan. Dito na daw muna kami matutulog ngayong gabi.

Papunta na sana ako ng kwarto namin para makatulog na nang biglang....

"Hijo halika muna dito."

"Bakit po Tita?"

"Sumama ka sakin bukas paguwi ko samin."

"Po? Pero.."

"Sige na anak! Wag kang tumanggi sa tita mo. Para makapagusap na rin kayo ni..."

Hindi ko na pinatuloy pa si mommy.

"Okay po."

Buong gabi kong inisip kung anong mangyayari bukas. Kamusta na kaya siya?

Mapatawad niya kaya ako?

========================================================

Abangan ang susunod na chapter!

More revelations sa next chapter.

More votes and comments po? Thank you!!! ありがと! 감 사 힘 니 다 !

Who's the Right One? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon