Chapter 4 - Jealousy

693 9 0
                                    

So ayun nga. Naaya ko lang talaga siya ee. Masyado kasi siyang busy noon sa mga bagay-bagay na hindi niya maiwan at tsaka wala siyang hilig sa mga ganun "DATI" ee.

Pero alam niyo ba kung san nagsimula ang pagseselos thingy ko kay Oliver Posadas? Ganito kasi yun.

*FLASHBACK*

"Best, wag na pala tayo magpunta sa GT ng Chicser sa Saturday.", biglaang sabi ni Bea habang nag fefacebook siya.

"Huh? Ganun? Pers taym?", pangungulit kong tanong sa kanya. Kasi first time naman talaga to. Never siyang nakamiss ng GT since naadik siya sa Chicser.

"Ay nako, kasi naman. May sakit daw si Oliver. Nagpost si Owy at Ranz sa twitter. Kainis naman. :((", malungkot na sabi ng bestie ko.

"Oh? Aw naman yun.", wala na ako masabi ee. Kaya yan na lang sagot ko sa kanya.

"Kaya nga ee.."

"OHEMGIEEEEEEEE! I can sense something fun. I remember bes, diba may gala ang tropa sa Saturday? Naiisip mo ba ang iniisip ko?", sabi ko sa kanya.

"TAMA! Makakasama na tayo sa kanila, di na magtatampo sila Louise at Joyce. Yay!!"

Sa wakas, makakasama na namin ang aming Besties na parang almost a hundred years na naming hindi nakakabonding. Haha. OA ba? Kasi sobrang tagal na talaga. Nakakagulat nga si Bes ee, mas naadik pa kaysa sakin dahil na rin siguro sa kaguwapuhan ni Oliver. Pero alam kong may iba pang dahilan.

It's the day of our gala na! Yay! Sa resort lang naman kami nila Louise. Kaya LIBRE lang ang kasiyahan. Hahaha.

Matawagan nga si Bes bago ako maligo baka kasi natutulog pa yun.

#Bes?!?!?!, malakas kong sigaw.

*Oh! Bakit po? Kanina pa ako gising noh. Maaga akong nagising. Excitement na rin siguro.

#Okay sige. Maghahanda na ako.

*Okibels. Bye! Wait, susunduin mo ba ako dito?

#Yes! Syempre. Osige na, Ill text you na lang later pag paalis na ako.

*Okay sige. Bye~

Agad ko na rin namang niligpit ang hinigaan ko at nag prepare ng susuotin. Kagabi pa nakahanda ang mga gamit ko. Yay! How obvious na excited ako. Hahaha.

So, here I go. Tapos na ako maligo at magbihis. I've checked on everything na rin. Kahit kasi na may maids at guards kami,mas comfortable akong naccheck at nabibilinan sila everytime na aalis ako. Teka! Text ko na si Bes.

TO BES,

Uy! Papunta na ako sa inyo. Get ready. Mwaahhh!

SENT.

Okay! Here I come. Di nagreply si Bes aa. San kaya to? I knocked at their door, at si Manang Nely ang nagbukas.

"Hi Manang! Si Bea po?", excited na pagtatanong ko.

"Ah! Kanina nga nandito na siya sa baba kaso biglang may nagtext sa kanya at umakyat bigla sabi niya tatawagan lang daw niya saglit. Buti pa akyatin mo na don"

"Sige po, salamat"

Agad kong pinuntahan siya sa kwarto. Talaga naman tong babae.na to oh. Papasok na ako sana ng kwarto ng may narinig akong kausap si Bes.

"Huh? Oo, nareceive ko text mo. Pero may gala kami ngayon ng barkada ee. Akala ko kasi di ka makakapunta kaya sumama na ako sa swimming ee."

Sino kaya kausap ni Best?

"Ganun ba? Okay sige. Tignan ko, kausapin ko si Barbie aa. Kung sasama siya sakin."

"Okay sige. Bye! Kita kits later"

Sasama? Ako? Saan? Kitakits later? Sino ba kasi yun noh.

At lumabas na si Bes sa room niya. At as always, nagulat siya. Haha!

"Best! Kanina ka pa dyan?", uhmm. hindi naman. Di ko naman narinig lahat ng napagusapan niyo.

"OO! Narinig ko lahat. Sige, mauna na ako kina Louise baka nagaantay na sila dun sa existence natin sana pero mukhang existence ko na lang makikita nila. And yes! Di ako sasama sayo kasi kina Louise muna ako dahil sila aalis na sa Monday kaya dun na muna ako magpapakasaya para makasama ko sila kasi di na nila sure kung makakabisita pa sila dito ee. Sige! Una na ako.", pagalit kong sabi. Kita ko yung lungkot sa mukha niya pero di ko na napigilan sarili ko kaya hayaan na lang.

"Best? Galit ka ba?"

"Ako? Hahaha. Hindi noh..", sabay talikod at sinabing "SOBRA LANG".

*END OF FLASHBACK*

Natatawa ako na naiinis pag naaalala pa yun. Dahil sa isang sikat na nilalang na nakilala lang sa YT? Nag away kami ni Bestfriend. Pero ilang araw lang after nun ayos na kami agad. Nagpunta nga pala si Bea na dala ang mga regalo.niya nun sa airport nung paalis na sila Louise at Joyce.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tapos na POV at Flashback ni Barbie. Balik na ulit kay Bea sa next. Chapter. Baka matagalan UD ko. Sensya na!

Votes and.comment please.. Tnx.

Who's the Right One? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon