Chapter 34: The end of the Deal

Magsimula sa umpisa
                                    

Tapos sa dulo nitong mahabang sofa nya may mini cabinet dun tapos katabi ung isa pang mahabang sofa

Lumapit ako dun tapos tinignan ung mga frame na nasa ibabaw nun

Puro sya

Pero andun din ung mga magulang nya pati ung mga kapatid nya

May isang family picture din sya

Kasama sya , nakangiti katabi ang ate Clare nya pero ang parents pati ung iba nyang kapatid na si Galatea, Calvin at Krystal malayo sa kanya

Mukha silang masaya sa pic. Pero

Ang totoo ay hindi sila masaya

Nakakalungkot lang isipin na ganun sila

Lalo na si Jhaime

Inilapag ko ung frame tapos hinatak ko ung drawer

May nakita akong mga album

Kinuha ko ung isa

Pagkabukas ko

“eto pala ung mga pictures nya nung 7th birthday nya. Nung ok pa sila ng parents at mga kapatid nya.”bulong ko

May pics. Na yakap-yakap sya ng Mommy at Daddy nya

Nakangiti silang 3 sa camera

May pic. Na laging hawak ni Calvin si Jhaime

May pic. Na buhat buhat ni Galatea si Jhaime

Si Krystal naman may pic. Sila ni Jhaime na kandong-kandong nya si Jhaime tapos yakap nya at nakangiti

Masaya sila noon

Pero hindi ko alam kung bakit

Naging ganito na lahat

“Flame andito na ung pagkain.”sabi nya

Tinignan ko sya

May dala syang tray

“anong ginagawa mo dyan?”tanong nya umupo sya tapos inilapag ung tray sa mini table

“ahh wala lang. nakita ko kasi toh kanina kaya tinignan ko lang.”

Ngumiti lang sya pero parang mapait na ngiti

Isinara ko na ung album tapos inilagay ulit sa drawer at isinara

“hindi mo ba un tinitignan?”tanong ko

Nung kinuha ko kasi ung album

Ang daming alikabok

Umiling lang sya

“ayoko. Ayoko ng makita un..”

Nakikita kong, naluluha na sya

Pero mas pinili nyang wag umiyak

Kaya ngumiti sya tapos huminga ng malalim

Tinignan nya ako nang nakangiti

“nga pala, Flame, eto ung pagkain kumain ka muna.”sabi nya

Tumango lang ako

Tapos kumuha ng pagkain, sinigang ung ulam

Kumain na ako

Masarap sya

Habang kumakain ako

Napapatingin ako sa kanya

Nakatingin lang sya sa sahig

Seryoso

Parang malalim ang iniisip

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon