Element 1

40 3 0
                                    

Third Person's POV

*Before two years*

Snack break ngayon sa Class 4-A kaya puro ingay ang maririnig mo sa loob ng silid.

May nagbabatohan ng mga papel at meron ding naghahabulan.

May nagkakantahan at nagpapractice ng mga sayaw para sa darating na Festival Day sa kanilang eskwelahan.

Ang isang grupo na magkakaibigan ay tahimik lang sa isang sulok at walang pakialam sa mga ingay na ginagawa ng kanilang mga kaklase.

"Woahh! nag update na si miss author!!" masayang sabi ni Cathrene, isa siyang palatawa, mahinhin at ang pinakabata sa limang magkakaibigan. Nagbabasa kasi siya ng wattpad tuwing wala ang prof nila.

*Click*

"hahaha ang ganda ko talaga" sabi ni Jinri habang nag se-selfie , siya ang pinakamayabang sa kanilang lahat, kaya minsan naiinis ang mga kaibigan niya dahil sa kayabangan niya.

"guyss! tignan niyo! maganda diba?" tanong ni Rhiane habang pinapakita sa kanila ang bitbit niyang bulaklak, mahilig kasi siya sa mga halaman kaya hindi ka na magtataka kung makikita mo nalang siya sa garden nila na nagdidilig ng halaman kahit may hardenero naman sila. Agriculture nga ang course na kukunin niya sa college.

"tsk, ang iingay niyo" sabi ni Lite. siya lang ang nag-iisang lalaki sa limang magkakaibigan. Magpinsan kasi sila ni Jinri at dahil transferee siya, napilitan siyang makisama sa mga kaibigan nito dahil hindi naman siya friendly. Napagbintangan nga siya na bakla dahil puro babae ang mga kaibigan niya. Kaya nga ayaw niya makipagkaibigan sa iba dahil sa mga ugali nila. Masaya naman siyang kasama ang apat kaya wala na sa isip niya ang makipagkaibigan pa sa iba kahit ang makipagsabayan sa mga lalaki.

"Bakit ba kasi lagi ka nalang nagbabasa ng libro, at physics pa! matalino ka na naman diba kaya wag kanang mag-aral diyan baka pumutok pa iyang utak mo. Okay lang sana kung wattpad ang binabasa mo eh" reklamo ni Cathrene, ayaw niya kasi sa mga libro na binabasa ni Lite parang sasabog ang isip niya kahit first page palang ang nababasa niya.

Si Lite kasi ang pinakamatalino sa kanilang lahat. Simula pa noong elementarya ay lagi na siyang nangunguna sa kabilang klase at mahilig din siya sa pagiinbento at paggawa ng mga experiments. Ang pinaka ayaw niya ay yung papakialaman siya tuwing nagbabasa siya ng libro dahil ito lang ang nakakaalis sa kabagotan niya

"Pagpasinsiyahan niyo na nga lang yang genius na yan, manang mana kasi siya sa pinsan niya" sabi ni Jinri habang tinoturo ang sarili niya na may kasamang kindat.

"Hayss.. Ayan na naman ang kayabangan mo" sabay na sabi nina Lite at Cathrene.

Nagkatinginan naman silang dalawa at napatawa dahil sa 'di inaasahang pagsabay na sagot nilang dalawa .

"Bakit? Baka naiingit lang kayo kasi iyon ang totoo" biro na sabi ni Jinri

"Hindi ah, ang defensive mo naman baka totoo nga, diba Lite" biro na sabi Rhiane

Tiningnan lang ni Lite si Rhiane at binalik ulit ang atensyon sa pagbabasa ng libro dahil nararamdaman na naman niya na may gulo na namang magaganap.

"Bakit? Masama bang ipagtangol ang sarili?!" Hindi na mapigilan ni Jinri ang mainis, kahit alam niyang biro lang ito, naiinis parin siya dahil parang tinatapakan ang pagkatao niya.

"Tsk yabang"  bulong ni Rhiane pero nanlaki ang mata niya ng marinig pa rin ito ni Jinri

"At ako pa talaga ang mayabang?!" Galit na sigaw ni Jinri. Halata sa boses niya na sobrang inis na talaga siya

Naramdaman naman ni Rhiane na naiinis na si Jinri kaya agad siyang napangiti at sinagot ulit ito.

"Bakit hindi ba?"

Gustong-gusto kasi niyang kulitin ito dahil natutuwa siya sa mga sagot at banat ni Jinri.

"Ang yabang mo namang magsalita!!" Sigaw ni Jinri

"Ako ba talaga o ikaw?"

Sabi ni Rhiane sabay kuha ng bubble gum at ningunguya ito. Nasisiyahan na siya dahil naiinis na si Jinri.

Bigla namang hinampas ni Jinri ang mesa sa galit niya at dahil sa gulat agad pumutok ang bubble gum ni Rhiane na plano pa sana niyang palakihin pa.

"woahhhhhh!!!" sigaw ng mga kaklase nila. Sa simula pa lang ng pagbabayangan ng dalawa ay narinig na nila ito ngunit hindi na nila pinakialaman pa dahil sanay na naman sila sa asal ni Jinri at kung ano ang trip ni Rhiane. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakuha ang atensyon nilang lahat dahil sa ingay at lakas ng hampas ni Jinri.

Nag simula nang magbulong-bulongan ang mga kaklase nila kaya mas lalong umingay ang silid. Kung makabulong naman sila ay parang may microphone sa bunganga na mas lalong napaingay sa loob.

"Hala, sinabihan nila si Jinri ng mayabang"

"Nako siguradong magagalit iyon"

"Hala ka galit na!"

"Hahaha world war 3"

"Woahh ang nice  nito ahh,  pwede pang live!!"

"Akin na yang cellphone ko at sigurado akong magtetrending to"

"Pwede ba manahimik muna kayo! Hindi niyo ba nakikita na may natutulog dito. Tsk mga walang respeto!" nagising kasi si Jana, ang pinakamatanda at pinakamainitin ang ulo sa lima. Kaya nga kinatatakutan siya ng mga kaklase nila dahil sa ugali niya.

Agad namang nanahimik ang mga kaklase nila at dali-daling bumalik sa kanilang upuan. At ang lima? ayon nasa sulok lang at pinagpatuloy ang ginagawa nila, sanay na kasi sila sa ugali ni Jana.

Hindi na nagkibuan sina Jinri at Rhiane hanggang sa matapos ang klase nila.
Alalang-alala ang magkakaibigan dahil ngayon lang nila nakitang ganito sina Rhiane at Jinri.

Natatakot sila na baka dahil sa away nila ay masira ang kanilang pagkakaibigan at masayang lang ang kanilang mga masasayang pagsasamahan sa loob ng halos dalawang taon.








Ang iingay nila, hindi tuloy ako makapagconcentrate sa binabasa ko. Ngunit labis din ang takot na aking nadarama dahil baka sa unang pagkakataon ay mawasak ang aming pagkakaibigan. -Cathrene

Kulang pa naman ang tulog ko kagabi kaya gusto ko sanang matulog kahit 30 minutes man lang sa oras ng aming snack break nakakainis kasi itong mga kaklase namin ang lalakas mag ingay pagdating sa mga biroan pero kapag pasasagutin naman ng mga prof namin, ayun!  nganga.  Hmmmpp. -Jana

Hindi ko naman sinasadya na aabot sa ganito ang pagbibiro ko kay Jinri pero grabi naman siya hindi naman siya mabiro. Naalala ko pa noon na nagbiro rin ako sa kanya kagaya nito at ang tanging ginawa lang niya ang makipagsabayan sa akin pero hindi ko inaasahan na magiging ganito siya ngayon. -Rhiane

Ito na naman ang mga bangayan nila. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na magsama kami ni Jinri at maging magkabarkada pa na gayong hindi ko naman gusto ang ugali niya. Hindi ba nila alam na may pasulit bukas sa Science at wala na silang ibang ginawa kundi magingay at gumawa ng mga bagay na walang patotonguhan. -Lite

Lagi nalang ako ang may kasalanan! Lagi nalang ako ang mali! Ganito na ba talaga kasama ang ugali ko para sa kanila? Hindi man lang nila napansin ang kagandahan ko, siguro kulang pa ako sa make-up.  -Jinri





CHAPTER 1 COMPLETED

The Five Elements: Light Kingdom vs. Dark  Kingdom [On-going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt