Chapter 14 Peace

112K 2.5K 73
                                    

Chapter 14

————-

Sarah's (POV)

Pagdating namin Kuya Zac kahapon galing sa Ospital na pinapasukan nya at pagkatapos naming mag dinner pinakita na sakin ni Daddy Francis yung sasakyang binili nya para sakin and it was color red. My 3rd baby.

—————

*Sa School*

''Sarah bakit mukhang hindi ka na ata sumasabay kanila Andrew?'' tanong sakn ni Euphy.

"Wala lang,kasabay ko naman si Andrew kanina diba hinatid nya pa nga ako dito sa room."

"At bakit mag ka hiwalay na kayo nang sasakyan? Infairness ang ganda nung sayo.." sabi nya naman.

"Gusto ko lang, para hindi narin ako ma-link pa  kay Andrew,alam mo naman diba?"

Umupo nalang si Euphy sa may desk habang naka tingin sa hallway.

''Sabagay, balita ko nga girlfriend ka na daw ni Sebastian. Totoo ba yun best?''

"Ha?Hindi noh! Mali ang iniisip nila."  inaasahan ko talaga na ganito ang mangyayari,haiiixt..

"Weh?sa front row ka pa nga daw nakaupo nung game."

"Dun kasi ko pinaupo eh,,
malay ko ba na para yun sa mga girls ng player?."

"Hay naku! Yan kasi wala ka pang masyadong alam dito. Ano kaya naging reaksyon nung si Dianne.." - Euphy

"Sino ba si Dianne?Kilala mo ba sya?" tanong ko,mukhang kilala ata ni Euphy.

"Si Dianne lang naman ang tanging ex ni Seb. Actually 1 year ngang naging sila ehh. Nag iba kasi ang ugali ni Dianne after naging sila. Hiniwalayan siya ni Seb dahil ayaw din kasing masaktan ni Seb si Dianne sa mga pag-uugali nya." sagot naman sakin ni Euphy.

"Masaktan?Si Seb masasaktan si Dianne?"

"Yup,yun na rin ang sabi ng chismiss..Si Dianne lang nakaka alam kung ano yung tinutukoy ni Sebastian."

"Ah..ganun ba?."

"Himala na nga lang kasi hindi sya lumalapit sayo Sarah,dapat kanina pa yun sumugod sayo."

"Malamang alam nya kasi na hindi naman totoo.." pero kung alam mo lang Euphy tinakot sya ni Seb kaya hindi sya maka lapit sakin.

Bigla namang nagtilian yung mga babae  naming classmates at nakita ko si Seb sa may pintuan nang classroom naka tingin sakin.

"Uy, kala ko ba hindi kayo? Sinusundo ka na nga. haha" pangungulit ni Euphy.

Pinuntahan ko naman agad si Seb para malaman kung anong kailangan nya para naman makaalis na siya rito. Mas lalo pang magmumukhang totoo yung issue..

"Sarah.." sabi niya.

"May kailangan ka ba Seb? Kung wala pwede umalis ka na dito mas pina-palala mo yung issue eh."

"Gusto ko lang naman sanang mag Sorry tungkol sa nangyari. Don't worry i-aanounce ko mamaya yung totoo na hindi naman talaga totoo yung issue at kung ano yung dahilan so that your mind will be at peace. I'm sorry ulit Sarah." pag katapos nyang sabihin yun sakin tumalikod na si Seb at lumakad paalis na naka yuko.

Habang lahat naman nang tao sa hallway naka tingin sakin na para bang may ginawa akong masama.

Pumasok ulit ako sa Room para maka iwas sa mga tingin nila at umupo.

"Don't tell us na nakipag-break ka na agad kay Sebastian, at ganun nalang ang itsura nun?" tanong sakin ni Valerie na nag-kibit balikat pa.

"Duh.. Hindi nga naman sila tapos mag bi-break." sagot naman ni Euphy.

My Five Stepbrothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon