Chapter 36 Left

87K 1.8K 143
                                    

Chapter 36
-----

Sarah's (POV)

---

Hindi nako bumalik pa ulit ng pinaakyat at pinagbihis nako ni kuya Zac.
Kinalikot ko nalang ang laptop ko sa mag hapon.

-----------

Ng sunod na araw

*door knocks*

Pagbukas ko ng pinto si Mommy pala.

"Oh mom I miss you!" Sabay yakap sakanya.

"I miss you too Sarah,kamusta ang pag-aaral? I'm sorry anak kung kulang na tayo ng time para mag bonding."

"Ayos lang Mom alam ko naman na busy at importante talaga ang trabaho. Everythings fine with my studies."

"Maganda naman kung ganon. Do you have any idea for what you're going to take in college already?"

Nginitian ko nalang si Mommy sa tanong nya.

"Sarah dear, hindi pwedeng ngingiti-ngiti ka lang sakin nyan. I want to know your plans for the future."

"Ok ok. Pinag iisipan ko pa po."

I'm not really sure.

"Sige. By the way have you seen your kuya Lance lately?"

Natigilan ako bigla sa tanong ni Mommy.

"Is there something wrong Sarah?"

"A-h n-no Mom. Hindi ko din po sya nakita."

"Oh I see. Ok sige anak, your Daddy Francis and I came home early to congratulate your kuya Zac. Hindi bat nakakatuwa? Sigurado akong proud na proud ang Mommy nya sa langit." Masayang sinabi ni Mom.

Ang ganda lang talaga ni Mommy pag nakangiti at bakas sa mukha ang tuwa. I always wish for her happiness like this.

"Yeah you're right Mom."

"Dapat Sarah gumaya ka sa kuya Zac mo, masipag talaga at may pangarap. Iniisip ko pa lang ang swerte ng mapapangasawa ng kuya Zac mo."

Haha syempre si kuya Zac kaya yon. Pero ewan ko lang kung kayanin ng babae ang moodswings ni kuya.

"Tatawagan ko nalang ang kuya Lance mo, dapat nandito sya para e-congratulate ang kuya nya."

For some reason nagalala ako kay kuya Lance. Hindi ko din kasi sya nakikita dito sa bahay simula nung nangyari.

"Sige anak pagpatuloy mo na kung anong ginagawa mo. I'll be downstairs ok?" Paalam ni Mommy.

"Sige po"

Hawak ko ang cellphone ko sa sandali at napatingin ako sa contacts. At kusang hinanap ang number ni kuya Lance.

Anong gagawin ko? Tatawagan ko ba si kuya Lance?

*sigh*

No. Wag na muna siguro tatawagan naman na sya ni Mommy.

Binaba ko na ang cellphone ko ng may nag salita.

"Sarah?"

Huh?!! Wait napindot ko yung dial?!

"Sarah andyan kaba?"

Si kuya Lance nga.

Nakatingin lang ako sa phone ko habang pinakikinggan ko si kuya Lance.

"Sarah I'm sorry."

"I know I'm despicable but please. Patawarin mo sana ako sa nangyari." Dugtong niya.

"Kuya" I said.

My Five Stepbrothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon