Chapter 49 Voiced

85.6K 1.9K 277
                                    


Chapter 49

----

Andrew's (POV)

---

"Oh Drew last 1 kilometer?" Tanong ni Jeff

"Hindi na siguro Jeff"

Kaya ko pa naman sana syempre, pero may bumabagabag sakin at hindi ko alam kung ano, kaya hindi ko maayos ang mood ko habang nag bi-bike kami nila Jeff at Seb.

"Mukhang may malalim kang iniisip Drew. Kakatapos lang ng graduation natin may problema ka na naman agad?" Sabi ni Seb

Hindi ko nga din alam kung ano.

"Teka..."

"Oh ano?" Tanong ni Seb

crap.

After graduation nga pala yung alis ni Sarah.

Bakit ko ba yun nakalimutan?

"Guys uwi na muna ko. I really need to go now." Paalam ko sakanila Jeff at Seb.

"Huh?"

"Ano ba yan Drew"

At ayaw pa talaga kong tigilan nitong dalawa.

"Intindihin nyo muna ko guys."

"Ah bahala ka. Sige na nga." Sabi ni Jeff

"Ok sige ingat. Sa sunod ulit."

Buti naman at hindi na naki pagbangayan sila Jeff at Seb.

Agad naman na kong bumalik ng bahay.

Its been what? kanina pa kong umaga umalis.

Sana nandoon pa si Sarah.

Hindi pa naman late ng hapon.

Pag pasok ko ng bahay wala man lang akong nakita na kahit isa sa mga kuya ko maging sa mga katulong sa bahay.

Asan ba sila.

Pumunta ko sa may dining area dahil malimit nandoon sila Manang.

At tama nga ako.

"Manang may problema ba? Bat ganyan ang mga mukha nyo?" Tanong ko sakanya at maging sa mga kasambahay na naroroon, mga hindi kasi maipinta ang mga mukha nila.

Teka... wag mong sabihing..

"Umalis na ba si Sarah!?"

Tapos nag nod nalang sakin si Manang in reply.

So hindi ko na talaga sya inabutan.

Sht bakit..

I wanted to see her..

Umalis nako sa dining area at umakyat papuntang kwarto ko ng makita ko si kuya Chad sa balcony.

His facial expression had it too.

Sino bang hindi malulungkot na wala na si Sarah dito?

Kaya naisipan kong samahan muna si kuya Chad sa balcony.

"Oh, Drew um--" I cut him out.

"Alam ko na."

"Pero tatawagan ka daw nya."

"Sige."

Tumingin naman ako agad sa phone ko, pero wala pa namang kung anong dumarating.

Please Sarah. I want to talk to you.

Tapos bigla naman akong tinanong ni kuya Chad ng bagay na hindi ko inaasahan.

"Drew alam mo ba kung sino ang gusto ni Sarah?"

My Five Stepbrothers and IWhere stories live. Discover now