Chapter 9 Lucky in the family

127K 2.9K 291
                                    

Chapter 9

--------
Andrew's POV
-------
Nasa kwarto ko at katatapos ko palang mag bihis, binuksan ko yung tv ng makapanood muna ko ng cartoons. Habang nakahiga ako sa kama biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

*knock*knock

"Sino yan?"

"Kuya Zac mo."

Agad naman akong tumayo at binuksan ko ng pintuan si Kuya Zac. ''Oh kuya bakit?''

"Mangungu-musta lang."

''Tungkol naman saan kuya?'

''Sayo, pati narin dun sa alaga mo.''

''Anong alaga kuya? Si Sarah ba yan?.''

''Eh sino pa ba?''

Umupo ako sa may kama at di ko alam kung ano nanaman ba ang gusto nitong ni kuya Zac at bigla-bigla nalang mag tatanong ng kung anu-ano.

''Ayos naman ako, at si Sis ayos din siya, well adjusted na sa school at may matalik ng kaibigan na mapagkakatiwalaan.''  Malamig kong sagot kay kuya Zac

Ngumiti lang si kuya Zac pabalik sakin. Ang totoo nakaka pangilabot ang mga ganong ngiti ni kuya,para bang hindi niya pinaniwalaan yung mga sinabi ko.

''Nasan ba si Sarah?'' tanong ni kuya sakin.

''Uhm, baka nasa room niya.''

Then lumabas na si kuya sa kwarto ko. Medyo naka hinga na ko ng magaan, tapos ng bigla nalang ulet pumasok tong si Kuya Zac.

''Halika Andrew, magdala ka ng malaking towel'' yun ang sabi niya Zac tapos lumabas ulet.

Hindi ko naman alam kung aanuhin ba ni kuya yung towel, kaya kumuha nalang ako tapos sinundan si kuya pababa. Papunta ata kami sa may pool.
Sumunod lang ako kaya kuya Zac ng bigla ko nalang nakita sina kuya Chad at Sarah na nagkakatuwaan sa may pool.
       
Naka ngiti si Sarah, parang sobrang saya niya ngayon, iba kasi yung ngiti niya kay kuya Chad.
Medyo nanikip yung dibdib ko sa nakita ko, ewan ko ba kung bakit.

Tapos nakita kong natigil na sila kuya Chad at Sarah at naka tingin saming dalawa ni kuya Zac. And then nagsalita na si kuya Zac.

''Looks like you two are enjoying?.''

Iba naman yung expression ng mukha ni Sarah parang nagulat sa pag-dating  namin.
Tapos nagsalita na si kuya Chad.

"Yow, bro! Nandito ka na pala, by the way nagkakulitan lang naman kami ni Princess dito." naka ngiti pang sagot ni kuya Chad kay kuya Zac.

"Ano bang pumasok sa kukote mo Chad at pinag swimming mo si Sarah na naka heavy pants at long sleeves, baka gusto mo atang sumakit ang buong katawan niyan??" sabi ni kuya Zac

"Ah, wala naman to kuya Zac ayos lang naman po ako, at saka walang kasalanan si kuya Chad." ang sagot ni Sarah kay kuya Zac.

"Tama na nga yan, umahon na kayo at darating na sila Dad." Ang sabi sakanilang dalawa ni kuya Zac at pagkatapos umalis na.

Iwan ba ko dito.

Umahon na sila kuya Chad at Sarah. Nakita kong akmang ibibigay ni kuya Chad ang towel niya kay Sarah kaya lumapit ako.

''Here Sarah ito nalang gamitin mo.'' tapos binigay ko sakanya yung dala kong towel. Now I get it kung bakit ako pinadala ni kuya Zac nito.

"Salamat Andrew.''

Hinawakan naman ako ni kuya Chad sa braso, sabay bulong sakin,

"Good job lil brother." sabay wink ng mata niya.

My Five Stepbrothers and IWhere stories live. Discover now