Final Chapter

26.7K 397 19
                                    

Jacob POV:

Matapos ang tawag sakin ni Nikko ay nag pasya na akong tapusin ang pagkain ko. Papasok pa ako sa trabaho at alam kong tambak nanaman ang mga ito.

....

Inistart ko na ang makina ng kotse ko papunta sa Alferez Company.

Bumaba ako saglit sa tapat ng coffee shop dahil bumili ako ng maiinom bago ako tuluyang pumasok.

Dark coffee ang binili ko kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa kotse ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Sir Jacob!"

Sabi nito.

Napahinto ako saglit at nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na yon.

"Marie?" Oo si Marie nga at nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya dito.

Patakbo itong tumungo sa kinaroroonan ko at nagsalita.

"Ako nga Sir. Gusto ko lang po malaman ang kalagayan niyo simula ng umalis kayo sa mansiyon." Saad nito.

"Okay lang ako. Sige." Paalam ko sakanya at tumalikod na ako.

"Wait Sir!" Sabay hawak niya sa kamay ko.

Uminit nanaman ang ulo ko dahil ayoko talaga ng may humahawak sa kamay ko lalong lalo na kung hindi ko naman kaibigan.

"What?!" Padabog kong inalis ang kamay niya at nakaharap na ako sakanya.

"Ah Sir ano po kasi simula po ng umalis kayo umalis nadin po ako sa mansiyon para mahanap kayo."

"Puwede ba?! Tigilan mo na yang kabaliwan mo Marie at isa pa hindi mo na ako Sir ngayon at tapos na ang paninilbihan mo sakin. Umalis kana dahil malelate na ako."

"Kung hindi na pala kita Sir edi Jacob nalang ang tawag ko sayo." Sabi nito at ngumiti na tila hindi pinansin ang mga sinabi ko.

"Umalis kana. Umiinit lang ang ulo ko alam mo ba yon?"

Alam kong umaandar nanaman ang pagka bastos ko pero wala akong paki dahil wala naman talaga akong ganang kausapin to.

Lumakad na ako palayo sakanya pero sadyang napakakulit niya parin at sumunod sakin.

"Ano ba?! Di mo ba alam na nasasayang mo ang oras ko kakasunod mo? Please get out!"

Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Nakita ko naman itong pumara ng taxi.

What? Nahihibang naba siya? Balak pa ata niya akong sundan. Tsk idiot talaga.

Binilisan ko pa ang pagmamanegho at siniguro kong ililigaw ko sila.

Napatingin ako sa orasan ko fuck! Malelate na ako.

Wala na akong magawa kundi bilisan ang pagmamaneho papunta sa trabaho ko.

Ng makarating ako sa loob ay sunod sunod ang mga pagbati sakin at tinanguan ko naman ito.

Nakarating na ako sa floor kung san ang opisina ni Nikko at nagsimula na akong magtrabaho.

Ilang saglit pa ay tinawag ako ni Nikko.

"Jacob come to my office." Sabi nito at tuluyan ng pumasok sa loob ng opisina niya.

Sumunod naman ako.

Pagkapasok ko ay seryoso itong nakatingin sakin at tila may sasabihin.

"Jacob naalala mo ba yung sinasabi ko sayo na magiging business partner ko?" Tumango naman ako sakanya.

"You need to know this dahil si Ms. Deviree Shantal pala ito."

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang shantal.

"I know what you think Jacob at tama ka sa iniisip mo." Sabi muli nito.

Ng makabawi ako ay nagsalita ako.

"Sino ba siya? Gusto ko siyang makilala dahil kinuha niya ang lahat lahat sakin at gusto kong malaman kung bakit." Hindi ko na mapigilan ang emosiyon ko dahil sa namumuong galit na gustong kumawala sa loob ko.

"Hey I know nahihirapan ka. Pero importanteng tao padin siya sa kompanya nato kaya nga sinabi ko na agad sayo dahil gusto kong maghanda ka."

"Maghanda?" Sabi ko na puro tanong sa isip ko.

"Yes, mamaya na ang dating niya at magkakaroon ng pagdiriwang sa mansiyon niya."

"Nikko mansiyon nga ba niya? O mansiyon na kinuha lamang niya sakin." Mariing sabi ko.

"Be professional Jacob. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo pero ako padin ang boss mo at yan ang utos ko sayo. Mamayang 7pm aalis na tayo." Mariing sabi nito at tuluyan na akong umalis sa loob ng opisina niya.

Mabigat na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ko.

Umupo na ako sa kung nasan ang table ko at nagisip ng malalim.

"Sino ka nga ba Shantal? Bakit mo ginagawa to sakin?"

Tsk napapasabunot nalang ako dahil sa kakaisip sakanya.

...

7pm umalis kami ni Nikko at isinama niya si Sofie. Kasalukuyan akong nagmamaneho ng kotse ko habang nakasunod sa kotse ng mag asawa. Di ko mawari na babalik pa ako sa lugar na to kung san ako namuhay ng matagal.

Bumaba na kami at napakadaming importanteng tao sa labas ng malaking lupain ng mansiyon kung saan may malaking handaan.

Inikot ko ang mga mata ko at hinahanap ang taong kumuha sakin ng lahat.

Umupo na kami sa gawing kanan na mesa meron itong 4 na upuan.

May mga kakilala din ako dito ang mga dati kong mga kliyente halos lahat ay may pangalan at di basta bastang tao.

Tumahimik ang lahat ng may babaeng magsalita sa harap naming lahat. Malaki ang lupain kaya may inihanda silang stage para dito.

"Good evening everyone I would like to introduce you the new owner of Aguirre's Company Ms. Deviree Shantal!"

Nagpalakpakan ang lahat maliban sakin na hinihintay siyang lumabas at umakyat ng stage.

Maya maya pa ay may nakita akong babaeng sobrang puti at nakaitim na gown na paakyat ng stage. Inalalayan pa siya ng kasama niyang lalaki.

Inabangan ko talaga na makita kung sino siya.

Ng humarap na ito ay agad ding tumapat sakanya ang spotlight na siya namang ikinagulat ng buong pagkatao ko.

"Hindi maaari." Gulat na gulat kong sabi na wala sa sarili.

Lumapit agad sakin si Nikko at tila hindi rin makapaniwala.

"Oh my God." Gulat na gulat na wika ni Sofie at alam kong maging siya ay nagulat.

Halos magmukha akong baliw ng mga oras na yon at tinitigan ko lamang ang babaeng yon habang nagsasalita.

Pinagaralan ko ang lahat lahat.

Hugis ng mukha, magagandang mga mata, matangos at maliit na ilong, maliit na mga labi at pati ang maliit na dimples niya sa pisnge.


"Hindi pwede, hindi maaari" yon na lamang ang huli kong nasabi sa mga oras na yon.

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon