CHAPTER 13

16.4K 383 3
                                    


Ruby POV:

Kasama ko ang mga magulang ko sa kwarto dahil sila muna ang nag bantay sakin. Umuwi kasi saglit si Jacob para makaligo at makakuha na din daw siya ng ilang damit niya dahil siya ulit ang magbabantay sakin mamayang gabi.

Mag aalas dose na ng umalis ulit sila mama at papa dahil dumating na si Jacob. Maaga kasi itong umalis para makabalik din daw agad siya.

"Anak aalis na muna kami ng papa mo ha. I love you. Si Jacob na muna ang bahala sayo okay?" Sabi sakin ni mama tsaka ako hinalikan sa pisnge ang papa naman ay ngumiti at hinalikan ako sa noo.


Di ko man sila maalala meron paring magtutulak sa puso ko na gusto kong maalala ang lahat. Alam kong hindi ganon kadali ang lahat.

Umalis na ang mga magulang ko at isinara na ni Jacob ang pinto.

"Hey" sabi niya. Ang husky ng boses niya at tila nakukuryente ang buong katawang tao ko dahil sa epekto nito.

"Hi" sagot ko.

Lumapit siya sakin hinawakan niya ang mga kamay ko at isa isa niya itong hinalikan.

Di ko mawari ngunit para akong isang highschool teenager dahil kinikilig ako sa ginagawa niya. May biglang spark yon at bumilis ang pag tibok ng puso ko.

Mawala man ang ala ala ko ngunit hindi ang nararamdaman ko sakanya. Mukhang kilalang kilala padin siya ng puso ko dahil parang isinisigaw nito ang pangalan niya.

Para akong tuod non at nakatitig lamang ako sa magaganda niyang mata na mapupungay at nakakapangakit. Hindi ko napansin na kanina pa pala niya ako tinatanong ng matauhan ako.

"Ha? Pakiulit nga? Ahm di ko kasi naintindihan hehe." Sabi ko na para akong kinikilig dahil di man lang ako makatingin ng diretso sakanya.

Pinisil niya ang mga kamay ko at nagsalita.

"Sabi ko gusto mo bang kumain na? Bumili na ako ng pagkain dito bago ako umakyat para may makain ka."

Busog pa naman ako dahil kakakain lang namin nila mama. Pero hindi ko mawari kung ano ba ang pumasok sa utak ko at para akong tangang tango ng tango. Nawawala na ata ako sa tamang katinuan. Fuck ang hot niya. Damn gusto kong matikman ang mga labi niya.

Lutang ang isip ko at siya ang pinaglalaruan nito mukhang nagpapantasya nga ako sakanya ng mga oras na yon.

Kinuha ko na ang mash potato na pinigay niya sakin dahil sa yun daw ang paborito ko.

Hindi ko namalayan na kanina pa ako nakatitig sakanya habang tuloy tuloy na subo ng pagkain hanggang sa mabilaukan ako. Ang katangahan nga naman nawawala na ata ako sa tamang pagiisip at pati ang pagkain ay di ko na kayang nguyain at punong puno na ang bibig ko ng mga oras na yon.

Agad na kumuha si Jacob ng tubig at pinainom sakin. Halos maluha ang mata ko at mamula ang buong mukha ko dahil sa kinapos ako ng hangin sa pagkaing yon.

Ng malunok ko na lahat ay hinagod ni Jacob ang likod ko at nagsalita.

"Hey don't eat too much." Nagaalala ito at para akong tanga na tumango tango lamang.

Itinabi ko na muna ang pagkain ko at humarap sakanya. Di ko alam bakit may kalandian akong iniisip sa lalaking to. Gustong gusto ko na talagang tikman ang mga halik niya.

Nakatitig lamang ito sakin at ganon din ako sakanya.

Maya maya pa ay inilabas na niya ang bouquet ng red roses. Nagulat ako dahil tinotoo nga niya ang sinabi niya. Pang ilang beses nato dahil binigyan niya ako kagabi ng tatlong bouquet ng red, white at pink na roses. Halos mapuno na nga ang table ng kwarto ko kung san may flower base at dun nakalagay ang mga bulaklak. Malaki naman kasi ang vase kaya nagkasya ang mga to.


"Don't worry bumili ako ng flower base para dito." Ngiti niyang sabi at inayos na nga niya ang mga bulaklak. Kay gandang pagmasdan nito at ewan ko ba dahil napapako padin sakanya ang tingin ko.

Hindi na ako nakapagpigil. Alam kong mahal ko siya ay mali dahil...


Dahil...


Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal na mahal.

Niyakap ko siya habang nakatalikod siya at inaayos ang mga bulaklak. Shit ang sarap sa pakiramdam pag kayakap mo ang taong mahal mo. Parang huminto ang mundo ko ng mga oras na yon at sakanya ko lang naramdaman yon.

Nagulat siya sa ginawa ko at hindi agad nakapag react.

Ng matauhan siya ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang mga yakap na yon.

"Mahal na mahal kita Jacob." Nasabi ko at wala akong paki ng mga oras na yon alam kong nakakahiya pero tinuloy tuloy ko na.

Gulat na gulat ito at tinanggal ang mga kamay ko dahan dahan at humarap sakin.

"Pakiulit nga?" Sabi niya.


"Mahal na mahal ki-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil siniil na niya ako ng mainit at matamis niyang mga halik.


"Mahal na mahal din kita Ruby." Hinalikan niya ulit ako at bumitaw.


"Mahal na mahal kita" halik ulit.



"Mahal na mahal. Mahal na mahal" at hinalikan niya ulit ako ng napakasarap at nakukuryente na ang buong katawan ko sa ginagawa niya.


Bumitaw ulit siya at tumingin sakin.



"Magsimula tayo hon. Hindi mo man ako maalala alam kong makakabuo pa tayo ng isang masayang ala ala." Tumango ako sa sinabi niya at hinalikan siya. Nakakawit na ang dalawang braso ko sa leeg niya at nakayakap naman siya sa bewang ko. Mas hinigpitan niya ito at niyakap ko din siya. Ayoko na siyang pakawalan ng mga oras na yon habang pinagsasaluhan namin ang mainit na halik.



Ng....



Hindi man lang kami naalarma. Nagulat nalamang ako ng makita ang magasawang si Nikko at Sofie na nakatayo at nagpipigil ng tawa ang mga ito.


Nakaramdam agad ako ng init ng buong mukha sa hiya at tuluyan na kaming naghiwalay ni Jacob.

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon