CHAPTER 16

14.3K 298 3
                                    

Ruby POV:

Nakarating na kami sa boracay. Napaka ganda dito kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng panahon kaagad kong kinuha ang camera ko at pinicturan ko ang napakagandang tanawin.

Nakasunod lamang sakin si Jacob at ang dalawang magasawa naman ay may kanya kanya ding inaatupag kaya medyo nahiwalay sila samin.

"Ang ganda." Wala ng lumabas sa bibig ko kundi iyon.

"Oo nga sobrang ganda." Sabi naman ni Jacob at nakatingin lamang sakin.

"Ang ganda mo hon ikaw ang pinakamaganda dito." Dagdag pa ni Jacob.

"Nako ahh di ako nainform na bolero din pala ang fiancé ko." Saad ko.

Napakamot ito ng leeg.

"Hindi ako pinanganak na bolero. Maganda ka talaga hon." Sabi niya.

Hinila ko nalang siya dahil mag checheckin pa kami.

Nakita namin sila Sofie na nasa may lobby na at hinihintay kami. Ngumiti naman agad ito at inabot sakin ang susi.

"Nakapagcheckin na tayo." Sabi nito.

Nginitian ko siya paraan ng pagpapasalamat. Buti nalang talaga nandito si Sofie hay.

Pumasok na kami sa elevator at lumabas kami sa 8floor magkatabi lang ang mga silid namin. Number 801 kami at 802 sila Sofie.


"So kita kita nalang tayo after?" Sabi ni Nikko.

Tumango naman ako dahil excited na akong mag two piece si mama pa ang naglagay ng mga two piece na to sa bag ko at ang gaganda ng mga ito.

Pumasok na kami sa mga sarili naming kwarto.

Binuhat lahat ni Jacob ang mga bagahe naming dalawa at itinabi malapit sa cabinet.

Inayos ko nadin ang mga damit at isa isang isinampay. Ayoko kasi ng nasa maleta lang mas nadadalian ako kapag nakasampay. Malaki ang cabinet kaya naman marami pang space.

Deluxe ang kinuhang room nina Sofie at sadyang napakaganda nito.

May pinto rin sa gitna kung san ang pagitan ng kwarto namin at kwarto nila. Napakalaki nito at may malaking bintana na nakatapat sa dagat.

Napakaganda talaga dito at naka todo pa ang aircon. Kaya naman nakaramdam ako ng antok dahil sa lamig.

Himikab ako at tinignan ko ang relo ko 5:30 pm na pala. Habang abala si Jacob sa pag aayos ng mga gamit namin sa banyo ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sa sobrang pagod.



Maya maya ay may naramdaman akong humahaplos sa pisnge ko at ng imulat ko ang aking mata ay si Jacob ang nakita ko.

Ngumiti ako sakanya at ganon din siya sakin.

"Kamusta tulog mo?" Unang tanong niya. Hay sadyang nakakakilig ito dahil concern talaga siya sakin.

" okay naman sulit nakapagpahinga din ako." Sabi ko habang nakangiti.

"Good. Let's go? Mag didinner pa tayo. Nasa baba na sila Sofie." Sabi niya.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang malaking bintana namin dahil sa madilim na sa labas.

Hindi na ako nakapagswimming nakakalungkot pero ayos lang dahil may bukas pa.

"Oh my God anong oras na?" Tanong ko kay Jacob. Nakakahiya naman kasing pinagantay ko sila dahil sa nakatulog ako.


"7pm na hon. Sabi niya.

Napabangon agad ako at nag tungo sa banyo. Nag mumog ako ng mouthwash ko at nag ayos konti ng sarili.

"Take your time hon. Di naman tayo nagmamadali." Sabi ni Jacob na nakasunod na pala sakin.

"No hon. Pasensya na nakatulog ako." Sabi ko naman.

Lumapit ito sakin at niyakap ako sa likod habang nag aayos ako at nakatingin ako sa salamin.


"Ang bango mo." Sabi niya na nakatapat sa leeg ko ang bibig niya at nararamdaman ko ang init ng hininga niya. Ang bango din ng hininga nito na parang menthol.


I moan pero pinigilan ko siya dahil hindi pa ako handa at isa pa nag aantay na sila Sofie at Nikko.


"It's okay hon I'm not forcing you. I'm willing to wait kahit gano pa katagal." Natouch ako kay Jacob dahil kahit may amnesia ako ay nirespeto parin niya ako.



Humarap ako sakanya at hinalikan ko siya sa mga labi niya.


"Thank you hon." Sabi ko.

Ngumiti naman sakin ito.

"Tara na?" Sabi ko at hinila ko na siya palabas ng kwarto.

The Temptation | Book 2[Under Editing] ✔ Where stories live. Discover now