Chapter #2 The Maldita Princess

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkababa ni kristine galing sa kwarto nya, inaya nya na akong sumabay sa kanya para sabay kaming makarating nang maaga sa school,tahimik lang ang buong byahe namin.

Naisip ko na iniisip parin ata nya ang naging usapan namin kaninang umaga,hindi na ako nagsalita pa dahil baka maopen up nanaman ang topic about sa past ko,kaya dumating kami sa parking lot ng school na hindi ako kumikibo.

Pagkadating namin sa gate ng school,nagpaalam na sa akin si kristine na pupunta sya nang library hinayaan ko nalang sya dahil alam kong medyo nagtatampo sya sa sinabi ko kanina.

Habang naglalakad ako sa hallway halos mabali lahat ng leeg ng studyante dahil sa kakatingin sa akin,well hindi ko na sila pinansin sanay naman akong pagtinginan dito sa school kaya nang makarating ako sa room umupo nalang ako sa sulok nang room at nagheadphone.

•-=-•

Kristine's POV

Hi,I am Kristine friend of Audrey...siguro iniisip nyo na galit ako sa kanya,actually hindi ako galit nagtatampo lang...dahil nagbago sya dahil sa walang kwentang tao and of course because of her family...she feels like she is always alone,kaya sa tuwing my family problem sila sa akin sya tumatakbo o kaya kay abbygail.

Gusto nyo bang malaman kung bakit naging ganyan si Audrey?well it all starts with...

Flashback...

Isang masiyahin si Audrey noon,hindi pa sya maldita at hindi pa sya kasali sa kahit anong gang,hindi mo sya makikitaan ng lungkot sa mukha nya sa tuwing makikita mo sya laging masiyahin na aura lang ang makikita mo.

Maraming nagkakagusto sa kanya nuon halos lahat,kilalang-kilala sya noon sa buong campus.Pero one day nagulat kami pareho ng biglang parang may kinikilos na kakaiba ang mga studyante sa loob ng campus.

Panay ang tingin nila kay Audrey,hindi nalang namin iyon pinansin at pinagpatuloy namin ang pagrereview,dahil nang panahon na iyon malapit na ang exam kaya todo review kami noon ni Audrey para makapasa kami.

Habang busy kami sa pagrereview nagsitilian ang mga studyante sa paligid namin at nagulat kami ng nakaluhod na si Nico sa harapan ni audrey...matagal na naming kilala si nico noon sa totoo lang magkakaibigan talaga kami pero hindi alam yon ng mga studyante sa campus,dahil mas pinili nilang wag magusap sa school kaysa magusap sila sa labas...kaya ang buong akala noon ng mga studyante sa campus ay basta nalang niligawan ni nico si Audrey.

Hindi na ako nagtataka noong marinig ko ang oo ni Audrey,sobrang saya noon ni nico na parang sya ang pinaka mas swerteng tao sa mundo...

Sa sumunod na araw,dahil sa sikat si Nico bilang isang magaling na swimmer sa school namin,maraming nagalit kay Audrey...pinaglalaruan lang daw ni nico si Audrey kaya daw niligawan sya ni nico.Pero dahil malakas ang tiwala ni Audrey ka nico mas pinili nyang wag makinig sa mga bulong-bulungan sa school.

Isang araw nagulat nalang ako ng biglang pumunta sa mansion namin si Audrey na umiiyak...hirap na hirap akong patahanin sya noon kaya inalalayan ko sya papunta sa room ko,nagaalala pa ako dahil baka atakihin sya ng hika kaya kinausap ko sya kung ano ang problema hindi naman agad sya nakasagot dahil sa mga hikbi nya lumipas ang ilang minuto at kinuwento nya lahat ang nalaman nya.

Audrey's Side

"Pumunta ako sa paborito naming resto para sana isorpresa sya kaya lang *sobs*ako ang nasorpresa dahil pagpunta ko doon nakita ko sya na may kasamang iba at ang masakit sa lahat ay iyong harap-harapan mong nakita na naghahalikan sila sa harapan mo...alam ko sa drama ko lang iyon nakita corny man pero ang sakit*sobs* ang sakit sakit na nakikita mo syang may kasamang iba...umalis na ako noon sa resto ng hindi nila ako nakikita,umuwi agad ako sa bahay at dumiretso ako sa kwarto ko doon ko kinuha lahat nang bagay na naguugnay sa amin lahat ng regalo nya sa akin ipinatapon ko,kinabukasan...pumunta sya sa bahay at nagulat ako ng imulat ko ang Mata ko na nakangiti sya sa akin,sobra akong nagalit noon natanong ko bigla sa isip ko kung paano sya nakakangiti ng ganon sa harap ko...haha oo nga pala alam ko ang sagot hindi nila alam na nahuli ko na sila sa pangloloko sa akin...diretso lang akong nakatingin sa Mata nya noon at sinabing"anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya na may malamig na tono..."bakit babe lagi naman akong pumupunta ng maaga dito ha"sabi nya at yumakap sa bewang ko ayoko sanang gawin ang bagay na to kaya lang huli na "bitawan mo ako!wag mo akong hahawakan manloloko ka!"sigaw ko sa kanya pinipigilan kong wag maiyak nanatili parin akong nakatingin sa kanya nang diretso"anong ibigmong sabihin?"inosente nyang tanong"gusto mo talagang ikuwento ko?"tanong ko sa kanya"nakita kita kahapon nakikipaghalikan sa isang hipon actually hindi ko talaga alam kung anong itsura nang kahalikan mo,nalaman ko lang na hipon sya dahil sa lakas ng amoy malansa sa katawan nya,ano ngayon alam mo na!?"-at hindi ko na napigilan kaya tumulo na ang luha ko.

The Story Of: Maldita's Side[COMPLETED] editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon