Chapter 33: Undrello

Start from the beginning
                                    

Nagagamit nya ang kanyang abilidad. Bakit hindi nya ito ginamit kanina kung ganoon?

Kuryente. Hindi ito ground type.

Tinitigan ko sya. Hindi ako makapaniwala. Ano bang nasa isip nya?! Bakit?




















**














(Vanessa's POV)












Maayos na ang lahat.

Bumalik na rin sa dati ang lahat sa tulong ng mga huli kung tumulong.

Nawala si Patrick at Cash. Nilamon sila ng lupa. Nilamon ang mga kaibigan ko.

Agad akong napahilamos sa mukha. Ako ang may kapangyarihan nung mga oras na iyon at wala man lang akong nagawa para sa mga kaibigan ko? Kasalanan ko ito eh! Kasalanan ko.

"Alam kong sinisisi mo ang sarili mo ngayon be. Pero sana naman isipin mong walang may gusto ng nangyari ngayon at hindi mo talaga kasalanan iyon." Pang-ilang ulit na sinabi sa akin ni Mich habang hinahagod ang aking likuran.

Kanina pa nya iyan sinasabi at paulit-ulit ko lang rin syang pinapaalis.

"Tawagin mo lang ako pagkailangan mo." Ang huli nyang sinabi bago umalis sa tabi ko.

Naalala ko ang mga ngiti ni Patrick at pagwagayway ng kaliwa nyang kamay bago lunukin ng lupa ng buhay.

Ang napakasakit pa, sa akin sya nakatingin ng diretso na nais may ipahiwatig.

Napakasakit makita na ganun ang nangyari eh. Masakit.

"Tama lamang ang iyong ginawa." Sabi ng isang tinig.

Agad naman akong napatingin paitaas.

"J-Jayden." Utal kong saad habang nangingilid ang aking mga luha. "Paano?"

"Simple lang. Dahil mas pinili mo silang iligtas kesa sa mga kaibigan mo na dadalawa lamang. Tignan mo ang mga taong iniligtas mo. Hindi mababakas sa mukha nila ang mga naganap kanina. Mukhang normal lamang ang mga pangayayare kanina. Tama ba? Tignan mo sila. Suriin mo." Paliwanag nya sa akin, still avoiding my gaze.

"P-Pero ang mga kaibigan ko."

"Sa mundong ito Vanessa, wag kang maging makasarili. Sa tingin mo ba pag-iniligtas mo ang mga kaibigan mo sa gitna ng delubyo kanina makakaligtas sila?" Sabi nya sabay itinuro sila Mich at ang iba pa. "Mukhang pati nga ang mga ililigtas mo at pati na rin ang sarili mo hindi na maliligtas pa eh. Buti na lamang at hindi mo naisipang kontrolin ng sabay sa pagliligtas. Kundi, lahat tayo mapapahamak." Dagdag nya pa bago ako tinapik sa balikat. "Pag-isipan mo ang sinabi ko."

And that? Umalis na sya.

Naiwan naman akong nakaupo pa rin habang nakatulala.

Tama lamang ba ang aking ginawa?











**














(Cashmere's POV)











Nagising ako sa isang liwanag na tumatama sa aking mukha. Unti-unti kong minulat ang aking paningin.

Tama liwanag.

"Okay ka lang ba Miss?" Tanong ng isang tinig.

Nilingon ko naman ang nagsalita.

Isang lalaki ang nasa aking harapan habang nag-aalala ang kanyang mukha.

"S-Sino ka?" Tanong ko sa paos na tinig.

Doon ko lang naramdaman na napakainit rito sa lugar na ito at tuyo ang aking lalamunan.

"Ako si Dennis. Ano palang ginagawa ng isang maharlika rito sa aming lugar? Baka mamaya mapano ka rito. Hindi ka dapat naririto." Nag-aalala nyang sabi.

Maharlika?

"Anong pinagsasabi mong maharlika?" Takang tanong ko sa kanya. "T-Teka, mayroon ka bang tubig r'yan? Nauuhaw na kasi ako. Maaari bang makiinom?"

Naglabas naman sya ng isang parang palayok saka ibinigay sa akin.

Agad ko namang ininom ang laman n'yon na agad ko ring naibuga.

"Ang a-alat." Pagrereklamo ko.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata.

"Pasensya na." Paghihingi nya ng paumanhin. "Ganyang tubig lamang ang naririto. Paumanhin."

"N-Nasaan ba ako?" Tanong ko at ininum na lamang ang tubig. "Salamat pala." Pagpapasalamat ko bago ko ibalik ang tubig.

"Walang anuman." Sabi nya ng nakangiti dahilan para lumabas ang kanyang mga oh my dimples! "Hindi mo alam ang lugar na ito?" Takang tanong nya sa akin.

Binigyan ko lamang sya ng nagtataka look kaya napabuntong hininga na lamang sya.

"Ito ang lugar na isinumpa ni Total Eclipse." Sabi nya bago ngumiti ng malungkot. "Ang lugar na kung tawagin ay 'Undrello' o mas kilala bilang Ilalim o Ibaba."

Ilalim o Ibaba?

Nandito na ako sa pupuntahan namin? Sa misyon na dapat naming punan ng pansin?

Nanlaki naman ang mga mata ko at doon ko lang napagtanto na tama sya. Isinumpa nga ang lugar na ito.

Batay pa lang sa paligid. Bitak na lupa, patay na mga puno, kadiliman, mahihirap na mga tao, mga pananamit, kalusugan, at iba pa na pangkaraniwan nang makikita sa isang mababang lugar.

Tinignan ko si Dennis. Nakasuot sya ng isang damit na animo'y isang basahan. Gusot gusot na ito at luma. Kung titignan, marupok na ito at madali nang masira.

May itsura naman si Dennis kaya napangiti ako ng napakamot sya sa kanyang batok.

Pero agad ring napukaw iyon ng bigla nya akong hinila at napunta kami sa likod ng isang establisyemento.

"Ssh." Pagpapatahimik nya sa akin gamit ang kanyang hintuturo.

Tinignan ko ang aming pinanggalingan mula rito. Napakalayo ng aming pinaglalagyan.

Di na ako magtataka.

Sa di kalayuan, namataan ko ang mga lalaking nakamaskara ng pula at nakaitim, purong itim.

"Sino sila?" Takong ko kay Dennis ng pabulong.

"Taga-palasyo. Sila ang nagbabantantay rito simula ng sumugod ang mga Dark Magicians nung mga nakaraang gabi." Paliwanag nya sa akin bago ngumiti. "May alam na ako tungkol sa iyong pinanggalingan."

So tama nga ang sinabi nila. Sumusugod nga rito ang mga Dark Magicians. Pero bakit?

Saka paano nya nalaman? Alam nya kayang galing ako sa mundo ng mga tao? Oh shemay.

"Galing ka sa akademya sa itaas tama ba?" Nakangiti nyang saad na ikinatango ko na lamang. Woah! Kala ko naman alam na nya.

"Tara na." Pagyayaya nya sa akin, at sa isang kisap mata nakaramdam ako ng malakas na hangin bago ako mapamulat. Holey fvck! Nasa loob na kami ng isang silid na puno ng mga libro.

"Nasaan na tayo?" Takang tanong ko.

"Sa aming pinuno." Maikli nyang sabi.

Nakaramdam naman ako ng kaba dahil roon.

P-Pinuno?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyWhere stories live. Discover now