Epilogue: The Long Lost Queen {part 1}

446 3 0
                                    

The Long Lost Queen

     Naniniwala ka ba na ang lahat ng bagay ay may karapatang rason? Naniniwala ka ba na ang lahat ng ito ay isang malaking pagsubok lamang sa buhay mo? Kung ako sa iyo, oo maniniwala ako. Because at the end of the day, ako pa rin ito at hindi ibang tao. Ako pa rin ang taong naniwala at hindi sumuko sa mga hamon ng buhay ko. Dahil naniniwala ako na sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko, all the discriminations, all the pain, all the lies at the end of this very day, I still have a place to call "home."


    Ako nga pala si Alien no. 7 ang author nang The Long Lost Queen {Season 1 and 2}. Nag sasabing "Thank you for reading my very first story na naging matagumpay sa work list ko... Sana po yung ibang story ko po ay subaybayan nyo rin para mas happy.. At sana rin po nagustuhan nyo po ang The Long Lost Queen. Tsaka sana rin po kahit na may mga typo or maling grammar o may hindi kayo nagugustuhan na part.. Comment nyo lang po tapos if may time ako... I eedit ko po para sa mga readers, voter and commentors... Love lots po and God bless!!! Love you all!!!"

********

Nandito ako ngayon sa opisina ni Kua Gab. Wala akong magawa kaya nilibot ko muna yung buong palasyo nya. Ang daming lumang pictures dito. Wow. Kahit luma na ang ganda pa rin. Nang biglang kong nakita ang isang letrato ng isang batang babae na kamukhang kamukha ko. Pinaka tignan ko ito ng bigla kong narinig ang pagbukas ng malaking pintuan, napatalon ako at bigla akong umupo ng maayos sa upuan, pa kunwaring ako ay inosente at walang muwang sa mga bagay-bagay. Pag pasok ni Kuya Gab, natawa na lamang ito ng walang dahilan nang biglang nyang sinabi, "Alam kong tinitignan mo ang mga letrato, Meryanha. May nakita ka bang kakaiba?" Napatingin ako sa kanya ng biglaan at tumawa pa sya ng malakas. "Wag mo nalang tanungin kung paano ko nalaman. Pero, nakita mo ba si Abrianna?" tanong nito. "Abrianna?" tanong ko sa kanya.

Kinuha nya yung isa sa mga picture frames tapos tinuro yung Abrianna. Ahh. Si Abrianna pala ang pangalan nya, kasing ganda nya ang pangalan nya. Pero ano naman ang kinalaman ko sa kanya. Kasi sabi ni Kua Gab. Ako daw si Abrianna. Tapos sabi naman nung Rhayhanne ako daw ang "The Long Lost Queen"..  Yung totoo. Sino ba talaga ako? Mukha bang ako yan? Hindi naman ehh. Ang pangit ko kaya. Samantalang sya, napaka ganda nya. Eh, ako? Mukhang akong palaka. "Alam ko, naguguluhan ka pa sa mga nangyayari sa iyong buhay ngayon." biglang sambit ni Kuya Gab sa akin. Napatingin lamang ako sa kanya. "Paano mo nalaman?" nauutal kong sambit kay Kuya Gab. Napabugtong-hinga ito at sinabi na, "Binibini, simula noong namatay si Abrianna naging malungkot ang buong palasyo dahil sya lang ang kaisa-isang pag-asa ng mga tulad naming Angel Gods. Namatay sya sa isang digmaan sa pagitan nang mga tao at mga Angel Gods. Nawalan ako nang pag asang mabuhay noon dahil inalagaan namin ng sobra si Abrianna. Ngunit nagbago ang lahat nang biglang may nasagap kaming impormasyon na may isinilang na babaeng sanggol na kamukhang kamukha ni Abrianna. Kaya nabuhayan muli ako nang loob at naisipan kong isulat sa Book of Memories ang iyong istorya. Hanggang sa nalaman namin mula mismo kay Reyna Anemi na ikaw ang matagal nang nawawalang reyna nang aming mundo, ang mundo ng mga Ancient Angel Gods... Ikaw ang aming pag asa upang manumbalik muli ang kasiyahan sa pagitan namin at ng mga tao." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa pag-amin na kanyang binaggit. Tumingin ako sa kanya at bakas pa rin sa aking mukha ang pagkalito sa mga nangyayari.  "Ako? Paanong nangyaring ako? Tsaka sino ba talaga ako?" tanong ko sa kanya. "Kung gusto mong malaman sige, pumunta ka sa East Wing at kunin mo ang Book of Memories tsaka mo basahin ang iyong istorya nang malaman mo kung sino ka." madiin nyang sabi bago ako tumango at patakbong pinuntahan ang East Wing.  Medyo nakakatakot doon kaya nag dalawang isip akong pumunta nang dumating bigla si Rhayhanne. "Meryanha, alam kong nagdadalawang isip kang pumasok dyan. Kaya nandito ako para tulungan ka." sambit nito na may ngiti sa mga labi. "Salamat." munti kong sambit sa kanya at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng East Wing. Hindi pa kami tuluyang makapasok sa loob tumaas na lahat ng balahibo ko sa katawan at tila ba parang nanigas ang aking katawan. Tumingin sa akin si Rhayhanne at hinakawan ang aking kamay at hinila ako sa loob. Malapit na kami sa mga shelves ng may biglang nagsalita,

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon