Chapter 25: Mysterious Past

493 4 1
                                    

Nandito kami ngayon sa Phantom Island. Nag liligpit nang aming pinag gamitan sa aming digmaan. Ngunit laging sumasagi sa aming isipan ang biglaang pagkamatay ni Siyenthera. Oo nandoon kami ngunit hindi namin nasaksihan ang lahat. Nakatulog kami nang walang dahilan. Nakapikit kami at parang may kumokontrol sa aming huwag dumilat. 

Pag gising namin mula sa aming pagkakatulog nakita na lang naming ang lasug-lasog na katawan ni Siyenthera na parang pinakain at iniluwal muli mula sa pagkakanguya. Hindi namin lahat ma i detalye pero misteryoso pa rin ang pagkamatay nya. Ngunit sa kasalukuyan ay nagsasaya kaming lahat sa South ngunit hindi pa rin maiwasan ang pangungulila namin kay Odinna, ang ina nang buong Angel Gods. Nakikita ko na lamang itong maganda at mukhang bata pero mas matanda pa yun kay Kua Gab.

Nga pala, bakit parang kulang kami? Parang mayroon pang isang nawawala sa amin, hindi ko maramdaman ang aura nya ngunit parang nawawala talaga sya. Umupo na lamang ako sa tabi ni AnnaMarie at Dark na kanina pa nag aaalala na parang kulang na lang ay ipagsigawan na may nawawala na isa sa amin.

Sino nga ba kasi iyon? Ano kasi pangalan nya? Bakit hindi ko maalala? Sino ba sya? Bakit sya pinag aalala nang maraming tao? Espesyal ba siyang panauhin?

=========

Nagising ako at ang sakit nang ulo ko na para bang inumpog ako sa isang bato at hinampas nang bakal nang dalawang beses sa aking ulo. Sa sobrang sakit ay parang pati katawan ko ay bumigay na rin. Aray! Ha? Sino? Kaninong kamay ito? Kamay ba ito ng isang lalaki o isang babae?

Ano ba ito? Tao o alien? Hindi kasi halatang tao ehh. Sino ba kasi talaga sya?  Yun ba dapat ang tanong? Ano o Sino?  Teka? Nasaan nga ba ako? Anong lugar ito? Saan ako dinala nang taong ito? Teka hindi pala sya TAO. PUSA SYA!!! PUSANG KULAY ITIM!?! Sya ba ang nagdala sa akin dito sa lugar  na ito. Bago ko iniabot ang aking kamay, tumingin ako sa aking paligid. Isang napaka gandang tanawin. Inilabas nya ako sa kweba para makita ang labas nito.

Naka nga-nga na lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Isang magandang tanwin na puno nang mga hayop. At mga bulaklak na napaka bango nang amoy, matataas na mga puno at mga bulubundukin lugar at may water falls pa. Pina inom nya sa akin ang tubig nang ilog at ito ang pinaka masarap na tubig na natikman ko. Sa sobrang sarap nito ay tumalon ako sa tubig. Ahhh. Ang lamig nang tubig! Tinalsikan ko iyung pusa at bigla syang naging tao. Mukha lang syang pusa sa sobrang kakyutan pero na realize ko na lobo pala sya. Mabuti na lang ay hindi nya ako kinain o kinagat man lang. Nakahinga ako doon nang maluwag. Nang bigla akong sumaka sa tubig dahil parang may humawak sa akin sa ilalim nang ilog. Isda ba iyon o-? SIRENA!?! Bakit may SIRENA sa ilog?

Humarap ito sa akin at ngumiti, napaka ganda nya. Isinama ako nang lalaki sa isang lugar na medyo malayo sa ilog at bumungad sa akin ang  napaka gandang tanawin. Makikita mula sa itaas nang bundok buong kapaligiran. Ang lakas at ang lamig ang simoy nang hangin at bango ng mga bulaklak. Ang gandang panoorin ang mga kawayang nakikipagsayawan sa hangin na para bang ayoko ko nang bumalik sa kasalukuyang nangyayari. Teka ang kasalukuyan? Wala ba ako sa hinaharap? Teka anong lugar pala ito? Hinarap ko ang lalaking pusa ngumiti lamang ito sa akin nang bigla na lamang dumilim ang aking paningin at pag gising ko ay nasa pamilyar akong lugar na para bang nanggaling na ako dito.  Ang aming bahay noong naninirahan nang ako'y tao pa. Ngunit, sino ba talaga ako at ano ang ugnayan ko sa mga taong katulad ng nasa panaginip ko kanina? Teka, panaginip? Panaginip nga ba ang lahat or pawang katotoohanan? At ano ang ugnayan nila sa akin? Bakit hindi matandaan ang mga taong iyon? Bakit hindi maintindihan ang mga nangyayari sa buhay ko? Ano ba ang papel ko sa mundong ito? Ano ba ang kasalanan ko at ito ang naging  parusa akin nang Panginoon? Ano ba talaga ang misyn ko sa mundong ito? Bakit ba ako ipinanganak na magulo ang nakaraan? Bakit ba ganito ako? Na sa tuwing aalalalahanin ko ang nakaraan ay bigla na lamang itong magbabago at makakakilala ako ng ibang tauhan sa kwento nang buhay ko. Ito ba talaga ako? O may roon pang mas gagrabe dito sa aking mundo? May makakatulong kaya sa akin? Parang hindi ko kaya pang maging ganito... Isang babae na ang nakaraan ay puno nang kababalagahan at maraming nangyayaring hindi makatotoohanan sa kanyang mundo.

Ito ako. Isang tao na hindi nawawalan ng mga katanungan kung sino ba talaga ako? O kung ano ako sa mundong aking ginagalawan? Ano ba talaga ang papel ko sa mundong ito? Ang dami ng mga nangyari sa buhay ko pero hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng sagot sa aking sariling mga katanungan. Pero ang mas malala doon ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap ng sagot sa mga ito. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata at hinihiling sa Diyos Ama na sana bukas ng umaga, mag-iba na ang landas na itinakda sa akin ng kung sino man.

=========

late UD

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon