√ Unknown World

2.2K 30 4
                                    

Lumapit sa akin ang isang magandang babae. Ang sabi niya'y, siya daw si Odinna, ang taga-pamahala ng lugar na ito. Tinatanong niya ako kung sino ako. Kung saan ako nanggaling. At kung bakit ganito ang itsura ko. Ang tanging sagot ko lamang ay hindi ko alam.

Umiling-iling siya at saka ngumiti. Sabi niya, simula daw sa araw na iyon, ang magiging pangalan ko ay Meryanha. Na ang ibig sabihin sa kanila ay prinsesa ng kagubatan. Natuwa naman ako, na kahit hindi nila ako kilala, inalagaan pa rin nila ako.

Kahit... kahit ganito ang itsura ko. Binigyan pa rin nila ko ng maisusuot. Kahit na hindi nila alam kung saan ako nanggaling o kung makapagbibigay ba ako sa kanila ng kapahamakan.

Pinatira pa rin nila ako dito. Sa kanilang mundo. Hindi man nila ako kilala. Nandito pa rin sila upang tulungan akong maalala ang aking nakaraan.

Lumipas ang mga araw na kasama ko sila, at kung ako'y tatanungin? Napakasaya ang sa kanila'y maki-salamuha. May mga araw na naglalaro ako kasama ang mga bata dito.

Ngunit nang magising ako, isang araw, sa hindi malamang kadahilanan, ay nakita kong malungkot ang mga tao dito. Tinanong ko sila.

May pagaalinlangan man silang sumagot, sinabi rin nila sa'kin ang tunay na rason ng kanilang kalungkutan. May parating daw dito na haring mula sa ibang mundo para sakupin sila.

Hinawakan ako ng isa sa mga bata. At ang sabi pa niya, "Ate, tulungan mo kami. Huwag mong hayaang sakupin kami ng hari. Hindi namin siya gusto. Siya'y makasarili at ubod ng sama."

Tumingin ako sa kanya at tumango. Hindi ko hahayaang masira ang pangarap ng mga tao dito ng gan'un-gan'un na lamang.

Hindi ko man alam ang dapat na gawin at kung ano ang aking makakaya upang pigilan ang haring iyon, hindi ko hahayaang wala akong maitulong. Hindi iyon maaari.

Pagkalipas ng mga araw, dumating din ang hari ng kabilang mundo. Nakasakay siya sa kanyang kabayo. Napakabata naman niya upang maging isang hari.

Lumapit sa kanya si Odinna, yumuko lahat sila. Maliban sa akin. Pinagpukulan niya ako ng tingin. Matalim ang kanyang tingin.

Bumaba siya sa kanyang kabayo at lumapit sa akin. Kinabahan ako sa kanyang paglapit. Mukha nga siyang inosente ngunit ramdam ko ang kadiliman na bumabalot sa kanyang puso.

"Sino ka?" Sigaw ng hari ng tuluyang makalapit sa'kin. Ang kanyang boses ay puno ng pagsusumamo at galit, galit na hindi alam kung saan nagmula.

Marahil, sa hindi ko pagyuko? Ngunit hindi ko pinagsisisihan ang hindi pagbibigay sa kanya ng galang.

"Kamahalan, 'wag niyo po siyang sasaktan!" nagmamakaawang sigaw ni Odinna. Ngunit hindi siya nito pinakinggan. Bagkus ay sinigawan pa niya ito.

"Tumahimik ka, Odinna!"

Napaka-walang puso ng haring ito. Sino ba siya upang sigawan ng gan'un si Odinna.

Hindi makatarungang idahilan niyang isa siyang hari kaya gagawin na lamang niya ang kung anong naisin niya.

"Sino ka?" paguulit niya sa kanyang tanong patungkol sa'kin. Galit ang aking nakikita sa kanyang mukha. Tinitigan ko siya, walang takot at pangamba.

"Sino ka?" walang kagatol-gatol kong pagbabalik ng tanong.

"Sagutin mo ang tanong ko?!" Napa-kuyom ako ng aking magkabilang kamao dahil sa kawalang-hiyaan ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Kamahalan, hindi po ako bingi para inyong sigawan." Punong-puno ng respeto ngunit may pang-u-uyam kong sagot laban sa kanyang mapusok na salita.

"Hangal!" galit na galit nitong paratang sa'kin kahit siya naman ang mas hangal sa aming dalawa.

"Mahal na hari," nanghihinang sigaw ni Odinna sa kalayuan, "...ipagpatawad niyo po ang kanyang ginawa." pagmamakaawa pa niya. Hindi niya kailangang lumuhod para sa lalaking ito. Hindi siya dapat makatanggap ng respeto mula sa kahit na kanino.

"Patawad?!" sa wakas ay nakayanan kong tumingin sa gawi ni Odinna. Muntik akong mapaluha dahil sa takot na takot at mahina nitong kalagayan.

"Mahal na hari, hindi niya po sinasadyang pagsabihan kayo ng ganoon. Ipagpatawad niyo ang kaniyang kahangalan." Napayuko ako. Isang hangal ang kaya silang ipagtanggol? Masakit man sa damdamin ngunit tama naman ang kaniyang sinabi, isang kahangalan ang magtapang-tapangan.

"Sige, ipagpapalipas ko ang kanyang ginawa sa akin kapalit ng pagsakop sa lugar na ito!" agad akong nanginig sa takot at halos mapaluhod ako dahil unti-unting nawala ang katapangang inipon ko, huwag lang mapa-sakanya ang tirahan ng mga taong tumulong sa'kin.

"Huwag!" nagsusumamo kong sigaw.

"Hindi mo na ba matututunang magbigay galang sa iyong hari?!" napayuko ako. Hinding-hindi ko iyon matutunang ibigay sa'yo.

"At saan mo patitirahin ang mga taong ito, kamahalan?! Pagkatapos mong kunin ang kanilang tahanan?!" gusto kong maluha dahil sa tigas ng loob ng haring ito. Hindi pwedeng mapa-sakanya ang tirahan ng mga tao dito, hindi kailanman.

"Wala akong pakialam! Sasakupin ko ang lugar na ito kahit na anong mangyari!" tuluyan na akong napaluha. Hindi, hindi iyon maaari.

"Huwag! Ako na lang ang kunin mo! Maglilingkod ako bilang iyong alipin sa iyong palasyo! Basta't 'wag mo lang sakupin ang lugar na ito! 'Wag mong pahirapan ang mga tao dito! Lahat gagawin ko... para sa kanila!" tuluy-tuloy na umagos ang luha mula sa mga mata ko. At parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga hagulgol na aking narinig mula sa mga taong tumanggap at minahal ako bilang ako. Kahit sa maikling panahong aming pinagsamahan, natutunan ko silang mahalin.

Nakita ko ang pagngisi ng hari. Ito na nga ba ang aking katapusan? "Lahat?"

"Lahat!" walang-pagaalilangan kong sagot sa kanya. Walang tumutol, dahil walang may lakas ng loob para gawin iyon. Maging si Odinna'y walang nagawa upang ako'y maipagtanggol.

"Sige, kapalit ng lugar na ito. Ikaw ang aking magiging reyna at tayo ang magmumuno ating nasasakupan." walang kagatol-gatol niyang sambit habang may ngiting tagumpay.

Ano? Reyna? Ang sabi ko'y alipin at hindi reyna! Pero... wala na akong magagawa. Nagbitiw ako ng pangako sa mga tao dito na hindi masasakop ang kanilang lugar. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto ng haring ito. Wala na akong magagawa pa. Kaya, sumangayon na lang ako. Bago kami umalis sa lugar na pansamantalang naging tirahan ko, nilapitan ko ang batang naging pinaka-malapit sa'kin sa pamamalagi ko sa kanilang mundo. Lumuha siya at mahigpit na niyakap ako at bago pa man ako bulyawan ng hari, kanya itong sinambit, "Ate mag-ingat ka sa mga kamay ng haring iyan."

Tumango ako. Lumapit din ako kay Odinna at alam kong gusto niyang humingi ng tawad. Nakita ko ang pagluha niya at hindi rin mapigil ang aking pagluha.

Binagtas namin gamit ng malaking barko ng hari ang kaniyang daan patungong kaharian. Tumingin ako sa langit. Bughaw ang kulay nito. Napakaganda.

Bagong mundo ang aking pupuntahan ngayon. Nakakalungkot mang iwan ang aking mga kaibigan, ngunit sa mga nakaraang araw ay nakakilala ako ng isang masayang lugar na matatawag kong tahanan.

**

LLQ Chapter 1, finished! Hope you like this. Abangan ang susunod na kabanata ng buhay ni Meryanha sa kanyang bagong tahanan.

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon