√ Chapter 3: Jethro

1.2K 23 0
                                    

Meryanha

Nagising ako sa liwanag sa bintana na nagmumula sa araw. Napakaganda nito. Pero hindi kasing ganda ng sinag at anyo nito ang pakiramdam ko. Bigla na lang sumakit ang ulo ko, tila may nakikita akong isang lalaking nakangiti sa akin at sinasinabing,

"Bumalik ka na dito sa amin. Kailangan ka namin. Gumising ka na mula sa iyong panaginip. At imulat ang mata sa mga nangyayari sa iyong paligid. Pakatandaan mo ito. Nandito lang kami para sa iyo... palagi. Mahal ka namin at nang iyong nasasakupan, mahal na reyna. At kami lang ang makapagbibigay ng sayang hinahanap mo. Kami lang, wala ng iba."

Tinakpan ko ang aking tenga gamit ang aking dalawang kamay. Hindi ko maintindihan ang kanyang ipinapahiwatig sa kanyang sinabi. Sino ba ang lalaking iyon? Galing ba siya sa aking nakaraan? Anong ibig niyang sabihin sa sinambit nyang, "Gumising ka na mula sa iyong panaginip. At imulat ang mata sa mga nangyayari sa iyong paligid"? Hindi ko alam... wala akong matandaan. Napawi ang lungkot at pangamba sa aking dibdib naman pumasok ang hari sa aking silid. Ngunit hindi naalis ng kanyang pagdating ang mga luhang tumutulo mula aking mga mata.

Haring Aeolus

Nasa labas ako kasama ang aking mga kapatid upang makalanghap ng sariwang hangin nang maramdaman kong may maling nangyayari sa kwarto ni Meryanha, kaya walang anu-ano'y pumasok agad ako sa palasyo at tumungo ako sa kanyang kwarto.

Natagpuan ko siyang umiiyak habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang mga tenga. Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanya namang ikinagulat. Nabitawan kong bigla ang kanyang kamay.

Nagulat ako dahil bigla na lang nagiba nang kulay ang mga mata ni Meryanha at saka ko lamang ito napansin nang tumingin siya ng diretso sa akin. Ang dating kulay itim na mata ay naging kulay pula. Anong nangyayari sa kanya? Maayos lang ba ang kanyang lagay

Bigla siyang yumakap sa akin at doon umiyak nang umiyak, ginawa ko ang lahat upang mapatahan ko siya. Bagaman, alam kong nakatingin si Amihan sa'ming dalawa, ay isinawalang-bahala ko na lamang ito. Nakakapagod din ang palagiang pagbabantay sa'kin ni Amihan na parang ako'y isang bagay na kanya.

Nang tumahan na siya. Doon pa lamang pumasok ang aking mga kapatid na alalang-alala sa kanya. Nilapitan nila si Meryanha kahit na natatakot sila sa nakitang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata.

Inalalayan ko siya palabas ng kanyang silid at ng palasyo upang makalanghap ng sariwang hangin. Nakasunod pa rin sa amin si Amihan. Sanay na ako sa kanya na pasulpot-sulpot kung saan ako naroon.

Pagdating namin sa bayan. Sumalubong sa amin ang mga kabataan. Nakipaglaro ang aking mga kapatid at ipinakilala ko naman sa mga nakakatanda si Meryanha. Noong una ay ayaw siyang tanggapin dahil ganoon ang kanyang itsura ngunit kalauna'y natanggap din naman siya.

Isang araw ay may natanggap akong mensahe galing sa kabilang bayan na sinasakop sila ng Big Karawananeka. Ang pinakamalakas na kaharian sa buong lupain ng ikalawang isla sa gawing kaliwa ng misteryosong isla. Nagmadali kaming nag-impake para tulungan ang aking nakakatandang kapatid na hari sa kabilang bayan. Pinabantay ko ang aking mga kapatid kay Amihan. At isinama ko si Meyanha. Dahil sinabi sa akin ni Odinna na magaling siyang humawak ng espada. Nagmadali kaming umalis at mabilis na nakarating sa kabilang bayan. Sa kasamaang palad, nahuli na kami.

Bumagsak ang buong bayan, walang natira kundi ang mga nasira nila. Agad kaming naging alerto nang makarinig kami ng iyak na isang bata. Lumapit si Meryanha kung saan nagmumula ang iyak ng bata. Sinudan ko siya habang ang aking mga kawal ay inikot ang buong lugar. Pagdating namin sa ingay na iyon ay bumulaga sa amin ang isang sanggol na lalaki na nangangalang Jethro. Ang kanyang pangalan ay nasa kanyang suot na lampin, malapit sa kanyang dibdib, kung kaya agad naming nalaman na Jethro ang pangalan nito.

Tumigil ang sanggol sa pag iyak nang buhatin ito ni Meryanha. Biglang sumagi sa aking isipan ang alaala ng aking dating reyna na hindi ko na alam kung nasaan na ngayon. Bumaling muli ang atensyon ko kay Meryanha. Nakakatawa siyang tignan tuwing ngumingiti siya. Para siyang batang maliit.

Nang matapos na ang pagiikot namin sa buong lugar, nakita namin ang aking kapatid. Nagpasalamat ako't hindi siya nagalusan ngunit labis ang kanyang pagsusumamo dahil hindi man lang niya nagawang iligtas ang kanyang kaharian at ang mga taong kanyang nasasakupan. Umuwi na kaming sawi sa aming bayan.

Pagbalik namin sa palasyo, sumalubong ang ang aking mga kapatid. Handa na daw ang hapag- kainan. Ngunit tuloy-tuloy lamang si Meryanha sa paglalakad papunta sa kanyang kwarto. Sinundan ko siya upang tanungin kung siya ba ay manananghalian. Pagdating ko sa kwarto ay kalong-kalong niya pa rin at mukhang hindi niya maiwan ang sanggol. Ano ba ang halaga ng sanggol sa kanya?

"Kakain ka ba, Meryanha?" tanong ko sa kanya na may halong galit at puot na hindi ko alam kung saan nagmula.

Umiling-iling siya bago magsalita, ni hindi ako pinagpukulan ng tingin, "Hindi, sige na at mauna na kayo."

"Dahil lang ba sa kanya?" tanong ko, hindi ko maiwasan ang hindi magselos kahit pa sanggol lamang ang dala-dala niya. Ano bang nangyayari sa'kin at nagkakaganito ako?

"May naalala lang ako sa batang ito, kaya ganoon. Ang saya ko nga dahil nahanap natin siya, kundi, baka bangkay na ang batang ito kapag nagkataon."

Natawa lamang ako sa sinabi ni Meryanha. Baliw na nga yata ang babaeng ito. Ngunit, napakaganda. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para sa kanya. Maaaring, isa lamang itong paghanga. Imposibleng umiibig na ako sa kanya, hindi ba't napakabilis naman yata. Ang pinagaalala ko lang ay kung ano ang gagawin ni Amihan kapag nalaman niyang hindi isang laruan si Meryanha at may halaga siya sa'kin? Wala naman siyang magagawa dahil hindi ko hahayaan ang kahit na sinong saktan siya. Ngayon pang unti-unti na niyang nabubuksan ang puso ko.

**

Next Chapter, 'Mystery Island'.

Subaybayan niyo po. Bukas siguro ako makakapag-update. No exact time. Comment at vote po dyan, kung nagustuhan niyo ang chapter na ito. Saan, sa tingin niyo, nanggaling ang sanggol na si Jethro? May kinalaman kaya siya sa nakaraan ni Meryanha? Tuluyan na nga bang mahuhulog ang puso ni Haring Aeolus sa dalaga?

The Long Lost Queen II: Return Of SiyentheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon