CHAPTER 16: Valerie's Past part 1

Start from the beginning
                                    

That's all for today, Diary. Until my next unforgettable moments.

-Valerie

Aba aba! Teka, siya kaya 'yong pikon sa amin 'di ba? Lagi nga siyang talo sa asaran namin. Tsaka siya naman 'yong may kasalanan kung bakit kami naligaw. Nakakatawa talaga siya, tanggap niya nang dragon siya. Kaya pala si toothless na 'yong wallpaper niya sa phone.

Nakakatuwa, naging memorable pala para sa kanya ang araw na iyon. Tinago niya pa 'yong dining coupons. Kahit pala naiinis siya sa akin pag sinusugod ko si Shane, mukhang na a-appreciate niya parin 'yon.

Natapos kong basahin ang isa sa mga Diary update ni Valerie. Akalain mong my soft  spot pala ang dragon.

Pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman pagkatapos kong mabasa ito?

Bakit napapa-ngiti ako ng sobra?

Ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam. Bakit parang nakakatuwa na malaman na hindi ako mawala sa isip niya?

Ayaw ko mag isip ng kung ano ano. Pero bakit tingin ko parang may something? Ewan!

Hindi ko dapat ito bigyan ng malalim na kahulugan. Pero masaya din ako na naging kaibigan ko siya.

Natulala ako sa kisame habang nakahiga. Hindi ko na naman makuha ang tulog ko. Naiisip ko mga pang aasar ko kay Valerie at para na akong tanga na tumatawa mag isa. Maya maya pa ay nakatulog na lang ako bigla.

Kinabukasan, maaga pa lang kumakatok na si Valerie sa pinto. Ang lakas ng katok niya kaya nagising ako agad at pinag buksan ko siya ng pinto.

"Good morning! Ang aga mo ah?" Bati ko kay Valerie sabay hikab.

"Akin na phone ko?" utos ni Valerie. Ang aga aga ang sungit ng dragon na 'to. Galit pa rin siguro siya sa nangyari kagabi.

Agad kong isinaoli ang phone niya, "Ito oh, sorry nadala ko kagabi."

Agad niyang kinuha ang phone niya at tinignan kung nabuksan ko ito. Hindi siya nag salita, mukhang hindi naman niya nalaman na nabuksan ko kagabi ang phone niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na nabuksan ko ang phone niya. Kaya lang baka mas lalo siyang magalit.

Nginitian ko siya habang tinitignan niya ang phone niya.

"Bakit ka naka-ngiti? Anong problema mo?" Tanong niya.

"Wala lang. Nag almusal ka na ba? Gusto mong kumain?" Alok ko.

"Hindi na. Aalis na ako," sagot niya at tumalikod siya paalis.

Mukhang galit pa nga siya, kaya minabuti kong subukan makipag ayos sa kanya.

"Valeng, galit ka pa ba? Sorry sa ginawa ko kagabi. I just can't stand his face while you were crying."

Hindi siya umiimik pero hindi din siya umalis sa kinatatayuan niya.

"Patawarin mo na sana ako oh. Sorry... Sorry na please," pakiusap ko pa.

Bigla siyang humarap sa akin nang nakangiti, "Anong sorry? Walang sorry sorry? Ano ka super junior? Libre mo muna ako! Kaen tayo?"

Ano daw? Anong super junior? Weird talaga ng Dragon na 'to. Napangiti naman ako dahil mukhang magkakabati naman kami.

"Sige magbibihis lang ako. Pasok ka muna,"  sambit ko.

Tumuloy si Valerie sa apartment ko at agad siyang nakita ni Pogi, "Pogi!"

"Laro muna kayo diyan ni Pogi ah. Mabilis lang ako." Sambit ko.

Nagmadali akong magbihis sa kwarto para makalabas kami agad. Tapos, "Tapos na ko. Lika na."

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now