Chapter 2

60.9K 1.6K 154
                                    





Breaktime..

Nasa canteen kami. Halos hindi pa din ako makamoved on sa nangyari kanina!

"Okay ka lang?

Napansin ni Jelly na namumutla ako.

"Hindi eh. Kanina palang parang umuurong na tyan ko.

"Ako nga din eh. Last subject natin sa kanya pa din. Halos 3 times a week natin sya prof then kada araw twice natin sya mamemeet. Parang parusa ata ito!" said Yanie habang kumakain.

"Guys. Chill lang tayo. Parang di nyo kilala yan si Sir. Wala kasing asawa o girlfriend kaya ganun laging HB!

"SIRA!

Hinampas ko sa likod si Drake. Mali naman pagpapatawa nya!

"Bakit! Totoo naman! Hindi kaya gay si Sir?

"LOKO!

Hinampas ko ulit sya. Natawa sina Yanie.

"Sira ka talaga! Mamaya may makarinig sayo!

"Diba kayo nagtataka?

"Sa bagay? 28 na si Sir? Tama?

Lumingon sa akin si Jelly.

"Malay nyo naman eh ayaw lang nya kasi istorbo sa kanya?

"Balita ko last year may nagustuhan sya sa mga sophomores diba?

"Huh? Di nga?" curious kong tanong kay Yanie.

"Oo. Eh diba bawal yun ganun. Hindi naman nya totally niligawan. Parang gusto lang nya.

"Ano nangyari?

"Eh assumera yun girl. Nalaman lang na "parang" gusto sya ni Sir Vlad. Ayun, nagyabang ang bruha. Nabalitaan ni Sir. Nangyari sa kanya pinahiya sya ni Sir Vlad sa buong campus na malandi sya blah blah ganun.

"Hala!

"Anong nangyari sa girl?

"Eh lumipat ng school. Ikaw ba naman mapahiya ng ganun magpapakita ka pa? Malamang hindi na!

Napaisip ako.
Oo nga nu!

Naalala ko nanaman yun nangyari sa akin kung paano nya ako pinahiya dati halos maiyak ako nun.

"Grabe si Sir Vlad. Walang patawad!

"Naku! Kaya mag ingat tayo! Gusto ko makagraduate!

"Ako din Yanie.

Napatango nalang ako.
Halos hindi ako makahinga sa kaba kapag nalalapit na yun oras na babalik na kami sa klase at haharapin nanamin sya.

Parang papalapit na din yun oras na bibitayin ako.
Halos magkatrauma ako sa kanya.
Phobia na din ata!

Hapon ang last subject namin.
Tahimik ang klase habang nagdidiscuss sya.
Para kaming mga tuta na mababait.

Ako naman parang hindi humihinga sa kinauupuan ko.
Sa tutuusin mas takot ako sa kanya kaysa kay Papa.

---- 

Lumipas ang 2 hours at thank god. Walang hatol na naganap. Walang napahiya!
Pwede na ako huminga ng malalim.

Nag ayos na kami ng mga gamit namin at ready na umuwi.
Sina Yanie at Jelly excited na kahit ako! Wednesday na ulit next class namin so makakapagrelax kami.

"Mauna na ako!" sigaw ni Drake sa amin pagkakuha ng gamit nya at lumabas na ng room.

"Uwi na tayo!" yaya sa akin nina Yanie.

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now