Hell no! I’m not running away!

Hinanda niya ang sarili niya. Here goes nothing.. isip niya.

Nang sumugod si Shoichi ay iyon na ang hudyat para sumugod na rin si Natura pero tatlong talampakan nalang ang kulang ay para silang nasa DVD na nakapause. Hindi na nila maigalaw ang katawan nila. Siya nasa ere samantalang si Shoichi ay nakalapat ang paa sa sahig at handa nang dumapat ang kamao sa mukha niya.

“Unang araw niyo palang dito at close na kayo. Aba! Maganda iyan. “ sarkastikong wika ng isang pamilyar na boses.

Hindi Makita ni Natura kung sino ang nagsasalita pero base sa boses niya ay nahulaan niya kung sino iyon.

“Pagsabihan mo ang babaeng iyan Fernando!” galit na sigaw ni Shoichi habang nasa kakaibang posesyon siya.

“No, no Shoichi… be a gentleman kay Natura. She likes the room, why don’t you just give it to her? “ suhesyon ni Fernando.

Agad namang nalaman ni Fernando kung bakit na away ang dalawa. Nabasa nito ang nasa isip ni Shoichi.

Kahit kalian talaga tong batang ito isip ni Fernando.

“Let me go Radigos-san!” sa wakas ay nagsalita rin si Natura.

“Oh my! I’m sorry” then after saying those Shoichi fell on the ground while Natura stayed on the air.

Nanatili siya sa ere dahil nag aapoy pa ang sahig at ayaw pa niyang matusta ng buhay.

Lumayo siya ng kunti kay Shoichi.

“haayyy di ko nanaman na panood ang away mo Shoichi.” Isang hindi pamilyar na boses ang narinig ni Natura sa labas ng kwarto kaya napalingon siya dun.

Lumabas si Takeshie sa gilid ng ama niya na pakamot kamot pa ng ulo pero napahinto siya nang Makita niya si Natura.

Hindi na nilingon ni Shoichi kung sino iyon dahil kilala niya ang boses na iyon.

“You’re his opponent? “ di makapaniwala na parang nagtatakang tanong ni Takeshie.

Tick Tock ( on-going Chapter 20 part 3 )Место, где живут истории. Откройте их для себя