chapter 30 [part 1]...

Start from the beginning
                                    

Dahil baa lam niyang idedeny ko kung saka-sakali ?

Pero...

Bakit hindi niya ko ipinaglaban ?

Hindi naman porket nalaman niya na ganun nga ang nangyari.. susuko na lang siya.. bakit hindi niya ko ipinaglaban ? bakit hindi manlang niya sinubukang lumaban ? para naman nalaman niya na wala na yung taong gusto niyang pagparayaan.. na wala na si Ryu..

Naiinis tuloy ako sa kanya kapag naiisip ko yun... pero... mas lalo ko siyang minamahal kapag naiisip kong ginawa niya yun para sumaya ako..

NAKOO ! ANDREI LOUIE TOLEDO ! ginagawa mo kong baliw kakaisip at kakaanalyze ng nararamdaman ko sayo >________<

Basta ako...

Isa lang naman ang alam ko ee...

Mahal ko si Ryu...

 

 

Pero...

 

 

MAS MAHAL KO SI ANDREI...

 

 

*deep sigh*

“mukhang ang lalim ng iniisip mo hah..” tiningnan ko yung tumabi sa akin... si Sharmz...

May dala siyang bote ng beer, tapos, bakas sa mukha niya ang lungkot...

“bakit Sharmz?” tanung ko sa kanya..

Kunot noo niya kong tiningnan.. “anung bakit Euphy?” sabi niya tapos uminom ng beer..

Akala niya ba hindi ko nahahalata sa mga mata niya na malungkot siya? Akala niya ba hindi ko ramdam na wala siya sa mood..? tss, hindi naman ako manhid.. at hindi din siya ganong kahirap basahin..

“alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko..” sabi ko na lang sa kanya..

Tumingin siya ng diretso sa may harapan namin...

Nanahimik siya..

Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa...

Hanggang sa siya na rin mismo ang bumasag ng katahimikan..

“10 months..” panimula niya.. nabaling sa kanya ang attention ko...

“hmmm?” sagot ko sa kanya...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Where stories live. Discover now