Chapter 51: L Tournament Part 2

Start from the beginning
                                    

Paulit-ulit siyang tumira sa makapal na usok habang papalapit. Napatigil siya. "Where the hell are you?!" iritadong tanong niya dahil ni isang sigaw o daing ay wala siyang narinig.

"Bakit mo ako hinahanap? Miss mo na agad ako?"

Nanindig ang mga balahibo at napakunot ang noo ni Altrina nang marinig sa kanang tainga niya ang malamig na boses ni Lieyah. Parang hindi si Lieyah ang narinig niya. Ito ang unang beses na marinig niya ang kakaibang tono ng boses ni Lieyah. Lumingon siya sa paligid ngunit wala siyang nakita kahit anino ni Lieyah.

Pati ang mga nanonood ay nagtataka sa ikinilos ni Altrina dahil para itong tanga na palingon-lingon sa paligid at parang naghahanap ng multo. Walang ideya ang mga manonood sa nangyayari at sa narinig ni Altrina.

"Bitch.." Altrina whispered. "Magpakita ka! Coward!" gigil na sigaw nito. Ngunit nagtataka siya kung paano nagagawa ni Lieyah ito.

"Sabi mo, eh!"

Humarap si Altrina sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa nangyari.

Nanginginig siyang napatingin sa nakasaksak na tinik sa tiyan niya. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Lieyah.

"Thank you for being my friend. I appreciated it a lot," nakangiting sambit ni Lieyah. "Pero hindi ko hahayaan na manalo ka."

Unti-unti nang naglaho si Altrina. Kita sa mukha niya ang pagkasuklam.

"Woah! What a great strategy! Congratulation Miss Lieyah Farley for winning the first round of duel!"

Nagpalakpakan at hiyawan ang mga estudyante. Naglaho na rin si Lieyah.

"Oh, nasaan na sila?" takang tanong ni Dara sa mga kaibigan niya. "At saka totoo bang nasaksak si Altrina?! Oh my gosh! Edi nasa hospital siya ngayon?!

"Hindi ba sabi ni Zyrelle kanina, totoo ang laban. Mararamdaman mo ang sakit ng mga natamo mo sa tournament. Pero kapag nakalabas ka na sa stage ay mawawala na lahat ng iyon pati na ang mga sugat na natamo mo na parang walang nangyari," sagot ni Val sa kaniya.

"Hindi ka kasi nakikinig," walang emosyong sambit ni Winzé. Napanguso na lang si Dara at natahimik.


Walang imik naman si Sendy dahil parang may kakaiba sa nararamdaman niya. Hindi niya masabi kung ano ito..

"Alright! Let's move forward to the next round!" nakangiting sambit ng emcee.

Tumingala ulit sila sa screen para tingnan kung sino ang susunod na sasabak sa laban. Nanlaki ang mga mata ni Sendy at maging ang mga kaibigan nito.

"Let's have Zyrelle Lockhart, Creation versus Jeffer Tyler, Illusion!"

Napangiti naman si Airyn habang nakatingin kay Zyrelle na naglalakad na ngayon papuntang stage. Kita naman sa mukha ni Zyrelle ang kaba.

Nang makatungtong na sa stage si Zyrelle ay napatingin siya sa gawi nina Sendy. Nagthumbs up naman ang apat sa kaniya na siyang nakapagpagaan ng loob niya kaya napangiti ito ng konti. Napatingin din siya kay Airyn.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now