chapter 10

1.4K 57 22
                                    







Don't forget to hit the star if you like the flows of my story :)

Thank you readers .





*****

Nanigas ang leeg nya at hindi sya makaharap sa taong nasa likuran nya.

Bumilis ang tibok ng puso nya sa sobrang takot. Hindi sya maaaring makilala nito.

"May bago ho tayong maid manang lydia?" walang gana nitong tanong. But she had this bad feeling that Cedric was scrutinizing her from head to toe.

"Merry si seniorito Cedric. Sya ang amo naten dito. " pagpapakilala ni nanay lydia sa amo nila. Huminga muna sya ng malalim bago humarap sa binata.

Pinilit nyang magpakahinahon.

Hindi dapat nito mahalata ang pagpapanggap nya. Sa dinami dami naman kase ng pwede nyang pagtrabahuhan ,bakit ba sa pugad pa ng kalaban sya napadpad?


"Magandang umaga ho senyorito. " iniba nya ang boses. Labas sa ilong. Sana lang hindi nahalata nito. Ngunit titig na titig ito sa mukha nya, nakakunot ang noo nito,kaya nginitian nya ang binata upang masilayan nito ang usngal nyang mga ngipin.


Nanlalambot na talaga ang mga tuhod nya.

Ang gwapo nito sa malapitan lalo na kapag maliwanag. Nahulog ata ang puso nya. Gosh ! Adrianna please maghunos dili ka ! Hawakan mong mabeauty yang puso mo dahil baka mahulog ka ng walang sumasambot sayo!


"B-bakit ho?" patay malisya nyang tanong. Kunwa'y nagkakamot sya ng ulo.

"Nothing... " sagot nito. Namulsa ito at binalingan ang matanda sa tabi nya. "Manang pakilinis ng silid ko. Nasa study room lang ako kung may kailangan kayo . And please kung may tumawag o maghanap saken , sabihin nyo wala ako dito. " utos nito. Saglit syang sinulyapan muli nito . Hindi nya ito pinansin, kunyari busy sya sa pagtingin tingin sa paligid. Nakita pa nya sa gilid ng mga mata nya ang marahas nitong pagbuntong hininga. Nakilala kaya sya ? Pero imposible naman .


Tsaka lang sya nakahinga ng maluwag ng mawala ito sa paningin nya. Nanlambot sya at napaupo sa sahig. Napamaang ang matanda.


"Ay naku ineng ! Masama ba ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ni  nanay lydia.


"Hindi ho. Na starstruck lang ho ako kay senyorito ." biro nya dito.


"Ikaw talagang bata ka! Akala ko kung napaano ka na. Hala tumayo ka na nga dyan. Simula ngayon ikaw na ang nakatoka para maglinis ng mga kwarto , swimming pool at ang beranda sa itaas. " inisa isa nito ang mga gagawin nya. Nagusot ang mukha nya sa dami ng nakatoka sa kanya. Kakayanin nya kaya?


Naging instant muchacha sya ni Cedric.


Pero wala syang magagawa .

Pinili nya ang buhay poorita , kaya magtiis sya !

Grabeh talaga ang buhay nya. Parang isang telenovela. Pwede na sa maalaala mo kaya.

Napangibit sya ng ituro ng matanda ang gagawin nya sa mga kwarto araw araw , at priority daw nya ang silid ng seniorito. 

Naawa sya sa sarili.

Kahit kelan sa buhay nya hindi nya pa naranasang magtrabaho at kasalanan ito ni Nicholas. Ang kakambal nya ang dapat sisihin sa buhay na kinahinatnan nya. Ginulo nya ang buhok sa sobrang inis.

Inumpisahan nyang maglampaso ng simento. Hindi nya alam kung paano hahawakan ang basahan na nasa timba. Ang dumi na kase ng tubig at madirihin pa naman sya . Ngunit kakayanin nya at lulunukin nya ang pride nya dahil sya si Adrianna . Hindi sya iiyak para lang sa kaawa awang sinapit ng buhay nya. Balang araw babalik sya sa mansyon at ipapakita nya sa kanila na nabuhay sya ng walang tumutulong sa kanya!

Lumipat sya sa kabilang kwarto. Ang silid ni Cedric . Hindi lang ata nanlaki ang mata nya kundi lumuwa pa sa nakita. Andaming poster ng babae sa paligid. Nakadikit sa ceiling ,sa dinding at sa pinto. Poster ng isang sexy model na si Katrina Nan.  Obsession ba o stalker si Cedric? Puro mga sexy post to ah? 

Pinasingkit nya ang mga mata at tinitigang mabuti si katrina.

"Di hamak naman na mas maganda ako sayo ." nag post din sya ng kagaya nito. "Mas may dating, mas hot at mas -----"


"Mas ano ?"


"Ay kalabaw !"  nagulat sya ng biglang may magsalita sa likod nya .  Agad syang humarap sa likod nya. Hindi man lang nya namalayang nasa likod na pala nya ang binata.  Kunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya . Ayun na naman ang mga titig nitong tagos hanggang kaluluwa at nanunuot hanggang sa kaibuturan ng pagkatao nya.  Ito na talaga ang pinaka gwapong nilalang na nakilala nya sa buong buhay nya.

"S-sir nagbibiro lang ho ako. " tumawa sya ng bahagya. "Sabi ko nga maglilinis na ako e.. " pag iwas nya dito. Lumuhod sya sa sahig upang umpisahan na ang paglalampaso. Pero napakunot ag noo nya ng sumandal pa ito sa pinto. "Sir..."   untag nya dito. Hindi pa rin kase ito kumikilos at nakatitig lang sa kanya. " May kailangan ho kayo?"


Nagkibit balikat lang ito at lumabas na ng pinto.

Sa totoo lang nanginginig na sya sa takot. Para kaseng nakakahalata na ito sa kalokohan nya ,ilang beses na nya itong nahuhuling nakatunganga lang sa kanya . May ESP ata ang isang yun, parang aso anlakas ng pang amoy at kailangan nyang mag ingat dahil dun.


Tatlong oras ang ginugol nya sa paglilinis ng silid ng binata . Feeling nya magkakasakit sya kinabukasan. Sumasakit na agad ang katawan nya unang araw pa lang ng trabaho nya. Tsk!


Buong maghapon syang nagpakabusy para hindi magsalubong ang landas nila ng binata ,kaya eto ang inabot nya plakda sa higaan . Hindi na halos makabagon.

"First time mo bang magwork merry?" tanong nito sa kanya . Nasa silid na sila at nagpapahinga

"Hindi ah.. " tanggi nya. "Pang apat ko ng work to . " .naku ang sinungaling mo talaga adrianna ! Sige push mo yan . Natampal nya tuloy ang sariling noo.

"Bakit ganun ? Parang hindi ka sanay sa bahay ? Patingin nga ng palad mo?" hindi na nito inantay na maka Oo sya . Kinuha agad nito ang palad nya at masusing pinag aralan.

"Ba-bakit ?"

"Ang lambot ng palad mo. " komento pa nito. Lumapit pa ito ng konte. " Bakit parang nag iiba ng pwesto yang nunal mo sa pisngi?"  usisa nito.


Naku napakausyusera naman nito. Pati nunal nya napansin pa. 

Tumagilid sya ng higa .

"Antok na antok na ako jecka. Pasensya na , bukas na lang uli tayo magkwentuhan. " saad nya sa dalagita. Masyadong matalas ang mga mata nito at baka maubusan sya ng pagsangga sa mga tanong nito.


"Goodnight merry .."

Hind na nya magawang sumagot , hinihila na sya ng antok . Pagod na pagod ang katawan nya.  Gusto na nyang ipahinga ang sarili . Nag andap andap pa ang mga mata nya bago sya tuluyang hinila ng kadiliman.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Muchacha HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon