chapter 8

577 20 0
                                    





Everyone will eventually make two mistakes in love ,
They'll fall for someone they'll never have,
And they'll ignore the right person right in front of their face.

***

Please bare with my wrong typos and grammar. All chapters are unedited.

Thank you & godbless.


-------



She open her eyes and stare the ceiling for almost half an hour.

She felt empty ,so numb . She can't explain her feelings when she wokes up.

There something on her that she wanna find out , explore and free herself.  She's been good all those years.

Suddenly something inside her wants to go ballistic.  Maybe she's just tired of being nice to everybody. For pleasing them , specially her parents.

Bumangon sya sa kama. Her head ache. It was because of the alcohol last night. Hindi na nya alam ang nangyayari kagabi. Ang natatandaan nya lang her mom was so mad at her. She even saw Nicholas beside them. Tinotoo nito ang banta na magsusumbong ito sa magulang nila. But she doesn't care . Hindi nya pinansin ang galit ng mommy nya. Dire diretso lamang sya sa silid nya and lock herself at her room. Narinig pa nya ang pagkatok nito ng maraming beses sa pinto. But she's too numb to open up, and her mother was being dramatic.

Inayos nya ang sarili upang lumabas ng silid nya. She knows hindi pa tapos ang war nila ng nanay nya , and she's now ready to stand in front of her mother. Nagmana sya sa ina nya . Pareho silang matigas ang ulo.


She saw her mother , pabalik balik sa sala habang nakasunod lang ng tingin ang daddy nya dito. Her mother's eyes a little swollen. Did she just cried?

Nagtama ang mata nila. Tumigil ito at hinarap sya . Nakaalalay ang daddy nya dito.


"Kelan ka pa naging suwail na anak adrianna !" she screamed.  Sandali lang syang nagpakasaya pero para syang kriminal kung husgahan ng sarili nyang ina.

She gritted her teeth.

Pinigil nya ang sariling lapastanganin ito.

Pero hindi nya inaasahan ang isang malakas na sampal na dumapo sa pisngi nya. Pumaling ang mukha nya at parang namanhid ang kaliwang pisngi nya sa sobrang sakit. Ito ang unang beses na sinaktan sya ng mommy nya, at hindi sya makapaniwala.


"Paano kung napahamak ka sa lugar na yun adrianna?  What if hindi ka nakita ni Nicholas na nakikipagsayaw sa lalake na halos manyakin kana sa sobrang kalasingan mo! My god adrianna ! Pinalaki kitang tama at hindi ako nagkulang sayo!"


"Yes mom! Hindi ka nagkulang !" nag ulap ang mga mata nya. "But i'm so tired of being good ang nice para lang maging maganda sa paningin nyo ! While Nicholas has no effort to get your attention because his always good for you mom! How can you be so unfair of your love with my twins?" puno ng hinanakit na tugon nya. "It's always him over me mom !"



Nabigla ito sa sinabi nya.

"Stop it adrianna. Hindi totoo yan!" sita ng daddy nya. "Huwag mong sagutin ng ganyan ang mommy mo dahil nag alala lang kame sayo!" dad hissed.

Napangiti sya ng tabingi.

"Dad nasasakal na ako ! " napaiyak na sya. "Am i not supposed to be happy here ? Isang beses lang ako nagkamali pero kung magsalita kayo parang araw araw akong gumagawa ng kasalanan sa inyo !" galit na sigaw nya.


"Your grounded adrianna at hindi ka lalabas ng bahay simula ngayon ! Kelan ka pa natutong sumagot ? Yan ba ang natututunan mo sa pakikipagkaibigan mo sa Cassiedy na yun ha ?" dumagundong ang boses ng kanyang ama sa buong sala nila. Umiling sya ng maraming beses.



Nahabag sya sa kanyang sarili .Dahil pinagtutulungan sya ng magulang nya . She can see his twin brother sa sulok ng mga mata nya. She hated Nicholas ,at hindi nya ito mapapatawad sa ginawa nitong pagsusumbong sa kanya. Ng sulyapan nya ito ay nag iwas ang mga mata nito sa kanya.



"Walang kasalanan dito si Cassiedy dad ! It was me from the start. Kaya sa akin nyo na lang isisi ang lahat ,tutal naman i don't have a life at this house ! You always decide for myself ! Both of you never ask me what makes me happy.  Because your happiness was  controlling my whole life a living hell. " asik nya.



"Adrianna !" sita ng mommy nya.


Nagpahid sya ng luha at patakbong umakyat ng hagdan. Tinabig nya rin ang kakambal nya na nakatayo sa paanan ng hagdan . Galit sya dito at galit din sya sa mga magulang nya.

Wala man lang pakielam ang mga ito sa nararamdaman nya.


Naglock sya ng silid at padapang nag iiyak sa kama. Narinig nya ang mahinang pagkatok sa pinto ngunit hindi nya pinansin ito.


"Adrianna...." it was her twin brother nicholas.



"Go away !" paos nyang sigaw.  Ayaw nyang makausap ang kahit sino sa pamilya nya. Hindi na nya gustong makipagtalo pa. Hinayaan nya lang ang sarili nya na ilabas ang lahat ng sama ng loob nya . Hindi sya tumigil hangga't hindi nauubos ang mga luha nya. She wanna feel better after this. 




Nagkulong sya buong maghapon sa silid. Hindi nya pinansin ang bawat pagkatok ng mga kasambahay o ng mommy nya. Hindi rin sya nag-agahan o tanghalian man lang. Gusto nyang parusahan ang sarili.



Hindi rin sya sumabay sa hapunan. Hindi rin sya sumilip sa labas. Masamang masama ang loob nya . Hindi nya kayang bumaba at harapin muli ang mga ito.




May nabuo na rin syang plano sa isip.



Bumangon sya at naglabas ng maliit na bag mula sa cabinet nya. Pinaglalagay nya ang mga mahahalagang gamit nya at konting pera na naipon nya. Iniwan  nya lahat ng Atm at credit card nya.


Wala syang ibang dadalhin kundi sarili nya.  Makikipagsapalaran sya ng mag isa at hindi sya aasa sa mga magulang nya.




Magalit na ang mga ito sa kanya pero hindi na nya kaya pang manirahan sa bahay nila kasama ng pamilya nya.



Inantay nyang sumapit ang 2 am ng madaling araw at dahan dahang lumabas ng silid nya. Tulog na ang lahat ng tao sa bahay nila kaya nagmadali syang makalabas upang hindi sya mapansin nino man. Dumaan sya sa likod bahay at patakbong lumabas ng hindi lumilingon muli sa tahanan nila.



Natatakot syang baka magbago ang isip nya at bumalik sa bahay nila.


Dala ang backpack nya ay sumakay sya ng taxi at lumayo sa lugar nila.

The Muchacha HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon