chapter 9

610 25 2
                                    





There are moments in your life that makes you and set the course of who you're going to be, Sometime's they're little subtle moments.
Sometime's,they're big moments you never saw coming.
No one ask they're life to change ,but it does . Its what you do afterwards that counts,thats when you find out who you are.

*****


"Magandang gabi po ." bati nya sa matandang  nasa harapan nya. "Ako nga po pala si Merry yung pinadala ng agency para maging bagong kasambahay. " magalang nyang paliwanag dito.


Ngumiti ito sa kanya. Kitang kita sa mukha nito ang kabaitan. Masayahin ang mukha nito kaya hindi sya nailang.


"Aba ineng bakit ginabi ka naman ata? Akonga pala si Nanay lydia ang mayordoma dito. Mabuti na lang natunton mo ang lugar na ito.  Masyadong malayo ito mula sa guardhouse ng subdibisyon ah. Naglakad ka lang ba?"


Nahihiya syang tumango dito. Medyo sumakit talaga ang mga paa nya sa ginawa nyang paglalakad. Hindi nya naman akalaing nasa phase 3 pala ang bahay na pagtatrabahuan nya . grabeh ! Anlayo naman.


"Ikaw ba'y kumaen na ineng ? Halika pasok ka. " umikot sila sa backdoor . Napangiwi sya sa paligid. napakalaki pala ng bahay na ito. Mukhang mapapalaban sya. Hindi pa naman sya sanay sa buhay muchacha.


"Naku wag na ho kayong mag alala. Busog pa ho ako. Kumaen naman po ako bago umalis ng bahay. " pagsisinungaling nya. San ba ang bahay nya ? E wala naman syang bahay.


Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng maglayas sya. Kinailangan na nyang magtrabaho dahil nauubos na ang ipon nyang pera dahil hindi nya magawang mag stay sa isang cheap na hotel. 



Pinutulan nya rin ang buhok nya. Ipina straight cut nya hanggang leeg upang hindi sya mapansin o makilala ng kahit sino. Kinapalan nya ang mga kilay nya gamit ang itim na eyebrow liner. Naglagay din sya ng pekeng nunal sa kaliwang pisngi at nagsuot sya ng pekeng ngipin para magmukha syang probinsyana.



Sino nga bang makapagsasabi na isa syang prinsesa sa bahay nila ? Anlayo ng itsura nya kay Adrianna Imperial. Sya na kase ngayon si Merry Gumapac , isang probinsyana.  Isang babaeng naghahanap ng trabaho sa katauhan nito.



Nagpagawa sya ng pekeng birth certificate at I.D.  Pinaghandaan nyang mabuti ng ilang beses to. Kahit nagkukukot ang kalooban nya sa magulang nya pinilit pa rin nya ang sarili. Tiniis nyang huwag bumalik sa mga ito. Gusto nyang maging malaya at maranasan ang buhay na hindi nya pa naranasan sa tanang buhay nya.



Hinatid sya ng matanda sa maid quarters room. Maliit lamang ito  . Isang double deck at isang maliit na banyo. May nakahigang dalagita sa ibaba . Tulog na tulog na ito at gusto na rin nyang makapagpahinga.



"Magpahinga ka na ineng. Bukas ng alas singko maagang gumigising ng umaga ang mga katulong. Ioorient kita sa mga trabaho dito bago sumapit ang bukang liwayway. " tumango sya sa matandang mayordoma at nagpasalamat. Naupo sya sa isang maliit na silya. Iniunat nya ang mga binti .



The Muchacha HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon