Napatitig sya sa maliit na salamin. Ibang iba na ang itsura nya. Wala na ang bakas ng kagandahan sa kanyang mukha. Biglang sumagi sa isip nya ang kanyang mga magulang. Naiisip din kaya nila sya ?  Hinahanap man lang ba sya? Ang mommy nya nag aalala kaya ito sa kanya . She shook her head para iwaksi ang mga ito sa isip.



Nagpalit sya ng pantulog at nahiga na rin sa itaas  ng double deck. Hindi sya sanay sa masikip na lugar ngunit kakayanin nya para patunayan sa magulang nya na kaya nyang tumayo sa sarili nyang mga paa.



4 days na ang  nakalilipas simula ng naglayas sya , at wala pa syang balita sa bahay  nila.



Itinabi nya sa isip ang mga agam agam nya at ipinikit ang mga mata. Kailangan nyang mag ipon ng maraming lakas para bukas.


----


Nagising sya sa mahinang pagyugyog sa kanya.


She always lock her door kapag nasa silid sya dahil ayaw nyang maistorbo ng kahit sino. Sino ba ang lapastangan na gumigising sa kanya. "Ano ba , ang aga aga pa e ." reklamo nya.


Nagmulat sya ng mata at nabungaran ang mukha ng isang dalagita. Napakamot sya sa ulo. Oo nga pala wala sya sa bahay nila.



"Gising na ..Pinapagising ka ni nanay lydia. " sabi nito. " salamat naman at may makakasama na ako dito. Hindi na ko malulungkot mag isa. "Ngumiti ito sa kanya. "Ako nga pala si jecka ."  magiliw nitong pagpapakilala.


Matamis syang ngumiti dito kaya lumabas ang pekeng usngal nyang mga ngipin sa unahan. "Ako nga pala si Merry."



"Alam mo merry maganda ka sana at mukhang kutis mayaman." pambibitin nito, napalunok sya at pinagpawisan kahit malamig naman ngayon dahil magpapasko na. Napansin kaya nito? Tinitigan pa syang mabuti . Napaurong ang mukha nya dahil inilapit pa lalo ang mukha nito sa kanya. "Kaso ... Ang kapal ng kilay mo at ang panget ng ngipin mo ". Dagdag pa nito.


Aba ! Mahadera. Nilait pa talaga sya?

Ngunit nakahinga sya ng maluwag. Bumaba sya sa higaan . " Sandali lang magbibihis lang ako."



May inabot itong plastic bag. "Uniform mo merry.."



Ngayon nya lang napansin. Naka maids uniform pala ito ng kulay itim.

Nalukot ang mukha nya. Bakit ba nauso ang ganitong klaseng uniform? Sa susunod hindi  na nya hahayaang magsuot ng ganito ang mga katulong nila.


Napilitan syang abutin ito at pumasok sa loob ng banyo dala ang maliit nyang bag. Nagmadali syang naligo at nagsuot ng uniform. Humarap agad sya sa salamin at inumpisahan ng kapalan ang kilay nya. Nabura na kase ito ng dahil sa paliligo nya. Nilagay nya ang pekeng nunal at usngal nyang ngipin. Kailangan nya itong gawin araw araw para walang makapansin sa peke nyang mukha.



Inayos nya ang gamit at inihagis sa ibabaw ng kama nya. Sabay silang lumabas ni Jecka papunta sa kusina.



"Manang lydia. " tawag ni jecka sa matanda.

Nagluluto ito ng almusal.

Pinaupo sila sa maliit na lamesa.


"Mag almusal na kayong dalawa at maya maya lang gising na rin ang seniorito nyo. Maagang nagigising yun tuwing ganitong umaga. Kaya dapat maagang nakahanda ang almusal nito sa dining area. "


Sinulyapan nya ang mga pagkaen.


Pritong daing at itlog at sinangag. Gusto nya sanang huminge ng bacon at hotdog . But she's probably in trouble if she do that. Dapat na nyang kalimutan ang pagiging prinsesa nya dahil iyon naman talaga ang tama. Nagsandok sya ng kaunting sinangag at itlog. Kitang kita nya sa bintana ang madilim na paligid.  Tulog pa dapat sya ng ganitong oras sa bahay nila kung hindi sya naglakas loob na maglayas.


"Taga saan ka nga pala merry?" nakapangalumbaba nitong tanong .



"Sa green----- i mean sa m-mindoro." muntik na syang madulas. Gusto nyang batukan ang sarili. Mabubuko sya ng wala sa oras.

Tumango tango naman ito.

"Nakakasilaw ang kaputian mo merry . Nakakaingget ka. Samantalang ako tadtad na ng gluthathione ang katawan ko pero hindi pa rin tumatalab sa balat ko hanggang ngayon." 


Naaliw sya sa pagiging madaldal ni jecka.


"Ang sabihin mo jecka wala ka na talagang pag-asa. Tanggapin mo ng negra ka talaga." sabat ni nanay lydia.


Napangiti sya sa tinuran nito. Umismid ang dalagita sa sinabi nito.


"Ang sakit mo namang magsalita Nanay. May pag asa pa ako, at pag pumuti ako who you ka sa akin. " biro pa nito.


Pinandilatan ng mata si jecka ni nanay lydia. NakAkatuwang ang mga katulad ng mga ito ay nagagawa pang maging masaya sa kabila ng hirap ng trabaho sa bahay ng mayayaman.


Humanga sya sa mga furnitures at disenyo ng bahay.  Napakalaking bahay at silang tatlo ang ang katulong .


Inikot sya ng matanda sa buong kabahayan. Lima ang bedroom pero dalawa lang daw ang okupado.

May malaking swimming pool rin sa likod bahay.



"Si senyor Pausto bihirang umuwi dito sa bahay. " paliwanag nito. " Halos si Cedric lang ang tanging naninirahan dito."


Nanlaki ang mga mata nya.

Cedric? Tama ba ang dinig nya?


"Manang...." tawag ng lalake sa likod nya. Nanginig ang buong kalamnan nya.

Napapikit sya ng mariin . Hindi sya maaaring magkamali sa malamig na boses na yun.


Iisa lang naman ang kilala nyang Cedric. She's so stupid !

Bakit ba hindi nya binasa ang kontrata,

bago sya pumirma sa agency na pagtatrabahuhan nya?

The Muchacha HeiressWhere stories live. Discover now