CHAPTER 73 - Hajime no Owari

Start from the beginning
                                    

Matapos naming kumain ay inaya ako ni kuya Lyndon sa study room niya. Takte, kinakabahan ako sa maari kong matuklasan. Nakaupo kaming magkaharap sa isang mahabang mesa at kasalukuyang nag papakiramdaman kung sino ang unang magsalita ng sa wakas ay binasag na niya ang katahimikan.

"Hindi ka ba nagtataka bakit hindi natin ginagamit ang apelyido ni dad?" Pambasag niya sa katahimikan. Di naman ako naka imik agad. Matagal ko na ding naitanong yan sa sarili ko at tuwing tinatanong ko si mom tungkol doon, isa lang ang sinasagot niya. 'Para sa kaligtasan niyo.' Malabo ang sagot na iyon pero hindi ako yung tipo ng tao na mangungulit pa para lang malaman ang gusto kong kasagutan. Kung ayaw nilang sabihin, wala na akong magagawa.

"Mukhang wala ka namang interest sa usaping iyon. Hayaan mo nalang akong mg kwento sa iyo." Nakangising sambit muli ni kuya matapos kong hindi sumagot sa paunang tanong niya.

"Mom was one of the grandchild of a very wealthy and influencial person. We both know that she was a free spirited type of person. She loves to do things on her own way that's why when she fell in love, she run away with him. Wala siyang pakialam sa maiiwan niyang pamilya. Sumama siya sa sikat na magnanakaw, nagpakalayo layo at bumuo ng sarili nilang pamilya. De Veyra wasn't even our mom's surname. That was just one of the aliases of the famous thief she falls in love with. Napadpad sila sa Pilipinas at makalipas ang ilang taon ay nabuo tayo. Tayong mga anak nila. Dahil sa takot na matunton sila ng pamilya na iniwan ni mom, minabuti nilang maghiwalay ng landas. For years everything went smoothly. They thought hindi na sila guguluhin pa ng pamilya na iniwan ni mom pero nag kamali sila." Sandaling huminto si Kuya sa pag kukwento. Hindi ko din alam kung papaano ipoproseso ang nalaman ko tungkol sa nakaraan ni mom. Napabaling lang muli ang tingin ko kay kuya ng ipagpatuloy niya ang kwento.

"Four years ago, when I turned twenty one, mom's family showed up. Matagal na pala silang nakamasid sa pamilya natin. They are just waiting for me to became adult. Mom knew it all along. Hinayaan lang ni mom na kuhain ako ng pamilya niya at ilayo sa inyo. Hinayaan ni mom na kunin ako ni lolo kapalit ng hindi na paggambala nila lolo sa natitirang pamilya niya." Puno ng hinanakit na sabi ni kuya Lyndon. Nakaramdam ako ng guilt sa analaman ko. Kaya ba, bigla siyang nawala noon? Pero sabi ni mom, desisyon daw ni kuya na humiwalay sa amin at maging independent.

"I was forced to train. To became the strongest killing machine of the family. Noong una, hindi ko gusto ang maging tagapag mana ng angkan ng Riejj pero wala naman akong magagawa dahil ako ang panganay na apong lalaki ni lolo. Isa pa, naisip ko din na mas mapoprotektahan ko kayo ni Lacey kung nandito ako sa posisyon kong ito. Wag mo sana akong itakwil bilang kapatid mo Lance. Kung alam mo lang, kayo ni Lacey ang naging lakas ko ng mga panahong halos ikamatay ko na yung mga pagsasanay na pinapagawa nila sa akin. Gusto ng sumuko ng katawan ko pero ayaw ng utak ko dahil alam ko na pag ginawa ko iyon, ikaw naman ang pipilitin nilang pumalit sa pwesto ko." Puno ng pag susumamong lahad sa akin ni Kuya. Naiinis ako sa sarili ko. Sa loob ng apat na taon, inisip kong wala ng pakialam sa amin si kuya dahil iyon ang pinaniwala sa amin ni mom at dad pero kabaligtaran pala noon ang totoong nangyari. Napayuko nalang ako.

"Kuya Lyndon, patawarin mo ako. Sa loob ng apat na taon, nagtanim akao ng sama ng loob sayo. Akala ko kasi, wala ka ng pakialam sa amin pero mali pala ako. Patawarin mo ako kuya." Maluha luhang hingi ko ng patawad kay kuya. Nagulat ako ng bigla niyang tapikin ang balikat ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya at sinalubong naman niya iyon ng isang seryosong tingin.

"Isa lang ang hiling ko Lance, samahan mo akong pabagsakin ang kalaban ng angkan natin." Seryosong sabi niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

KIYOMIKO's

 

Dalawang lingo narin ang nakalipas mula ng simulan ko ang misyon na ito. Isa itong sikretong misyon na direktang iniataw sa akin ni Master Kiguri. Nais niyang tapusin ko ang lahat ng pangalang nakalagay sa listahang nakuha ni Seal mula sa Yaban Jin Clan.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now