Chapter 49: Luminae Battle

Start from the beginning
                                    

Parang kumabog 'yong puso ko sa narinig ko. Kita ko sa mga mata niya 'yong lungkot, saya at pangamba. Totoo ba ang narinig ko?!

"I'm pushing you away because I don't wanna hurt you! I don't wanna see you hurt because of me! And I don't wanna see you cry because of me..."

Parang nanlalambot ang mga tuhod ko sa mga sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak din dahil sa mga sinasabi niya! Bakit ganito siya?! Ano bang nangyayari sa kaniya?! Hindi naman siya ganito, ah?!

Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap na galing sa kaniya.

"Bakit mo sinasabi ang mga 'yan?" tanong ko. Nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya.

"Bumalik ang alaala ko magsimula nang iligtas kita sa bangin. I heard your voice asking for my help. Nang makita na kita sa bangin ay wala kang malay. It was raining that time. Ngunit bigla na lang may umaligid ng mga itim na kaluluwa kaya kinailangan kong kalabanin sila. Marami sila kaya nahirapan ako. But someone helped me."

Napatingin ako sa kaniya. Tumingin siya sa mga mata ko.

"It was a Dragon who helped me to fight those assholes. At first I was shocked because that Dragon is so familiar to me and I remembered Serria's tattoo. Natamaan ako ng Dragon Bellator nang hindi sinasadya kaya tumilapon ako at tumama ang ulo ko sa puno. Doon ako nagkaroon ng alaala."

Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay wala pa siyang naaalala. Eh, ano 'yong mga sinabi niya kanina?!

"Alam mo bang ikaw ang una kong naalala?" he said and smiled mischievously.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi. Oo na! Kinikilig ako pwede ba!

"Ano'ng naalala mo sa akin?"

"Iyong tumutulo laway mo habang tulog— Aw!" Hinampas ko ang braso niya. Kabanas naman ang lalaking 'to! Panira!

"Just kidding! Naalala ko 'yong naglalaban tayo ng espada noong mga bata pa tayo sa lupain niyo malapit sa Luminus Nieves Kingdom."

Kumunot ang noo ko. "Talaga?! Iyon din ang una kong naalala!" hindi makapaniwalang sambit ko.

Sumeryoso naman ang mukha niya. He sighed heavily. Tumingin siya sa mga mata ko.

"Bakit ba hindi mo na lang ako hinayaan na talikuran ka?" Napapikit siya at niyakap ako ulit. "Binigyan mo ako ng rason para hindi ka na layuan..."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Basta ang alam ko ay patuloy sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa saya.

"Welcome back, Serria... My Princess."

"Hoy! Tulala ka diyan? Ano? Kwento ka!" singhal ni Dara sa mukha ko. Kahit kailan ang epal talaga niya!

"Maayos naman," maikling sagot ko. As much as possible, ayaw kong may mabanggit na kahit ano tungkol sa kung sino ako. Natatakot ako.. at hindi pa handa..

"Nagpapatawa ka ba, Sendy?" sarkastikong tanong ni Val.

"Huwag niyo siyang kulitin. Kung gusto niyang magkwento, magkukwento siya." Ngumiti naman ako kay Winzé. Buti na lang.

"SA WAKAS AY DUMATING NA ANG MGA HARI, REYNA, PRINSIPE AT PRINSESA NG IBA'T-IBANG KINGDOM. TUMAYO KAYO AT MAGBIGAY GALANG SA KANILA!"

Kumabog ang puso ko nang marinig kong nagsalita ang lalaking Emcee. Tumayo kaming lahat at mula sa itaas na veranda ay kita ang mga royal chair na para sa mga Queens, Kings, Princesses and Princes.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now