"Mas pipiliin mo parin ba yang lalaking yan kaysa sa amin ni Alyanna?"

My mom pauses. And she ends the call and leave me hanging.

Itinapon ko sa kung saan ang unan sa inis.


MORNING. I went to the flower shop as usual. Isang ordinaryong umaga para sa ordinaryong katulad ko. Mga bandang alas dyes na pero marami paring tao sa shop na bumibili ng mga bulaklak. February kasi ngayon, buwan ng pag-ibig kaya't malakas ang bentahan ng bulaklak kapag Valentine's Day.

"Huy, nakabusangot ka diyan. Mamaya matakot sayo mga costumers natin.", si Trisha, ang katrabaho ko ng kalabitin niya ako.

Tiningnan ko lang siya saglit bago ko muling ibinaling ang atensyon ko sa inaayos kong flower arrangement. I don't have time to chit chat her.

"Hey, ipinangako mo sa aking ipakikilala mo ako kay Carlo.", sumimangot siya.

Nagsingit pa ako ng isa pang bulaklak sa flora bago ko siya hinarap. "Lagi naman siyang dumaraan rito kaya ikaw na lang magpakilala sa kanya."

"Wow. Ang sungit mo ata. Red day ka ba ngayon?"

"Gusto mong mabatukan?"

Trisha smiled. "Baka naman preggy ka?"

Tuluyan ko na nga siyang binatukan. Napayuko pa kaming dalawa ng magsipagtinginan sa amin ang mga bumibili.



HAPON, bandang alas singko, uwian na ng mga empleyado sa shop. Pero that Hunter guy didn't lose my mind.

I hate him so much already. Palabas na ako ng shop ng may bumunggo sa balikat ko dahilan para mapa-atras ako. Sumigaw pa ako ng 'Ouch' pero ni hindi man lang ako nagawang lingunin nung babae.

A bunch of girls who's rushing outside are screaming and giggling na tila ba sila mga high school students na nakakita sa F4.

"OMG, sino siya? Oh my, so handsome!", aniya ng isang babaeng napakagat pa sa labi nito.

"He is soo hot! So sexy and yummy!", aniya rin ng isang babaeng para bang pagkain ang lalaking nasa harapan nito.

Napailing na lamang ako. Napapangiwi ako sa kanila. Basta ba gwapo yummy na? Tapos pag pangit mandidiri sila? Asan ang hustisya, di ba? Life is really unfair!

I ignored them and walked continuously nang biglang may nagsipaglinyahan sa harapan ko dahilan upang mapahinto ako sa paglakad.

Napa-atras ako ng tatlong hakbang ng mamukhaan ang mga men in black na humarang sa dinaraanan ko. Sabay-sabay silang yumuko upang magbigay galang sa akin.

Humakbang sa harapan ko ang lalaking bumuhat sa akin noon.

"Ikaw na naman!"

"Yes, young miss. Our Boss wants to meet and talked to you again."

Humalukipkip ako. Is this some kind of anime? Para silang kabute na biglang sumusulpot.

"Sabihin niyo sa Boss niyo that he is a stupid monkey! Utak ibon ba siya na hindi makaintindi? Your Boss is an idiot tell him that!", maglalakad akong muli ng hawakan nito ang braso ko.

Inutusan nito ang tatlong lalaking harangan ang dinaraanan ko.

"Ano na naman ito? Part two? Come on, guys. Tapos na kaming mag-usap. Kaya wala na dapat na ganito.", I squealed.

So I Married The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon